2

1807 Words
Hindi ko alam kung gaano katagal na ako nakikipagtitigan sa plorera na naglalaman ng mga bulaklak na bigay ni Aldrie Hochengco. Nakapangalumbaba ako habang hindi maalis ang tingin ko doon. Ito lang siguro ang nasa isipan ko ngayon. Bakit ba ang kulit niya? Good thing, hindi, wala akong mga client ngayon kaya masasabi ko na ito ang libreng oras ko. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ibinaling ko nalang sa laptop ang atensyon ko para kahit paaano ay mawala sa isipan ko ang lalaking iyon. Itutuloy ko nalang ang pagtitipa ko para maipasa ko na din sa agent ko ang manuscript ng research ko. Ngunit bigo naman ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako saglit sa aking ginagawa. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong lang sa aking desk. Kusang kumunot ang noo ko nang makita ko na si mama ang caller. Tamad akong sumandal sa swivel chair habang nanatili akong nakatingin sa screen ng phone ko. Binasa ko ang aking labi. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Pumikit ako ng ilang segundo hanggang sa nakapagpasya na ako. Sinagot ko ang tawag. "Yes, ma?" tamad kong bungad sa kaniya. "Liz, anak! Mabuti at nasagot mo ang tawag ko..." nahihimigan ko na nakahinga siya ng maluwag dahil sa pagsagot ko. "Ano pong kailangan ninyo?" pilit kong maging normal sa pandinig niya. Nilalaro-laro ko ang aking ballpen. "Tatanungin ko sana kung uuwi ka ba dito sa weekend? Birthday ng kapatid mo—" "I can't make it, ma. Sorry, I'm busy. Sa susunod nalang siguro. Iyan lang po ba?" Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Liz, alam kong... May galit ka sa akin... Dahil hindi kita nagawang ipagtanggol sa papa mo—" "Stop, ma." medyo mariin kong sambit. "I'm good and I'm thankful because you made me like this. Nagawa kong buhayin ang sarili ko na walang tulong ninyo. Kung wala na po kayong sasabihin pa, ibababa ko na po ito dahil may mga naghihintay sa aking mga clients, bye." mabilis ko din pinutol ang tawag. Niluwagan ko ang pagkahawak ko sa telepono hanggang sa bumagsak iyon sa desk. Muli ako sumandal sa upuan at tumingala sa kisame. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak dahil nabanggit na naman niya ang mapait kong kahapon. I used to live in hell when I was in my childhood. Masasabi ko na wala akong naging kalaro o naging kaibigan dahil sa mahigpit na batas ng aking ama. Ang tanging gagawin ko lang ay bahay at school. Tuwing may mga activity sa school, ipinagbabawalan niya na maka-attend kami ng kapatid ko. Yes, I hate it to say this but... He manipulated my life. Pero ang inaasahan ko na magiging kakampi namin, daig pa na tinalukuran niya kami. Yuko siya ng yuko sa tatay ko. Dahil ba sa sobrang mahal niya ang tatay ko kahit hindi naman talaga siya minahal nito? Dahil apelyido lang ng nanay ko ang habol ng magaling kong ama para makapasok sa lintek na Politika na iyan? Ano bang mapapala niya d'yan? "Eliza, don't do this! Eliza, don't do that!" iyan ang palagi kong naririnig sa kaniya. Kahit na sinasabi na JS Promenade na iyan, never ako naka-aattend d'yan kahit na naglalaro sa isipan ko kung ano bang pakiramdam sa oras na makasali ka sa ganyan? Anong pakiramdam kapag nakasayaw mo ang crush mo? Ang boyfriend mo? Totoo ba na iyon ang gabi na mala-fairytale na karaniwang naririnig ko sa kanila? Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pinto ng aking Opisina. Nang nagbukas iyon ay tumambad sa akin si Tonya na sumilip dito. "Doc?" tawag niya sa akin. "Tonya? May client ba?" Tagumpay siyang nakapasok sa loob hanggang sa tuluyan na siyang nasa harap ko. "Tumawag po kanina si Mr. Hochengco, ang sabi niya sa akin, susunduin ka daw niya po ng lunch break." Marahas akong huminga ng malalim. Hayy, isa pa iyon. Ayaw ako tantanan! "Doc?" muli niyang tawag sa akin. "Yes?" sabay tumingala ako sa kaniya. Gumuhit ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Para po kayong galing sa pag-iyak. Ayos lang po ba kayo?" maski sa boses niya ay bakas doon ang pag-aalala. Napasinghap ako't tila nanumbalik ang ulirat ko sa sinabi niya. Agad ko kinapa ang aking pisngi. Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil tama si Tonya. Basa ng luha ang aking luha! "Oh s**t, sorry!" bulalas ko sabay kumuha ako ng tissue mula sa drawer. Pinunasan ko ang aking mukha kung saan basa ng luha. "Sorry, nag-eemote lang ako nang hindi ko namamalayan." pagbibiro ko pa. Pero hindi man lang siya natawa sa biro ko. So I decided to thin my lips. Yumuko ako ng bahagya. Napatingin nalang ulit ako sa kaniya nang bigla siyang umupo sa desk. "If you had a bad day, you're like this, Dra. Eliza." she said seriously. Umaawang nang bahagya ang aking bibig. Sa ilang taon na magkatrabaho kami ni Tonya, halos alam na niya kung ano ang buhay ko. Masasabi ko na siya ang maituturing ko na siya ang unang naging kaibigan ko. Kahit na minsan masasabi na malaki ang pinagkaiba ng ugali namin, nagagawa pa rin namin magkaitindihan kahit sa maliit na bagay. She's bubbly and lovely, while me? Masyado akong seryoso pagdating sa trabaho. "She called, Tonya." sambit ko. Walang paligoy-ligoy pa. Kita ko na natigilan siya saglit. Mapait akong ngumiti at muli ako yumuko. "Doktora..." ang tangi ko narinig mula sa kaniya. "Magiging okay din ako mamaya. Don't worry, I can handle myself." "If there's something bothering you, please, don't hesitate to tell me. Everything. I'm trying my best to help you." she reminding me. Tumingala ako sa kaniya saka ngumiti. "Thank you." ** Tulad ng bilin sa akin ni Tonya, dumating nga si Aldrie Hochengco ngayong lunch break. Sinundo niya ako. Wala naman ako magawa kungdi sumama. Nang makita kami ni Tonya na sabay na lumabas ng opisina at kita ko ang lapad ng kaniyan ngisi nang masilayan niya kami. Para bang tuwang-tuwa siya sa nangyayari. Pilit ko nalang na huwag pansinin iyon. Kahit na nagpahabol pa siya ng mag-ingat daw kami at mag-enjoy. Sadyang nagpaiwan ang isang ito dahil susunduin daw siya ng jowa niya para sabay na kumain. Masyadong happy sa lovelife ang isang ito. "Saan pala tayo. Mr. Ho?" tanong ko sa kaniya habang kami'y nasa daan. Wala rin akong ideya kung saan niya ako dadalhin para sa lunch na ito. "Hmm. Drive thru?" sabi niya habang nasa daan pa rin ang tingin niya. Mabilis akong sumulyap sa kaniya. "What? What do you mean?" naguguluhan kong sabi. He smiled. "Your secretary leave me some message regarding you. She told me, tulungan daw kita dahil malungkot ka daw ngayon." What the hell?! Ibig sabihin, humingi talaga si Tonya ng tulong sa lalaking ito? Kaya sinasabi niya sa akin na she's trying her best to ease my bad mood today?! Really, Tonya?! Kukunin ko sana ang cellphone ko para tawagan si Tonya pero bigla ulit siya nagsalita. "It seems like she's a good friend of you, doc." he said. "You're lucky." Doon ako natigilan. I thin my lips and put my eyes on the road. I swallowed hard. "Yes, siya ang una naging kaibigan ko." mahina kong sabi. Napapikit ako ng mariin. Ngayon ko lang napagtanto na naging mabuting kaibigan lang naman si Tonya sa akin. Alam ko naman na hindi naman niya ako ipapahamak. "Ang sabi sa akin ng sekretarya mo, every Friday, half day ka naman talaga. Since tomorrow is weekend... Baka gusto mong mag-relax habang nagroroadtrip?" rinig kong suhesyon niya. "Where do you want to go?" Nanlalaki ang mga mata ko nang sumulyap ako sa kaniya. "Pati ba naman iyon, sinabi niyia?" hindi makapaniwalang tanong ko. ** We decided to stopped in a cool and quiet place. Mula dito ay tanaw namin ang syudad. Nasa damuhan kami habang nasa likuran lang namin ang kaniyang sasakyan. Nakasandal lang kami sa bumper habang kumakain kami ng pagkain mula sa inorder pa namin sa isang fast food resto.  "Feel alright?" he suddenly ask and sip some from his bottle of water. Bumaling ako sa kaniya at ginawaran ko siya ng isang maliit na ngiti. "Yeah, mas naging magaan ang pakiramdam ko ngayon, hindi na tulad kanina." sagot. "If you don't mind, why you have a very bad day?" walang bahid na pangungulit sa boses niyang iyon. Nag-aalala pa, pwede. "Kung hindi mo kayang sagutin, it's fine with me. I understand and I respect that." "I'm a mess, Aldrie. Halos itakwil ako ng sarili kong ama dahil hindi ko nasunod ang gusto niya... Na sumunod ako sa yapak niya bilang politician." nagtama ang tingin naming dalawa. "Ayokong pumasok sa ganoong larangan. Masyadong madumi iyon para sa akin. Marami ka pang kalaban..." mapait akong ngumiti at niyakap ko ang sarili ko. "To be continued..." I heard him chuckled. Kinagat ko naman ang aking labi para pigilan ang sarili ko na matawa sa kalokohan ko. "You're very unique, Eliza." rinig kong sabi niya. Nag-bow, "Thank you so much for the great appreciation, your highness." "Dahil sa ginagawa mong iyan, mas gusto pa kitang kilalanin." bigla niyang sabi. Natigilan ako. Nang masink in na sa akin ang ibig niyang sabihin ay tumingala ako't tumawa. "Nakita mo na ang kabaliwan ko kagabi. Iyon na nga lang ang sikreto ko, nalaman mo pa." "I want to see it again." dagdag pa niya. "Huwag na, nakakahiya." idinampi ko ang mga palad ko sa magkabilang pisngi ko dahil ramdam ko na ang pag-init ng mga ito. "Teka nga, bakit puro sa akin? Hindi ba pwedeng may malaman naman ako mula sa iyo?" Ngumuso siya nang bahagya. "I'm the eldest among the three children of Suther and Laraya Hochengco." panimula niya. "Suther Hochengco? Hindi ba, kasama siya sa isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong Asya?" pagkukumpirma ko. "I can't deny that." he grinned. Napasinghap ako. Ibig sabihin, hindi pala basta-basta ang kliyente ko na ito! Bigatin ang isang ito! "Wait, eh di kamag-anakan mo ang dalawang model na Hochengco? Sino nga ba ulit ang mga iyon?!" "Uhmm, my cousin Verity and my sister Eilva." Laglag ang panga ko. "Wow." iyan ang tanging nasabi ko. "Sorry, ha? Idol ko kasi ang mga iyon pagdating sa fashion. Ang ganda kasi ang taste nila pagdating sa mga ganoong bagay." Ngumiti siya pero nanatili siyang nakatingin niya sa akin. "You want to meet them?" bigla niyang tanong. "P-pwede ba?" ginapangan ako ng excitement. "Of course." umalis siya mula sa pagkasandal niya sa bumper at lumapit siya sa akin. Lumapat ang mga palad niya sa magkabilang gilid ko. Natigilan ako dahil sa posisyon naming ito at mas malapit siya sa akin! Bakit ba palagi nalang nagwawala ang sistema ko sa tuwing masyado siyang malapit sa akin?! "You don't need to be a fan of them." "A-Aldrie..." "You'll be part of the clan." he said softly. Mas inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Hindi ko magawang umatras! Napuna ng aking tingin ang kaniyang mga mata ay nakadapo sa aking mga labi! "I can't wait to feel you in all the right ways in all the right places, my Eliza." itinapat niya ang kaniyang bibig sa aking tainga. "I adore how stunning you are last night. Have any more surprises for me?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD