Kath's POV
Nagising ako ng maaga, nag-unat ng katawan pagkatapos inayos ang hinigaan ko.
Naghilamos ako at naisipang bumaba na. Nakita kong nakaupo si --- ano nga bang pangalan niya?
"G--goodmorning." Nauutal na bati ko.
"Goodmorning." Sabi niya, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Didiretso na sana ako ng kusina nang. "Where are you going?" Nakataas ang kilay nito, talo pa ako kung makapagtaray.
"Ahh pupunta sa kusina. Titingnan ko kung may makakain ako. Nagugutom na kasi ako." Kumakalam narin kasi ang sikmura ko.
"Bakit sa kusina? Pwede ka naman sumabay sakin."
"Naku! Wag na." Nahihiyang sabi ko.
"No. Sit here." Tinuro niya ang bakanteng silya. Umupo ako sa tabi niya, ayoko na kasing makipagtalo sa kanya.
Kumain ako, wala kaming imikan hanggang sa matapos. Ilalagay ko na sana ang pinagkainan ko sa kusina nang hawakan niya ang kamay ko.
"Hindi mo na kailangan gawin yan. Your not a maid here." Tumango ako at umupo ulit sa tabi niya.
Bigla siyang nagsalita. "Gusto kong maayos ang relasyon natin para sa bata."
"Anong ibig mong sabihin?" Tagtatakang tanong ko.
Ito ba yung mga napapanuod kong palabas na pakakasalan niya yung babae para sa magiging anak nila, pero hindi niya naman ako mahal diba. Tsaka halos wala pang ilang buwan nang makilala ko ito.
"I'm not gonna marry you, kung yan ang iniisip mo."
'Ouch ha! Ano ba kasi iniisip mo Kathleen? Wala ka naman sa isang telenovela, nasa realidad ka.'
"Gusto kong maayos ang relasyon natin para sa bata. I have a girlfriend at papakasalan ko siya soon." Tila may tumusok na karayom sa bandang dibdib ko. May girlfriend pala siya pero nagloloko pa.
Tumango nalang ako. Ano bang magagawa ko mahal niya siguro ang girlfriend niya, tsaka itong magiging relasyon namin sigurado akong para sa bata lang. "What is your name?" Tanong niya.
"Kathleen Dee ang pangalan ko. Kath for short." Tumango naman siya. Sus! Alam ko na alam niya ang pangalan ko.
"Ikaw? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"I'm Ethan Blake Marcova." Isa siya sa pinakamayamang tao dito sa bansa, at his young age may sarili na itong kumpanya. Kaya siguro lahat ng gusto niya nakukuha niya. He is a playboy and also a bad boy na mukhang anghel na bumaba sa lupa.
"I have to go." Pagpapaalam niya.
"Sige magingat ka." Sabi ko nalang.
Bumalik ako sa kwarto bago nakahinga ng malalim.
Nagisip-isip muna ako. 'Ano ba ang mangyayari sakin at sa magiging anak ko? Lalaki ba siyang walang buong pamilya na katulad ko?'
'I'm not gonna marry you, kung yan ang iniisip mo. I have a girlfriend at papakasalan ko siya soon.'
Tila nagflaflashback sa utak ko ang sinabi niya, bakit parang gusto kong maiyak pagnaaalala ko ang mga katagang yun. Bakit ba emosyonal kapag buntis?
----------
Kasalukuyan kong hinihintay si Ethan ngayon, may gusto akong sabihin sa kanya at napagisipan ko na ito ng mabuti.
Nakita ko siyang bumaba sa sasakyan niya. Alam kong pagod siya pero gusto ko na talaga sabihin sa kanya ito, sayang ang araw na makakasama ko siya.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, gusto ko siyang salubungin at yakapin siguro dahil sa paglilihi ko. Siguro hinahanap hanap ng baby ko ang pagmamahal ng ama niya.
"Ethan wait." Pagpigil ko sa kanya nang makita siyang paakyat ng hagdan. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko, tumango naman ito bilang sagot.
"Mauna kana sa opisina ko, magbibihis lang ako."
"Okay." Nagtungo ako sa opisina niya dito sa bahay, kinakabahan ako habang hinihintay si Ethan.
Maya maya bumukas na ang pinto.
"Now, talk." Sabi niya.
Huminga muna ako ng malalim. "Ethan, alam ko na hindi ko kayang buhayin ang
anak ko. Kaya napagdesisyunan ko na pagkapanganak ko, iiwan ko siya sayo." Hindi ko napigilan ang luha ko.
Bakas sa gwapo nitong mukha na naguguluhan sa sinasabi ko. "Hindi ko gustong iwan si baby, ang gusto ko lang mabigyan siya ng magandang buhay at nang buong pamilya. Ayokong lumaki siya na may dalawang kinikilalang ina. H---hindi niya ako makikilala dahil yung mapapangasawa mo ang makikilala niyang ina."
Pilit akong ngumiti sa harapan niya. "Hindi ko naramdaman na magkaroon ng buong pamilya nung bata pa ako, mahirap para sakin ang naging sitwasyon ko. Kaya mula noon nangako ako sa sarili ko na bibigyan ko ng maganda at buong pamilya ang magiging anak ko."
"Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, hindi ko na iyon matutupad pero ikaw at ang mapapangasawa mo. Pwede niyong tuparin yun para sakin."
"What about you? Alam mo ba ang hinihiling mo? hindi mo siya makikilala at hindi ka rin niya makikilala." Seryoso niyang tanong sakin.
"Kaya kong magtiis, makita ko lang na masaya ang anak ko. Alam ko naman na hindi mo siya pababayaan eh."
Ito ang iniisip ko buong araw, masakit para sakin ang desisyon ko pero ito lang ang tanging paraan para hindi maramdaman ng baby ko ang hirap ng buhay. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng hindi ko naranasan noong bata pa ako.
Hinawakan ko ang kamay niya. "May isa lang akong hiling, pwede mo ba akong alagaan habang nandito ako sa puder mo?" Tanong ko. Naguguluhan niya na naman akong tiningnan. "Gusto kong maramdaman na may taong nagaalaga at nagmamahal sakin. Gusto kong maramdaman na tinuturing mo akong espesyal. Kahit na sa maikling panahon lang, kahit sa pagbubuntis ko lang, para naman may mababaon akong alaala na kasama kita pati narin ang anak ko bago ko siya iwan sayo." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
Napahilamos ito sa mukha. Siguro iniisip niya na nababaliw na ako. "I'll try my best to do that but don't expect too much."
Pilit akong tumango sa kanya. "Thank you Ethan." Pagpapasalamat ko.
"Were done here." Umalis siya sa harapan ko.
Umakyat naman na ako sa kwarto at doon binuhos ang luha ko. 'Kaya ko bang iwan ang anak ko? Pero mas maayos ang magiging buhay niya kapag nandito siya sa ama niya. Mabibigyan siya ng buong pamilya kasama ang magiging asawa ni Ethan.'
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading my story.
Dont forget to like and comment.