Chapter 29

981 Words

Kath's POV "Kath I can explain." Hindi ko siya pinansin at mabilis na tumawag ng taxi. Mabilis akong nakarating sa mansion, pinunasan ko muna ang luha ko bago pumasok sa loob. "Hija, anong nangyari sayo?" Nagaalalang bungad ni Manang. Gusto kong magsinungaling at sabihing okay lang ako pero paano? Sobrang sakit ng puso ko na tila ilang minuto nalang sasabog na ito. "Manang." "Anong nangyari hija? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya. "Manang hindi ko na kaya, hindi ko na kaya ang sakit sakit na." Napahagulgol ako. "Hindi kita maintindihan. Ano bang nangyayari sayong bata ka?" Umiling nalang ako. "Hindi niyo na kailangang malaman. Thank you nalang po sa lahat." Iniwanan ko itong nalilito. Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang malaking maleta. Nilagay ko ang lahat ng mga gamit ko dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD