Ethan's POV Dahan dahan akong lumapit kung nasaan si Kath. Ang daming apparatus na nakaturok sa kanya, awang-awa ako, kung pwede lang na ako ang nandiyan. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito. "Ang daya mo! Dapat wala ka diyan, dapat nasa tabi kita, dapat inaalagaan mo si Earl." Nagsimula nang tumulo ang luha ko. "Mahal na mahal kita. Pilitin mong lumaban kasi hindi mo kami pwedeng iwan. Bubuo pa tayo ng pamilya diba?" Alam kong kahit anong tanong ko sa kanya, hindi niya ako sasagutin pero nagbabakasakali akong marinig niya ang boses ko at bigla niyang imulat ang kanyang mga mata. "Kath hindi ko kakayaning mawala ka, lahat gagawin ko mabuhay ka lang. May baby na ulit tayo at nasa tummy mo siya, naligtas siya sa aksidente dahil gusto niya tayong makita." "Gusto pa kitang makasam

