Mabilis ang mga hakbang niya papasok sa chopper, ayon sa text ni Manang ay naghahanap daw ng salad si Aqua at hinahanap siya nito. "Sir pakibilisan po, iniisip po niya na nasa babae nyo daw po kayo." Yun na yata ang pinakamahabang biyahe ng buhay niya. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang pinagbibintangan siya ng bagay na di naman niya ginawa. Pero may exemption doon ang babae, lalo at alam niyang may trust issue ang babae. Kaya di niya masisisi ang babae na ganun nalang ang iniisip nito. "Look for salad asap!" Chat ni Ryon sa kanya. Mukhang nahingan din ito ng pinsan nito ng salad. "What kind of salad? " Chat niya kay Manang. "Bilisan nyo Sir fruit salad daw po. " Sabi pa nito. Ilang restaurant din ang kanyang nadaanan bago nakakita ng merong fruit salad. Naghintay pa siya ng ilang

