Sa pagmamadali niya ay nadala niya ang kanyang pang personal na phone, gusto niya tuloy na mayamot dahil di niya gustong dalhin ang phone na iyon lalo at puro stress lang naman ang hatid niyon sa kanya. Bago siya pumunta ng hospital ay kumain na muna siya sa isang restaurant na nadaanan niya sabay take out na din ng pagkain para sa kaibigan na may sakit at sa bantay na aabutan niya. Ito ang kanyang ikalawang dalaw sa kaibigan niya. Di naman kasi nabanggit ni Tamara kung sino ang bantay ngayon ng kaibigan sa hospital. Pagdating niya ay si Red ang naabutan niyang kasama ng kaibigan niya, and as usual ay nagbabangayan na naman ang dalawa pagdating niya doon. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang pagdating ni Jhai doon. "Hinahanap ka ni Jhai kagabi sa amin." Bulong ni Jana na mukhang bala

