Kath's POV Nagising ako sa mahimbing na tulog dahil may humahaplos sa buhok ko, unti unti kong minulat ang mata ko. Napangiti ako nang mabungaran ang gwapong mukha ni Ethan. "Wake up sleepy head." "Ethan! Anong gingawa mo dito?" Nagulat ako kaya napatayo kaagad ako. "Wala, ginigising ka." Nakangiting sabi niya. Wait, baka panaginip lang ito. Kinurot ko ang pisngi ko, totoo nga. Bigla kong naalala na namamaga pala ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. "Wag mo na itago yang pasa mo. Sino ba may gawa niyan?" Nagaalalang tanong niya. "Ha? Wala nauntog lang ako sa pader at itong mukha ko ang tumama." Alam ko hindi siya maniniwala sa paliwanag ko, sino ba namang tanga ang mauuntog sa pader. "Your not a good liar, pero dahil ayaw mong sabihin sakin kung sino may gawa niyan, ga

