Kath's POV Kasalukuyan akong nagaalmusal ngayon, niyaya ako ni Chichi at Gerry na mamasyal mamaya. Kung itatanong niyo kung sino si Chichi at Gerry sa buhay ko, sila lang naman ang tumulong sakin noong pagkapanganak ko, sila ang umako sakin noong wala na akong mapupuntahan. Ayoko naman sabihin kay Kira ang pinagdadaanan ko kasi ayokong pati siya maapektuhan. Utang ko sa kanilang dalawa ang buhay ko. "Umagang umaga ang lalim na naman ng iniisip mo." Sabi ni Chichi kaya napabalik ako sa kasalukuyan. "Sorry." "Alam mo hindi na ako magtataka na bigla ka nalang diyan magcollapse sa sobrang lalim ng iniisip mo. Ang aga aga nagday daydream ka." Natatawang sabi niya. Hindi ko siya pinansin at bumalik sa pagkain. "Goodmorning Guys." Nakangiting pagbati ni Gerry. "Goodmorning Papa Gerry."

