Nakatulala na naman si Vanessa sa kanyang kinauupuan, tatlong linggo na niyang iniiwasan si Ed kahit masama ang loob niya dito ay nananaig parin ang pamamahal niya para dito. Hindi niya rin maitatanggi na miss na miss na niya ito pero kailangan niya patatagin ang kanyang sarili dahil alam niya na siya lang din ang masasaktan.Ilang araw na din itong hindi pumapasok ayon sa sekretarya nito nagaalala na siya para dito kausapin niya sana si Alvin kung pwede niya kamustahin ang kalagayan nito ngunit nahihiya siya sa binata.''Hi kanina pa kame dito, pero parang wala ka sa sarili mo? sabi ni Rain sakanya.Nagulat pa siya dahil sa biglaang pagsasalita nito masyado na ata talaga siyang naapektuhan sa pangyayari pati ang mga taong nasa paligid niya ay hindi na niya napapansin.Pasensya na may naalala

