BUMALIK na ako sa kwarto ko. 10am pa lang ng tignan ko ang oras. Masyado pang maaga. Sinabi ni Dax na baka gabihin na siya dahil pagkatapos nilang mag gun shooting ay iinom pa sila. Ilang oras palang matatahimik ang buhay ko dahil wala si Dax. Mabuti rin na umalis siya atleast walang mangungulit ng araw na iyon sa akin at hindi ko naman maintindihan kung ikatutuwa ko ba yun. Inalis ko na siya sa isip ko at naisipan na lang gumawa ng assignments. MABILIS na lumipas ang oras, past 9 na ng gabi at wala pa ang dalawa. Boys night out iyon at malamang na gabing gabi na umuwi ang dalawa, at ewan ko naman kung bakit para akong naghihintay. Wala naman dapat akong pake kung anong oras na uuwi si Dax. Ni hindi ko nga siya pinapansin noon sa bahay. Parang hangin lang siya na hindi ko nakikita at

