Akala niya pag malayo na siya sa lalaki at sa pagsaksi sa pakikipagkita ni Jhai sa Melissa na yun, ngunit mali siya dahil isang araw palang ay para na siyang mabubuang sa lungkot na lumukob sa kanya. "Bru, nasundan tayo ng tauhan ni Jhai, baka kasuhan niya ako ng kidnapping." Si Jana na di kabakasan ng takot. "Kusa naman akong sumama sayo. ," katuwiran niya dito.. "Gagi, alam mo naman na bulag ka e. " Tila namomroblema na sabi nito. "Akina ang phone mo, tatawagan ko si H o si Tammy papasundo ako sa kanila. " Sabi niya dito. Agad naman na ginawa nito ang kanyang sinabi, alam niya na mabigat na ang dinadala nitong alalahanin ngayon. Kaya kalabisan na kung idadagdag niya pa ang bagahe niya. "Di naman sumasagot ang dalawa sa tawag, nasa misyon ba sila ngayon?" Tanong niya sa babae.

