Nagising si Vanessa na wala paring Ed na dumating kaya naman kahit wala siyang ganang bumangon at magayos ay pinilt parin niya upang makapasok siya sa trabaho. Baka sakaling duon na niya madatnan ang binata?Para siya ngayung manghuhula na kung anu at kung asan ang lalake naiinis man siya ay hindi parin niya maiwasang magalala dito.Pagdating niya sa opesina ay wala parin kahit na bakas man lang na dito tumuloy ang binata ni hindi nagalaw ang mga papeles na nilagay niya kahapon dito kaya naman malungkot siyang bumalik sa kanyang pwesto.Nakita ni Alvin, na mukhang malungkot si Vanessa dahil hindi man lang siya pinansin ng dalaga kanina ng makasalubong niya ito sa hallway. Dumaan lang ito na parang hangin alam naman niya ang rason kung bakit nagkakaganyan siya dahil siguro kay Ed mula pa nung

