Sa takot na magbago pa ang isip ni Roxanne, Drake announced their engagement two days later. Kumalat agad ang balita sa kanyang mga kaibigan, as well as in the office. Unfortunately, may client call si Drake sa Macau kaya kinailangan niyang lumipad papunta doon day after the announcement. Naiwan si Roxanne mag-isa para sagutin ang mga tanong ng mga tsismosa at usyuserang kasama niya sa opisina. Nagpasya silang ilihim muna ang tungkol sa pagbubuntis ni Roxanne. “Hindi ko alam kung paano mo nagawang ilihim sa amin ang relasyon n'yo ni Atty.,” biro ni Denise. “Wala man lang hint!” “Para ano? Pagtsismisan?” nakangising sagot ni Roxanne. “Hindi ʼyon magugustuhan ni Drake.” “Pero ni isa sa amin walang nakahalata sa inyo! Grabe naman. ʼDi pa din talaga ako makapaniwala,” inggit na sabi ni D

