Kabanata 4

2129 Words
Hindi alam ni Evenne kung saan siya dinala ng kanyang mga paa. Dahil sa kakaiyak niya, hindi na niya napansin ang mga dinaanan niya hanggang sa namalayan na lang niya na nasa kagubatan na pala siya. Naupo siya sa malaking bato na nasa harap niya at napapikit. Ang sarap ng hangin na dumadampi sa pisngi niya, nakakakalma. Tamang-tama lang sa sitwasyon niya ngayon.  Pilit niyang winawaksi sa isipan niya ang sinabi ni Hiro kanina pero hindi niya malaman kung bakit pabalik-balik pa rin ito at bakit masakit ito sa damdamin niya. Bakit napakasakit nung siya ang nagsabi nito sa kanya?  Tiningnan niya ang suot niya, makapal at malawak na t-shirt at pajama. Para siyang nanay na stressed at walang panahon para mag-ayos ng sarili.  Naramdaman niyang nagvibrate ang phone niya, dala pala niya ito. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, new number. Sinagot niya ito baka importante at sigurado naman siyang hindi ito ang amo niya. "Where'd you go? It's getting dark, gome back and talk to me. Why did you run away like that?" Mukhang galit ito sa tono pa lang ng boses niya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung ang susuwelduhan mong katulong ay wala namang ginawa buong araw?  "I quit." Yun lang ang sagot niya. Panandaliang nanahimik si Hiro sa kabilang linya pero agad ding nagsalita.  "I don't care, just come back and explain to me why you run off like that." Nagagalit na nga siya.  "I'm lost." Pag-aamin niya. Paano ba naman siya makakauwi kung hindi niya alam kung paano bumalik baka mas lalo pa siyang maligaw kapag pinilit niyang hanapin ang daan pabalik. "Baka! Turn on your GPS and stay where you are." Utos nito sa kanya na agad naman niyang sinunod. Ma-awtoridad ang boses nito na hindi niya magawang sumuway. "I'm hanging up. Don't you dare ever leave that spot." At nag-hang up na ang call. She felt guilty for making him worry. Narealize niyang she acted without thinking, napaka-sensitibo naman niya masyado. Hindi siya magma-mature as a woman if she keeps on dwelling on her past and getting easily affected by words. At that moment, she accepted it. She will become open minded like a grown up woman would. She will handle it herself like a real woman. "Baka!" Yun ang bungad sa kanya ni Hiro. Akala niya galit ito pero nakakalma naman ito habang palapit sa kanya.  "We're not going back hangga't hindi ka magpapaliwanag." Nakakalma siya pero nakakatakot ang boses, so authorative that it would make you do everything he says.  Palapit ito nang palapit sa kanya pero hindi niya magawang humakbang paatras, Evenne just stared at him with the loud hammering in her chest. He's closing the gap between habang suwabeng humakbang palapit. "Are you going to tell me? If not, let's go back and fix your things." Tumigil si Hiro half a meter away from Evenne. Hindi mabasa ang expression ni Hiro, no anger or pity, it was blank. Evenne can't help but stare back at him but the tears are blurring her vision.  Ilang segundo pa ang lumipas, Hiro just stood there waiting for her answer. Nainip na siguro ito at akmang tatalikod na sana pero mabilis na hinawakan ni Evenne ang kamay niya dahilan para lumingon ito muli.  "Napagtanto ko na wala naman akong karapatang mag ala Maria Clara." Panimula ni Evenne na ikinanuot-noo ni Hiro. He can't help but ask himself mentally if this woman is just imagining herself as a damsel in distress in a drama. "Kasi hindi naman na ako malinis..." Then he got a little clue of what she's talking about. Tinitigan niya ng mabuti ang babae, basang-basa na ang mukha nito sa luha. He found himself wiping her face gamit ang panyo niya na hindi pa niya nagagamit.  Suminghot pa muna si Evenne bago nagpatuloy. "Forget it, you're not someone I can trust para sabihin ko ito sa iyo."  "The speak no more and cry it all out." His hands rubbed her back in a consoling way. Ibinuhos na nga niya lahat ng luha niya while Hiro just hugged her. Sa kakaiyak, hindi na namalayan ni Evenne na nakatulog na siya sa braso ni Hiro.  He watched her sleeping face with guilt. Naalala niya ang sinabi niya kanina which triggered her trauma at hindi niya mapigilang makaramdam ng guilt. It was his fault afterall not just what happened today but within the past days, he acted like a jerk. He was just fooling around but without any malicious intent. Noong una niya itong makilala sa club, na-intrigue siya dito dahil tila panay ang iwas nito sa kanya. That was the first time a woman avoided him which hit his pride kaya ginawa niya itong maid niya para pagtripan. And he did but he went too far. Binuhat niya si Evenne pabalik sa bahay niya. Matapos niya ipahiga ang babae ay pumunta siya sa kusina para magluto ng kakainin ni Evenne kapag gumising na ito, as sign of his apology as well.  Nagising naman si Evenne kinaumagahan na manhid ang kanyang mga mata. Napabalikwas siya ng bangon nang maalala ang nangyari kahapon, she just acted like a child at nagpabuhat pa talaga siya sa amo niya. Nagliliyab siya sa hiya sa kabobohan niya, bakit pa kasi siya nagpadala sa sariling emosyon?  "Baka! Get up and eat, you cried yourself dry last night. How are you going to work with that body?" He stood in the doorway looking like his usual self.  "May trabaho pa ba ako?" Nalilitong tanong ni Evenne. "If you don't need this job, you can leave then. And don't worry, your story is only yours to tell. You can tell me anything anytime you want." He said coldly. "I'll work harder, maraming salamat at pasensiya na rin sa abala kagabi." Sabi ni Evenne with sincerity. Nakaalis na ang amo niya at hindi siya sigurado kung narinig ba nito ang sinabi niya. As long as makakapagtrabaho pa siya.   "I'll be out for a week so, there will be lesser trouble for you. You can go to the resort if you have nothing else to do." Sabi sa kanya ni Hiro matapos niyang kumain ng umagahan na niluto nito. Ngumiti si Evenne sa amo niya. Mukhang nasa good mood siya ngayong araw. "Like I said, I don't want to see that creepy smile of yours and don't get me wrong. I'm not saying this because I had a change of heart with your drama last night. I'll be busy so I don't want you to trouble me within that week." Tumango siya ng ilang beses na hindi mawala-wala ang ngiti sa mukha niya. Sa wakas, makakabonding na siya kay Dani. Nang hapon ding iyon, umalis ng walang paalam ang amo niya. Narinig niya lang ang pagbusina ng sasakyan nito at paglabas niya, wala na siyang mahahilap sa amo niya. Nang matapos niya lahat ng trabaho niya nung araw na iyon ay nanood naman siya buong gabi ng anime. Ganoon ang routine niya buong linggo hanggang sumapit ang Sabado dahil pupunta siya sa resort para makipag-bonding kay Dani. Hiniram muna niya ang bisikleta ni Hiro dahil wala ngang sasakyan na dumaraan sa kalsada na malapit sa bahay ni Hiro, baka may dead end sa dulo nito. "Parang ilang linggo na tayong hindi nagkita ha. Ang lungkot pala sa dorm kapag walang kasama. Napapapunta tuloy ako sa club gabi-gabi." Nanlaki ang mata ni Evenne sa sinabi ng kaibigan. "Ibig sabihin, gabi-gabi kayong..." She intentionally paused mid-way para tingnan ang reaction ng kaibigan. Natawa naman si Dani sa kanya. "Green-minded ka na after mo magtrabaho sa anak ni boss ha! Ano, gabi-gabi kayo no?" Bumalik sa kanya ang sinabi niya na dahilan para mahulog ang panga niya. "Walang nangyari sa amin promise. Kayo ata ni Mr. bartender eh." "Namumula ka kaya, nagsisinungaling ka!" "Walang mangyayari sa amin kasi hindi kami magjowa, ikaw yata ang may jowa eh."  Nagtagal pa ng ilang minuto ang bangayan nila hanggang sa mapagdesisyunan nilang pumunta na lang sa club para uminom. Hindi makatanggi si Evenne sa alok ng kaibigan kaya napilitan na lang siyang sumama rito.  As usual, kakaunti lamang ang tao sa club pero ngayong gabi, nakakita siya ng mga babaeng sumasayaw sa stage ng mahahalay na sayaw. Nakasuot lang ang mga ito ng panloob.  "Pinagbawalan kasi ang mga iyan nung  last na pumunta tayo dito dahil ayaw ng anak ni boss ng mga ganyang pasabog." Ayaw pala ni Hiro ng ng mahahalay tapos mahahalay ang mga pinagsasabi niya. "Allan, dalawang cocktail nga please." Ngumiti ang bartender sa kaibigan niya bago ito nagpatuloy sa trabaho. There's really something going on between the two, naiinggit siya tuloy.  Ikinalat niya ang tingin niya sa buong club nang biglang dumako ang mata niya sa dalawang pares din ng mata na nakatingin sa gawi niya. Mag-isa ito sa dulo ng club. Mukhang nasa early thirties na ito at mukhang mestiso, half American siguro. Ngumiti ito nang mapansin na nakatingin din sa kanya si Evenne. Ramdam ni Evenne ang pagtayo ng balahibo niya sa takot, she's sensing danger but she acted normal and composed herself para hindi mapansin ng lalaki ang reaksiyon niya. Hindi niya puwedeng ipahalata na natatakot siya at pinaka-importante, na mag-isa siyang uuwi. Malapit na ring magdilim kaya kailangan na niyang magpaalam sa kaibigan. "Dani, balik na ako. Uuwi na yata ngayon ang amo ko." Paalam niya kay Dani.  "Hindi pa tayo nag-iisang oras dito eh uuwi ka na agad?" Tumango siya trying to be desperate para makumbinsi ang kaibigan. "Oo na, tawag ka kapag nakabalik ka na ha."  "Oo naman. Sige, una na ako. Paki bantayan na lang siya Mr. bartender ha." Biniro niya muna ang bartender na ngumiti ng nakakaloko sa kaibign niya. Mukhang may mangyayari na naman sa kanila mamayang gabi. Nagmadali siyang lumabas ng club at sumakay sa bisikleta paalis. Malapit ng dumilim kaya binilisan niya ang pag-pedal. Half-way na siya nang mapagtanto niyang may nakasunod sa kanya. Hindi naman ito ang sasakyan ni Hiro. Bigla siyang kinabahan at dahil nanginginig na siya ay nagkamali ang balance niya sa bisikleta kaya natumba siya. Muli siyang sumakay sa bisikleta pero huli na nang muntikan na siyang masagasaan ng sasakyan. Naka-overspeed ito, halatang may hinahabol. Lumabas ang driver nito at yun nga yung lalaki sa club. Paano siya nito nasundan? "Hey there babe." Ngumiti ito sa kanya, puno ng pagnanasa ang boses niya. Sa dami ng babae sa club, siya pa ang pinagnasahan?  Sumakay ulit siya ng bisikleta bago pa makalapit ito ng tuluyan sa kanya pero mabilis nitong naabot ang gulong bisikleta. No choice, tumakbo siya ng mabilis kahit alam niyang wala siyang laban sa sasakyan nito, she's almost there. Medyo malayo na siya nang bumalik yung lalaki sa sasakyan niya. Papasok sana siya sa gubat nang bigla siyang masabit sa barb wire na hindi niya nakita dahil madilim na. Hindi niya maramdaman ang sakit pero ramdam niya ang pag-agos ng dugo sa kanyang balat. She had no choice but to run again sabay nagspeed-dial sa phone niya. "I said don't bother me, I'm on my-" "Tulungan mo ako, there's someone coming after me, please. Mapapatay yata ako nito, please"  "What? Where are y-" Tumilapon ang cellphone niya. Naabutan na siya ng lalaki and he gripped her neck so tight, tight enough to block her airways. Nawawalan na siya ng hangin thankfully, he loosened his grip at hinila siya sa bewang. Nagpumiglas siya at pinagpapalo ang braso nito pero parang langaw lang siya na dumapo sa balat niya at wala itong maramdaman. "Stop or I'll f*ck you here in the middle of the road." Mabilis siyang tumalima sa sinabi nito. Not again, inalagaan niya ang sarili niya after all those years kaya hindi niya hahayaang tuluyang mawala ang p********e niya. Kinagat niya ang braso nito at kumawala siya pero mabilis nitong nahablot ang buhok niya tsaka siya sinampal ng pagkalakas-lakas. Nawawalan na siya ng malay sa lakas ng tama nito sa pisngi niya pero pinilit pa rin niyang gumapang palayo. Parang umiikot ang mundo sa pangitain niya. He gripped her in place at ikinulong siya sa gitna ng hita nito tsaka pinunit ang suot niyang blouse. Wala ng naiwang lakas si Evenne para lumaban pa, this is the end for her.  "F*ck! you wear a lot of clothes woman!" Galit na sigaw nito nang makitang may suot pa siyang t-shirt sa loob ng blouse niya. Bumaba ang tingin niya sa suot ni Evenne na tight jeans. He's having a hard time na hubaran siya. Bubuhatin sana niya si Evenne para ipasok sa sasakyan niya nang salubungin siya ng suntok sa mukha. That was the last image na rumehistro sa memorya ni Evenne, Hiro came in time. At bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya ang tunog ng sasakyan ng mga pulis. She's saved.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD