Ethan's POV Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, ilang minuto bago ko naalala ang nangyari kagabi. Napatingin ako sa gilid ko upang hanapin si Kath ngunit wala ito, kaagad akong tumayo ngunit pagtayo ko bigla akong nakaramdam ng p*******t ng ulo. Hindi ko kayang tumayo kaya humiga nalang ulit ako. 'Sh*t talaga!' Bulong ko sa sarili. Nakainom nga pala ako kagabi pero konti lang naman, sadyang malakas lang ang tama ng alak na yun sakin. Pinilit kong tumayo kahit nahihilo pa ako, gusto kong makita si Kath. Bakit kasi sumabay pa ang p*******t ng ulo ko? F*ck this hangover! Hinanap ko ito sa buong bahay ngunit wala ito, minabuti ko na munang umuwi para makapagpahinga pagkatapos makapasok na sa opisina. Nanghihina ang buo kong katawan Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang maalala ang

