Nakasama na nila noon ang asawa ni Dos buntis pa ito noon, sa bahay ni Dria nung buntis pa ang kaibigan nila. Kilala nila maging si Yaya Rosing kaya naman alam nilang parang personal battle na din ang lahat ng ito ngayon. Nang dumating sila sa bahay nila Dos ay nandun din pala si Jhai, di niya alam kung nauna ba ito doon o nauna sila. Kaagad kasi silang kinausap ni Dalton regarding sa present situation ng pamilya. "We are still in awe, we don't know who is the mastermind of all this shit." Sabi nito. Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid at pasimpleng inaral ang mga kilos ng mga kasambahay na naroon. Sa dami ng mga iyon ay parang ang hirap isa isahin sa isang araw lang. At hindi naman pwedeng manghihila nalang sila at tanongin, as much as possible ay kailangan nilang maging discre

