"Alam mo beh nagseselos ka kaya ka ganyan!" Sabi ni Alexa nang ikwento ko sa kanila ang nangyari. Hindi kasi mawala wala ang init ng dugo ko kay Dax na kausapin niya ang babaeng nakita kong kasex niya noon. Inis na inis ako at hindi mawala wala sa sistema ko. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung selos nga ba itong nararamdaman ko at ang alam ko lang ay naiinis ako. Nasa canteen kami ng oras na iyon. Kumakain kami pero para akong napipilitan lang dahil wala akong ganang kumain. "You're jealous, Macy. Naiinis ka dahil Nagje-jealous ka dahil love mo na si Dax." Panunukso sa akin ni Lhea. "Ayieee inlove na si Macy!" Panunukso rin ni Amie. Panay ang tawanan nila pero hindi ako natutuwa. Kung selos man ito, ayoko ng ganitong pakiramdam. Nakakainis si Dax na dahil sa kanya ka

