Kath's POV Nagising ako na tila ang sakit ng buo kong katawan, may dextrose din ako sa kamay. "Kath." Boses ni Ethan sa tabi ko. Naalala ko ang mga nangyari sa hospital. Nagsimulang magtubig ang mata ko habang tinititigan ang nagaalala niyang mukha. 'Bakit siya nandito? Diba dapat nandun siya kay Hope.' "What are you doing here?" Malamig kong tanong sa kanya. "Anong sinasabi mo? Ano bang pinagkakaabalahan mo at hinimatay ka? May tumawag sakin sinabi na nandito ka daw dahil nakita ka nilang walang malay sa daan." Tanong niya, siya pa talaga ang galit sakin. "Huh?" "Hinimatay ka! Sabi ng doctor sa sobrang stress mo daw kaya ka hinimatay!" Bakit hindi ko maalala? Ang naaalala ko lang ay naglalakad ako patawid sa kabilang kalye tapos may narinig akong sigawan pagkatapos wala na, wala

