Kath's POV Masaya akong nakatingin sa kanila, nasanay na ako na lagi silang kasama, wala na akong mahihiling pa. "Baby I have to go! There's an urgent meeting in the office." Pagpapaalam ni Ethan. "Okay lang. We will wait for you." Humalik ito sa pisngi ko bago umalis sa harapan ko, kailangan niya ng pumasok sa opisina dahil maraming naghahanap sa kanyang mga investors. Pagkatapos naming kumain ng tanghalian, umakyat ako sa kwarto kasama si Earl, pinatulog ko ito at umidlip din ako dahil sumasakit ang ulo ko. Naalimpungatan ako nang wala si Earl sa tabi ko, kaagad akong bumaba para hanapin ito ngunit buhat buhat pala ni Manang kaya lumapit ako sa kanila. "Hija buti nagising ka na, masakit parin ba ang ulo mo?" "Hindi na po. Anong oras na po pala?" "9:30PM na." Nagulat ako sa sinab

