Chapter 16

1124 Words
Pagsapit ng tanghalian ay nauna ng umalis si Ed dahil may biglaang lunch meeting daw ito sa isa niyang investor. Hindi na naman siya sinama nito parang hindi secretarya ang trabaho niya dito dahil mula ng magtrabaho siya dito ay ni minsan hindi pa siya sinama nito sa lahat ng meeting niya mapa labas man oh dito sa loob ng kompanya. ''Parang may itinatago siya na hindi niya dapat malaman?'' Inihanda na niya ang sarili sa pagbaba upang tumungo sa canteen at alam niya sasabunin siya ng mga kaibigan niya ngayun.Nasa hall way palang siya papunta sa canteen ay pinagtitinginan na naman siya ng mga ibang empleyado may nagbubulung bulungan hindi nalang niya pinansin ang mga ito dumaretso siya sa pagorder ng kanyang makakain at saka niya hahanapin kung saan naka pwesto ang kanyang mga kaibigan.Nakapila na siya ng magsalita ang babaeng nasa likuran niya.Akala mu naman kung sinung maganda, di niya alam pag nagsawa na si Sir sa katawan niya sigurado iiwan din siya. Gaya ng ibang naging babae ni Sir,Oo nga nu wala naman nagtagal sakanila maliban nalang ka Mam. Jessie na collage sweet hurt niya. Saka dapat magpaka saya na siya ngayun dahil pag bumalik si Mam Jessie wala na siyang puwang sa puso ni Sir.Nasaktan siya sa mga narinig kilala pala ng lahat si Jessie at pumupunta din pala dito at mukhang mahal din ito ng mga empleyado.Nang makuha niya ang order niya ay pumihit siya paharap sa dalawang babae nginitian niya ang mga ito ngunit sinimangutan lang siya ng mga ito.Naglakad na siya upang hanapin ang pwesto ng mga kaibigan agad naman niya nahanap ang mga ito dahil nakita niyang kinakawayan siya ni Precious. Huminga siya ng malalim at ibinalik niya ang ngiti sa mga labi kahit binabagabag siya ng mga narinig. ''Hi musta ang future Madam?'' ng kompanya bungad sakanya ng kaibigan.Precious anu ka ba nakakahiya baka may makarinig sayo.Anu naman eh totoo naman diba kayu na ni Sir? sa nakita ko kanina mas malalim pa ang nasa isip ko. ''Magaling ba siya sa kama?'' Nasamid pa siya sa tinuran ng kaibigan sa dami ng tanung nito ay ang kalaswaan pa ang napili nitong itanung hindi rin niya masagot ito dahil hindi rin naman sila natuloy ng love making nila ni Ed. Kung ang ginawa nito ay masasabi niyang magaling itong mang romansa.''Hoy natahimik ka na diyan inaalala mu siguro ang nangyari anu?''Hindi ah may naalala lang ako palusot nalang niya sa mga ito.''Bakit anung nangyare at umabot kayo sa puntong to?''Isinalaysay niya ang lahat sa mga kaibigan na dati na silang magkakilala at ang totoo ay ex niya ito kinuwento din niya kung bakit sila naghiwalay nuon hanggang sa mapadpad siya dito at nalaman niyang siya pala ang Ex niya na mahal parin niya. Mataman lang naman nakikinig ang mga kaibigan sakanya.''Para naman palang roller couster ang love life niyong dalawa?'' Oo nga sagot ni May Ann, panu kaya kung dumating si?''Napatingin siya bigla kay May Ann ng hindi niya maantay ang susunod nitong sasabihin ngunit tinakpan na pala ng kamay ni Precious ang bunganga nito. Napakunot naman siya ng nuo dahil sa inakto ng kaibigan.''Bakit anung meron?''Ah wala may langaw kasing halos pumasok na sa loobng bunganga ni May Ann huhuliin ko sana kaso mabilis lumipad. ''Diba May Ann?'' sabay lingon dito at pinanlakihan niya ito ng mata.Nakuha naman agad ng kaibigan ang nais nitong iparating at sumang ayon naman ito agad. Nang makaalis si Vanessa ay agad nakahinga ng maluwag si Precious. Umalis din ito agad kanina pagkatapos nilang kumain dahil madami daw itong dapat habulin na paper work.Naiwan silang tatlo sa canteen at may tatlongpong minuto pa naman sila para sa lunchbreak nila.''Bakit mu ako pinigilan kanina Precious ng sasabihin ko sanang pumupunta dito si Mam Jessie? At mukhang hindi parin sila hiwalay ni Sir diba?'' Kasi kung titignan sa mga galaw nila ay para silang magkasintahan.Yun nga eh alam mu naman na ngayun lang sila nagkaayos tas sisirain mu na naman agad malay mu wala na sila ni Mam Jessie. Dalawang buwan na din naman na hindi nagpapakita ang babaeng yun dito.Kilala ng lahat ng empleyado si Mam Jessie dahil sa relasyon nito sa boss nila masyado itong selosa lahat nalang pinagseselosan kahit kausapin lang ng binata ay pinapatanggal na nito. Isa rin ata ito sa mga ka sosyo ng boss nila sa iba pa nitong negosyo kasama na duon ang tatlo pa nitong mga kaibigan.''Sabagay, bakit nga kaya nu hindi na pumupunta dito ang babaeng yon?'' Kung tutuusin pabor yun saating lahat dahil sa ugali niyang napaka scandalosa.''Pero maiba ako panu kung malaman ni Vanessa na pati tayo ay naglilihim sakanya tungkol dun ?''Ayaw kong magtampo siya sa atin Precious.''Bakit may karapatan ba tayung panghimasukan ang lovelife ni Sir?'' Dapat siya ang magsabi nito kay Vanessa kasi siya naman ang punot dulo nito ang tanging maibibigay nalang natin sakanya ay suporta kahit anung mangyari ay susuportahan natin siya hanggang sa huli.''Gago din pala ang boss natin?'' sa ikalawang pagkakataon kung mangyayari man ay dudurugin na naman niya ang puso ng kaibigan natin.Sana nga hindi na mangyari iyon at sana tutuo ang mga nasabi mu na baka nga wala na sila ni Mam Jessie kasi nasasaktan ako para sa kaibigan natin.Madami pa silang napagusapan tungkol sa kaibigan at napagusapan din nilang mas magandang masabihan na din ito tungkol kay Jessie. Sa katapusan nila balak sabihin dito aayain nila itong mag bar para duon aminin lahat ng kanilang nalalaman ayaw nilang mahulog na naman ng husto ang kaibigan at madurog na naman ng biglaan kaya mas minabuti nilang kausapin na ito.Sampung minuto bago matapos ang kanilang break ay lumabas na sila sa canteen ngunit paglabas nila ay may mga dumating na tatlong nag gwagwapuahang mga binata at ang umagaw ng kanyang pansin ay isa sakanila na kung makangiti ay para kang dinadala sa taas ng ulap ang mga malalalim nitong dimples ay nakakaakit, at ang matangos nitong ilong na nabagay sa suot nitong sun glasses maputi din ang balat nito, makisig ang pangangatawan nito ay mahahalatang alaga sa ehersisyo, matangkad din ito parang isang modelo mas lalo siyang kinabahan ng mukhang palapit ang mga ito sakanilang gawi.Halos tumigil ang kanyang paghinga ng makalapit na ang mga ito sakanila nagtaas ito ng kamay upang makipag kamay kaya naman iniangat din niya ang kamay ngunit laking gulat niya ng lagpasan siya nito at kinausap ang taong nasa likuran nila.Liningon pa siya nito at tumaas ang gilid ng mga labi nito at umiling iling ito sakanya.Sa sobrang kahihiyan ay tumakbo siya paalis sakanilang pwesto buti nalang hindi ito napansin ng mga kaibigan dahil nakatulala din ang mga ito.Dumaretso siya sa banyo at duon nilabas ang sama ng loob ganun pala ang mapahiya sa harapan ng madaming tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD