Kath's POV Naexcite ako nang makarating kami sa tapat ng bahay nila. "Ethan? Kinakabahan ako." "It's gonna be okay." Hinawakan niya ang kamay ko at humalik dito. "Paano kapag ayaw nya sakin?" Malungkot na tanong ko. Matagal akong nawalay sa anak ko kaya hindi ko alam ang magiging reaksyon nito. "I'm sure he will like you!" Huminga ako ng malalim at bumaba na ng sasakyan. "Let's go!" Pagkapasok namin sa bahay, narinig ko kaagad ang boses ni Manang. I missed her, i missed this house dito kami nagsama ni Ethan sa maikling panahon nang pagbubuntis ko kay Earl. "Baby drink your milk." Rinig kong sabi ni Manang. Naunang naglakad si Ethan kaya naman sumunod ako. "Hi Daddy's here. I have a surprise for you." Tinuro ako ni Ethan. "Mimi." Excited na sabi ng anak ko, nilahad niya ang kam

