Simula nang makaalis si Jana at si Raffa ay para kaming mga timang na naghintay talaga dun sa dalampasigan. Mahigit dalawang oras na kaming nakatunganga lang na parang mga baliw. Char. Excited lang naman ang mga ito na magkaload na upang matawagan ang kanilang mga irog. Na tiyak sa mga sandaling ito e di na magkamayaw sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa kanila. Pangatlong araw na din simula ng mangyari ang paglusob na ginawa ng mga kalaban sa kanilang bahay. Pero siya lang ang di excited dahil alam niya na wala namang naghihintay sa kanyang pagbabalik. Alam niyang walang ibang nag aalala sa kanyang pagkawala kundi ang kanyang mga kaibigan sila Tammy, Trina, Julie, G at H lang ang mag aalala sa kanya. "Ang tagal naman nila baka nag biglang liko pa yun sila." Sabi niya na nakapangalum

