Kath's POV Kasalukuyan akong nakaharap sa bintana, patuloy sa pagtulo ng aking luha habang nakatingin kay Ethan na nasa labas ng gate. "Please Ava." Nagmamakaawa itong kausapin ako. Bigla kong naalala ang nangyari sa hospital, pati narin ang pinagusapan namin ni Kuya Gerry. Flashback "Kath." Narinig ko ang mahinang pagiyak ni Chichi. "Gumising ka na please." Dahan dahan kong minulat ang aking mata. Nakita ko si Chichi sa tabi ko, mahigpit nitong hawak ang kamay ko. "Chichi. Tubig please." Sabi ko, para kasing natuyo ang lalamunan ko. "Girl gising ka na, sandali." Nagbukas siya ng isang bottled water. "Ito uminom ka, pinagalala mo ako." "Ano bang nangyari?" Nalilito kong tanong, kung makaiyak kasi siya parang may namatayan. "Nahimatay ka girl. Grabe talaga yung nangyari, bigla

