Tahimik niyang kinuha ang kanyang personal phone sa bulsa ng kanyang pantalon, naiinip kasi siya at natatakot naman siyang igala ang kanyang paningin sa loob ng restaurant at baka magtama ang kanilang mga mata. Abala siya kaka scroll sa kanyang cellphone nang makita niya ang pares ng paa na nasa gilid ng kanilang table. Bigla ang ragasa ng kaba sa kanya nang mapagsino ang nakatayong iyon. "Bantay pala sa hospital ha, ang galing tapos nandito lang pala para makipagdate sa lalaki." Alam niyang galit na galit na ang lalaki sa kanya, pero sa halip na matakot ay nakangiti niya itong nilinga. "Non of your business Gov, as far as I remember I'm still single and I have the freedom to go anywhere I want at malaya akong sumama sa kahit na sino dahil wala naman akong nobyo na pwedeng magbawal sa

