Nang gabing ʼyon habang nagbibihis si Roxanne, naisip niya na kung mai-in love siya kay Drake, gagawin lang siya nitong panakip-butas. At determinado si Roxanne na pigilan ʼyon sa kahit anong paraan. Naisip din niya na oo nga at naging maayos na employer si Drake at ngayon ay magaling na companion, basta hindi niya ginagalit tungkol kay Pauleen, hindi pa rin siya ang tipo ng lalaki na mamahalin niya sa ngayon. Roxanne believed that Drake might demand and expect a total submission, at alam na niya ang naging epekto noon sa kanya. Ang kapal talaga niya! How could he think na mai-in love ako sa kanya! Baka nga siya ang ma-in love sa akin eh. Posible ba talaga sa isang tao na isara ang puso niya? Ewan ko sa kanya! Basta ako, I won't have s*x without love! Lasing lang talaga ako noon. Hindi

