Hindi maalis ang tingin ko kay Aldrie habang sabay namin pinagsasaluhan ang pagkain na binili ko. Kahit nasabihin nating galing fast food ito ay akala mo ay sarap na sarap siya sa kaniyang kinakain. Gayumpaman, kahit hindi ko man ito luto ay pakiramdam ko ay nakahinga ng maluwag dahil naappreciate niya ang effort na ginawa ko kahit na sabihin nating first boyfriend ko siya. Lihim ako napapangiti sa tuwing nakikita ko siyang masaya. Bukod pa doon ay mas gumagaan ang pakiramdam ko dahil hindi siya nawawalan ng kwento. Kung ano ang trabaho na ginagawa niya dito.
Alam at ramdam ko na ako ang priority ni Aldrie dahil ako ang sinasabi niyang present niya. Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko kung ano ang nabasa ko kanina—ang text message galing kay Gerlie. Aminado ako na nagalit ako sa ginawa niya. Na ipinagsisiksikan niya ang kaniyang sarili sa lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko lang din maitindihan kung bakit nagagawa niya ang bagay na ito. Ang akala ko ba, nang binigyan ko siya ng pagkakataon na makausap si Aldrie ay 'yon na ang magiging closure nilang dalawa? Na tapos na ang namamagitan sa kanila? Bakit nagagawa pa rin niyang mangulit? Or should I say, she's ready to degrade herself for him? Is she really desperate at pumayag kahit maging kabit?
Hindi ko maitago ang inis ko. Dinaan ko sa pagdabog kong isinara ang pinto ng aking kotse. Gustuhin man akong ihatid ni Aldrie na ihatid pabalik dito sa Ospital ay ako na mismo ang tumanggi. Alam kong napaka-unreasonable ko kung sasabihin kong natatakot ako na muli na naman magkrus ang mga landas nila ni Dra. Gerlie. Natatakot na baka mas grabehan ang gagawin niya. Na mabibigyan siya ng pagkakataon upang makalapit sa fiancé ko. Damn, I know this is not really right. Naglakad ako papasok sa lobby ng Ospital. Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking sling bag. Binati ako ng guard nang makita niya ako. Sinuklian ko 'yon ng bati hanggang sa narating ko ang loob ng Ospital. Kinda unexpcted dahil agad hinahanap ng aking paningin ni anino ni Dra. Gerlie. Wala siya. Maybe she's busy or she's in a middle of her surgery or something. I feel relief a little bit. Gustong gusto ko siyang sugurin o komprontahin pero tingin ko ay hindi ito ang tamang lugar at oras para sa aming dalawa. Kaya hangga't maaari, kinakailangan kong pakalmahin ang aking sarili.
Pilit kong kumilos ng normal habang pabalik ako sa aking Opisina. Natagpuan ko si Tonya na napatayo nang makita niya ako. Base sa ekspresyon ng kaniyang mukha ay kanina pa niya hinihintay ang aking pagdating. Ginawaran niya ako ng isang hilaw na ngiti, pero para sa akin ay ngiwi 'yon. Bakit iba ang pakiramdam ko sa ipinapakita niya?
"Doc..." she trailed off.
Tumigil ako sa paghakbang, ngunit nanatili pa rin akong nakahawak sa strap ng aking bag. Umukit ang pagtatakang tingin sa aking mukha. "May problema ba, Tonya?"
Kinagat niya ang kaniyang labi ng ilang segundo. "May naghahanap po sa inyo. Nasa loob po siya ngayon... Naghihintay." tugon niya, base sa tono ng kaniyang boses ay kinakabahan siya sa hindi ko malaman na dahilan.
Hindi na ako nagtangkang magtanong kung sino ang nasa likod ng pinto ng aking Opisina. Maski ako ay ginapangan na ng kaba pero pinili ko parin lapitan 'yo. Hinawakan ko ang doorknob saka pinihit iyon. Mabilis kong itinulak ang pinto hanggang sa tumambad sa akin ang isang bulto ng isang tao. Likod palang ay kilalang kilala ko na kung sino ito. Nakatayo siya't nakadungaw sa bintana ng silid na ito. His usual habit, nasa likuran niya ang kaniyang mga kamay. Hindi nawawala ang tindig niya na pagiging dominante. Kahit na nasopresa ako sa kaniyang pagbisita ay pilit ko pa ring maging normal sa harap niya.
"What are you doing here?" kusa 'yon lumabas sa aking bibig ang tanong na 'yon. Ipinakita ko ang pagkadisgusto na makita ko siya. Na nakatapak na siya sa aking teritoryo.
Humarap siya na nanatili pa ring nasa likuran niya ang mga kamay niya. Wala akong nababasang ekspresyon ng kaniyang mukha. Sa halip ay diretso siyang nakatingin sa aking direksyon. Tila ba inaasahan niya na magkita kami.
Lihimik ko kinuyom ang aking kamao, kasabay na umaalab ang apoy sa aking sistema. Nagtiim-bagang ako. Pilit magiging matatag sa harap niya. "I'm asking you, what are you doing here?" ulit ko pang tanong.
"I'm paying some visit in your workplace." he answered with a cool and confident voice. Nagawa pa niyang igala ang kaniyang paningin sa apat na sulok ng silid na ito. "So this is how you work."
Taas-noo akong tumingin sa kaniya. "Kung narito ka para insultuhin mo ang trabaho ko, maaari na pong umalis, former Senador Cutillion." matigas kong sambit.
Hindi siya agad nagsalita. Tikom ang kaniyang bibig at yumuko ng ilang segundo. Para bang kinakailangan niyang maging mahinahon sa harap ko. Huminga siya ng malalim saka ibinalik niya ang kaniyang tingin sa akin. "I'm here to seek your forgiveness, Eliza." he finally said.
Nanatili akong nakatingin sa kaniya sa pamamagitan ng matigas na ekspresyon. Mas kinuyom ko pa ang aking magkabilang kamao. Pero mas pinipiga ang puso ko sa aking narinig. Kung kanina ay nagawa kong maging matigas at matapang, ngayon ay bakit nanlambot ako kahit kaunti? Bakit ganito? Bakit naging apektado ako?!
Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Lumapit pa siya ng kaunti sa akin. Nababasa ko naman ngayon sa kaniyang mga mata ang kalungkutan, may nababasa din akong pagsisisi. "Alam kong marami akong pagkukulang bilang ama mo. I'm a failure father and I think Laraya Ho is right. Kung hindi niya agad ipinamukha sa akin kung ano ang mali ko, patuloy pa rin kita masasaktan."
Para akong kakapusin ng hininga. Damn, Eliza. Huwag ka magpaapekto! Maybe this is part of his tactics or so whatever!
"Aamin kong mataas ang expectation ko sa iyo dahil panganay kitang anak. Bata ka palang, nakikita ko na ang katalinuhan mong taglay. Nagdesisyon na ako na ikaw ang papalit sa akin kung anuman ang narating ko. I want you to enter in a world of politics. Pero habang lumaki ka, nakikita ko ang iba ang gusto mo. Ayaw mong kumuha ng Political Science or any Pre-Law courses, instead, you choose to be a doctor, ang malala pa doon ay ang isang s*x therapist." iniba niya ang direksyon ng kaniyang tingin. "Naging masama akong ama sa iyo dahil hindi kita nagawang suportahan sa anumang gugustuhin mo. Hindi ako naging masaya sa mga bagay kung saan ka magiging masaya."
Nanatili akong tahimik. Wala akong makapang salita. Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay pakinggan ang anumang sasabihin niya.
"Alam kong hindi mo ako mapapatawad agad, Eliza. But atleast, I tried." he gave me a bittersweet smile. "I'm sorry if I'm late to tell this to you. I'm so proud of you, Dra. Eliza Cutillion. I'm so sorry." then he walked away.
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay pumikit ako ng mariin, kasabay na kumawala na ang mga luha na naiipon kanina pa. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para doon ko ibuhos ang pighati na nararamdaman ko sa loob ng mahabang panahon. Yumuko ako. My shoulders were shaking. Lumipad ang palad ko sa aking bibig para hindi ako marinig ni Tonya ang hikbi ko. Ramdam ko na rin ang panghihina ng aking mga tuhod kaya dumapo ang isa kong palad sa sandalan ng couch bilang suporta.
Hindi ko inaasahan ang taong dahilan ng pagiging matatag ko ngayon. Ang tao na dahilan ng upang maging matapang at maging depende sa sarili ko ay humingi ng tawad sa akin. Ang mas hindi ko inaasahan ay sasabihin niya sa akin na proud siya sa akin na matagal ko nang gustong marinig sa kaniya. Nanumbalik sa alaala ko ang mga sinabi sa akin ni Aldrie nang dalhin niya ako sa Batangas upang ipakita niya sa akin ang pamilya na meron siya. Hindi ko maitatanggi na na naiinggit ako sa pamilya na meron siya. Pero ang mas hindi ko makalimutan ang mga binitawan niyang salita habang kami ay nasa dalampasigan.
Dumilat ako. Kahit na hindi pa ako tapos sa pag-iyak ay ibinuhos ko ang natitira kong lakad na lumabas mula sa aking Opisina. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Tonya ngunit hindi nagawang pansinin 'yon dahil nakafocus ako na sana ay maabutan ko pa si Senador Cutillion. Na sana ay hindi pa siya nakalayo dito.
Halos patakbo ako sa hallway kahit ilang beses ko pinunasan ang mga luha ko. Narating ko ang entrahada ng Ospital. Nagtanong pa ako sa guard kung nakita ba niya na dumaan dito ang Senador. Wala akong pakialam kung magtaka siya kung bakit umiiyak ako sa harap niya. Oo ang sagot sa akin nito ay papunta na daw ito sa Paking Lot. Hindi ko magawang magpasalamat dahil sa pagmamadali at hinihiling na sana ay maabutan ko siya.
Isang pamilyar na sasakyan ang namataan ko. Paalis na ito sa lugar na ito. Gustuhin ko man itong habulin ay alam kong imposible para sa akin. Lumaylay ang magkabilang balikat ko. Bakas sa mukha ko ang panghihinayang at bigo. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Bigo akong pabalik sa loob ng Ospital ay natigilan ako nang tumambad sa aking harap ay isang tao na hindi ko inaasahan na magpapakita sa akin kung kailan mahina ako ngayon. Si Dra. Gerlie. She's wearing a decent and classic dress. She's still wearing her white coat. Isang malungkot na tingin ang iginawad niya sa akin. Humakbang siya sa palapit sa akin.
"Can we talk?" tanong niya na may halong pagmamakaawa. Ni hindi niya magawang maghintay para bukas.
"About what?" garagal kong tanong.
"Before I answer your question, this is not the right place for us, Dra. Eliza." she said. "Let's find another. Just two of us."
Pinili kong walang sasabihin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. She lead the way and I'm following her. Tumigil lang kami sa isang parte ng Ospital. Sa Garden. Tulad ng inaasahan niya ay kaming dalawa lang ang narito. Pinili naming sa lilim kami ng puno ng narra kami tumigil.
Humarap siya sa akin. Nanatiling may lungkot at pighati sa kaniyang mukha, samantalang ako ay pilit kong maging kalmado at papakinggan ko ang magiging paliwanag niya. Kahit kanina ay gusto kong ilabas ang inis at galit na nararamdaman ko para sa kaniya.
"Alam kong alam mo kung ano ang meron sa amin ni Aldrie," panimula niya.
Nanatili akong tikom ang bibig. Hinahayaan ko muna ang sarili kong pakinggan siya. Patuloy pa rin ang tingin ko sa kaniya.
"He's sweet and gentle. Siya ang tipong wala ka nang hahanapin pa. Siguro bonus na din na galing siya sa isa sa mga kilalang pamilya at kung anong trabaho na meron siya. Alam kong nagkamali ako. Alam kong galit siya sa akin sa ginawa ko. Pero ang panloloko na ginawa ko... Palabas lang."
Kusang kumunot ang noo ko sa huling salita na binitawan niya. "P-palabas...?" ulit ko pa sa mahinang boses.
"Pinalabas kong niloko ko siya dahil may mabigat akong dahilan, Eliza. Ginawa ko ang bagay na 'yon dahil pinipili ko ang pangarap ko. Iyon ay maging doktor."
"A-anong ibig sabihin...?" aaminin ko, naguguluhan na ako sa pinagsasabi niya.
Bumuga siya ng malalim na buntong-hininga. Lumunok siya't ibinalik ang tingin niya sa akin. "Mga bata palang kami ng mga oras na 'yon. Isang pagkakamali na nangyari sa amin ang gabi na 'yon... At nagbunga 'yon nang hindi niya nalalaman."
"So you mean... Pinatay mo ang anak ninyo...?" halos pumiyok na ako.
"I was too young wayback then. I have no choice." she burst out in tears. "Alam kong mali ang ginawa ko. Pinagsisisihan ko ang bagay na 'yon. Lahat ng malas na dumating sa buhay ko, tinanggap ko ang mga 'yon dahil alam kong 'yon ang karma ko. Ngayong narito na ako... Nakukuha ko na ang pangarap ko, iyon ang masasabi kong swerte na nangyari sa buhay ko. Kahit nagawa kong magsakripisyo..."
I can't helped but to gritted my teeth after I heard that f*****g story! "At ngayon, gusto mong bawiin si Aldrie pagkatapos mong marealize ang katangahan na ginawa mo, ganoon ba?!" hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng bosesa dahil sa galit at inis.
"Yes! Gusto ko siyang bawiin! Kahit alam kong nariyan ka na at imposible ko na siyang makita! Kaya nga kahit kabit nalang niya ako, ayos lang sa akin basta makasama ko lang siya! Na makabawi ako sa kaniya!"
Humakbang ako palapit sa kaniya at malakas na dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi. Napasinghap siya sa ginawa ko. "Pinagbigyan kita nang unang beses. Pero ngayon, hindi na." matigas kong sambit. "Hinding hindi na ako makakapayag na makalapit ka kay Aldrie. He didn't deserved a woman like you!"
She scoffed. "Really? And how about you? Did he deserved you? Isa ka lang namang s*x therapist!"
Taas-noo ko siyang tiningnan. "Yes! I'm a s*x therapist! Ang pinagkaiba lang natin, tanggap ako ni Aldrie. Tanggap ako ng pamilya niya, lalo na't proud sa akin ang pamilya ko!"
Nagtangisan kami ng tingin sa isa't isa.
"Isang lapit mo pa kay Aldrie, huwag na huwag kang magtataka na matagpuan mo ang sarili mo na hinatid ka na ng ambulasya." tinalikuran ko siya at sinikap kong maglakad nang maaos. Na umakto nang normal. Kahit nadagdagan ng bigat sa aking dibdib.
Pero kahit anong tatag at tapang na ipinapakita ko, nagiging suwail na naman ang aking mga luha. Isa-isa na naman silang tumutulo. Panay punas ko pero pakiramdam ko ay hindi sila nauubos.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa Parking Lot. Nilapitan ko ang aking sasakyan at sumandal doon bilang suporta. Nanghihina na ako sa mga nalaman ko. Ilang mura na din ang nabuo sa aking isipan. Iyon nga lang, hindi ako magawang suportahan ng mga tuhod ko. Pabagsak na ako nang may sumalo sa akin. Tiningnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng mga bisig na 'yon. Umukit ang gulat sa aking mukha nang bumungad sa akin ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.
"Aldrie..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. Hindi makapaniwala.
"Thank you," he said. "Thank you fighting, my candy."
Umaawang ang aking bibig. "A-alam mo na...?"
"Yeah,"
"Did..."
"I will keep my promise to you. Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang gusto kong pakasalan. Kahit na magkakaroon sana ako ng anak kay Gerlie. Kahit na nalaman ko ang bagay na 'yon, hindi nabawasan ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa iyo. Mas nadagdagan pa." dinampian niya ako ng halik sa buhok. "You made everything better when you came into my life, Eliza." masuyo niyang saad. "And I already knew what happend between you and your father. He called me, tinatanong niya sa akin kung kailan ka daw ba bibisita sa kanila."
"M-may komunikasyon ka sa kaniya...?"
"Yes, pagkatapos makaharap ni mama at baba ang parents mo, ako ang unang nag-approach sa kaniya. Kinukumbisi ko na magkapatawaran na kayong dalawa." hinawi niya ang takas kong buhok. "Dahil ayokong mawala sa kasal natin ang tatay mo at pamilya mo. Kung hindi dahil sa kanila, hindi kita makikilala, my candy."