Lumabas ako ng kuwarto ko na humihikab pa. Dahil sa lutang pa ako at masakit pa ang aking katawan, wala pa akong panahon para ayusin ang aking sarili. Natigilan ako nang may naririnig akong tunog mula sa Kusina. Bakit parang may nagluluto? Wait, ano bang nangyari kagabi? Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko nang naalala ko kung anong nangyari kagabi. Aligaga akong pumunta ng Kusina. Bumungad sa akin ang isang lalaki na nakatalikod, abala ito sa kaniyang niluluto. Walang iba kungdi si Aldrie Hochengco! Nakasuot siya ng color navy blue long sleeves polo shirt at itim na slacks! May apron pa siyang suot. Kulang nalang ay aalis na siya sa lagay na 'yan!
"Anong ginagawa mo dito?!" hindi ko mapigilang maibulalas ang mga salita na 'yon.
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa at lumingon siya sa gawi ko. Take note, malapad pa ng ngiti ng siraulo! "Good morning, my candy." masaya at masigla niyang bati sa akin. "Don't you remember what I've said last night, do you?" saka ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang niluluto.
Humakbang pa ako palapit sa kaniya. "Huwag mong sabihin totohanin mo ang sinabi mo sa akin kagabi?!" malakas kong tanong, nanlalaki pa rin ang mga mata ko.
"Yep. Hindi ako ang tipong hanggang drawing lang ang mga pinagsasabi. Hindi rin ako nagpapaasa." sagot pa niya pero nanatili pa rin siya nakatingin sa kaniyang niluluto. "Gumawa ako ng breakfast para hindi ka magutom bago ka pumasok."
Laglag ang panga ko. Umalis muna ako sa Kusina. Nakarating ako sa Salas. Napasinghap ako nang tumambad sa akin ang mga maleta na nakahilera sa tabi ng entrada. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Napahawak ako sa aking buhok at marahas ko 'yon ginulo-gulo! Nalagot ka na, Eliza! Anong ba kasing kinain mo't pinayagan mong makapasok ang isang Aldrie Hochengco sa teritoryo mo?!
"My candy, are you alright?" nag-alalang tanong ni Aldrie sa akin.
Namumungay ang mga mata ko nang bumaling ako sa kaniya. Nakasuot pa rin siya ng apron. Itinukod niya ang isang binti niya't lumapat ang isang tuhod niya sa sahig. Hinawi niya ang takas kong buhok. "Sabihin mo, hindi ka seryoso, hindi ba?" mahina kong sambit.
Agad siyang umiling. "Seryoso ako sa sinasabi ko kagabi, my candy." ginawaran na naman niya ako ng pamatay niyang ngiti. "Natanong ko nga pala kay Tonya kung ano ang madalas mong kainin tuwing umaga, she said you love pandesal . Kaya bumili ako, ipinagtimpla na din kita ng kape..."
"Bakit mo ba ginagawa ito, Aldrie... Sabihin mo, nagbibiro ka lang. Hindi totoo ang sinasabi mo kagabi."
"My candy, kailan ba ako hindi naging seryoso sa iyo, hmm?" malumanay niya tanong. "Mamaya na tayo magdebate kapag tapos ka nang kumain. Hinding hindi kita papayagang makaalis dito sa unit mo kapag walang laman ang tyan mo."
Sa huli ay wala na akong magawa. Nagbuntong-hininga ako na tanda ng pagsuko. Sabay kaming bumalik sa Kusina para kumain ng almusal. Tulad ng sabi niya, may pandesal nga dito sa mesa. May kape, bacon, pritong itlog at may kanin. Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan. Hanggang ngayon, nanghihina pa rin ako sa nangyayari sa buhay ko. Ang tahimik kong mundo, umingay at nagulo buhat nakilala ko ang lalaking ito. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maitindihan kung bakit palagi niyang pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin. Oo, naging marupok ako kagabi. Naibigay ko ang pinakainiingatan kong pagkakabae sa isang tulad niya!
Pero anong magagawa ko? This kind of man is so hardly to resist! Na tipong anuman ang gugustuhin nito ay mapapasunod ako sa isang iglap lang! At isa pa, hindi ko maitanggi na nasarapan ako sa ginawa niya kagabi!
WHATTHEHELL?!
Agad akong umiling para mawala sa isipan ko ang mga maduduming bagay na nabuo sa isipan ko.
"Huh? Ayaw mo?" bigla niyang tanong.
Natigilan ako. Dahan-dahan akong bumaling sa kaniya. May inaabot siya sa aking pandesal. Lihim ko kinagat ang aking labi. Tinanggap ko ang pandesal na kaniyang inaabot. Kumuha ako ng isa at isinubo ko iyon. Ngumuya ako at natigilan. Tumingin ako sa kaniya na may pagkamangha sa aking mukha. "Ang sarap." kumento ko.
Mas lumapad ang kaniyang ngiti. "Glad to know, you liked it." he said. Kumain na din siya.
Nagnanakaw lang ako ng sulyap habang kumakain kami. Hindi ko naman kasi maitanggi na magandang lalaki ang nilalang nasa harap ko. Nagpangalumbaba ako habang patuloy pa rin ako nagnanakaw ng sulyap sa kaniya. Kapag tumingin siya sa akin, agad ko binalingan ang plato ko at kumakain ako kuno. Nang makita ko ang katawan niya kagabi, daig mo pang Adonis sa ganda. Alaga ng gym ang pangangatawan niya. Mukhang marami din siyang stamina...
Hindi ko maipagkailang nasiyahan ako kagabi. Nag-enjoy ako sa ginawa niya.
"Aldrie," tawag ko sa kaniya.
Tumigil siya sa pagkain at tumingin siya sa akin. "Yes, my candy?"
Diretso akong tumingin sa kaniya. "Ang sabi mo, ako ang dahilan kung bakit natayo 'yan, hindi ba?" diretsahan kong tanong.
Kita ko kung papaano siya nagulat sa sinabi ko. Oo, alam kong nasa harap kami ng pagkain pero hindi ko matiis na hindi ko sabihin sa kaniya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. "What the..."
"Just answer my question, Aldrie." mahina kong sambit pero pinutol ko ang tingin ko sa kaniya. "Gusto ko lang malaman."
"Yeah," mabilis niyang tugon.
Pumikit ako ng mariin. Damn it, mababali ko talaga ang ethics ko sa mga oras na ito. "I'm willing to be your remedy, Aldrie." kusa iyon lumabas sa aking bibig. Sinikap kong tumingin sa kaniya ng diretso sa kaniyang mga mata. Naroon pa rin na nawindang siya sa mga pinagsasabi ko. Tumayo ako at yumuko. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. Namumungay ang mga mata ko habang siya ay napalunok sa naging inakto ko. "You'll be my client in my territory."
"M-my candy..."
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi habang nanatili akong nakatitig sa kaniyang mga mata. "I will patiently wait what really happend to you, what tragic life you have, kung bakit na nalagay ka ganitong sitwasyon..." dagdag ko pa. "I'll let you to be with me while you're in the session..." lumayo na ako sa kaniya. Damn, I want to feel you again, Aldrie!
**
Tulad pa rin ng kinagagawian ay patuloy pa rin ako sa session ng mga clients ko. May mga suhesyon ako para sa mag-asawa, pero isa din sa kanila. Kung ano ba ang gagawin nila sa tuwing magtatalik sila. Kapag may time naman ako, patuloy pa rin ako sa pagsusulat ng libro na kinakailangan ko na din maipasa. Malapit na din ang deadline nito.
Tumigil ako sa pagtipa sa aking laptop. Hinubad ko ang salamin, I massage my nostrils. I lean my back on the leather chair. Tumingala ako sa kisame ng aking Opisina. Sa ngayon ay wala pa ang ka-appoint ko na susunod na client. Marahas akong kumawala ang isang malalim na buntong-hininga. Napapaisip ako kung tama ba itong gagawin ko? Oo, alam kong maling mali ang ginawa ko dahil mababali kong rules pero wala akong choice. I need to do this, not only for Aldrie, for my pleasure, too. Ewan ko, umiba ang pakiramdam ko nang nalasap ko ang gabi na 'yon.
Damn, nagiging manyak na ako sa mga pinag-iisip ko!
Biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa pagkapatong sa gilid ng aking desk. Nang makita ko kung sino ang caller ay kusang kumunot na naman ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ni mama sa screen. Kusang kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Bakit ba ayaw niya akong tigilan? Ano na naman bang pagmamakaawa ang maririnig ko sa kaniya?
Sinagot ko ang tawag. Tamad kong idinikit ang cellphone sa aking tainga. "What do you need this time?" malamig kong tanong.
"Anak, Liz... Inaasahan kita na makarating ka sa birthday ng kapatid mo..."
Pumikit ako ng mariin. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa telepono. Bumubuhay na naman ang galit sa aking sistema. "Hindi ba, sinabi kong hindi na ako makakapunta? Busy po ako." pilit kong pakalmahin ang aking sarili.
"Liz... Inaasahan ka din ng kapatid mo na makarating ka sa birthday niya..." mas malungkot ang boses niya.
"Why are you doing this to me, ma? Bakit pakiramdam ko, tinotorture ninyo ako? Ginagawa ninyong pain si Duena para umuwi ako d'yan kahit na ayoko?" hindi ko na mapigilang mairita dahil sa pangungulit niya.
"No, anak. Hindi ko ginagawang pain ang kapatid mo para makauwi ka." basag ang boses niya sa sagot niyang iyon.
"If you say so, please stop. Hinding hindi ako uuwi. Bye." inilayo ko ang telepono mula sa aking tainga at pinutol ko na ang tawag. Nagtaas-baba ang aking dibdib na daig mo pang nakipaghabulan ako kahit hindi naman. Nanginginig ang aking mga kamao dahil sa galit. Hindi ko man ginustong maging ganoon kay mama, pero hindi ko mapigilan.
Muli ko kinagat ang aking labi. Pinipigilan ko ang sarili kong maiyak.
Saved by the bell. May kumakatok sa pinto. Dahan-dahan iyon nagbukas at tumambad sa akin si Aldrie. Natigilan ako nang makita ko siya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Sa puntong ito, ang galit na naramdaman ko, kusa iyon nabura nang makita ko lang si Aldrie sa harap ko. Why?
"Eliza..." mahihimigan ko ang pagsuyo sa boses niya nang tawagin niya ang pangalan ko. Humakbang siya palapit sa akin. Kusa siyang lumuhod sa harap ko. Masuyo din niyang hinawakan ang mga kamay ko. Mahigpit niya iyon hinawakan. "Bumisita ako para kamustahin ka. Narinig kitang may kasagutan dito sa loob, akala ko may nangyari na sa iyo..."
Hindi ko magawang sumagot. Nanginginig ang mga labi ko. Parang may nakabara sa aking lalamunan kaya hindi ko magawang magsalita.
Nanatiling nakatingala sa akin si Aldrie. Tila pinag-aaralan niya ako sa lagay na ito. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at huminga ng malalim. Tumayo siya. "Get up and come with me. May pupuntahan tayo." sabi niya.
Doon na ako nagkaroon ng reaksyon. Nagtataka akong tumingala sa kaniya. "Pero... N-nasa oras ako ng trabaho, Aldrie." alanganin kong pahayag.
"Oo, nasa oras ka ng trabaho pero sa estado mo ngayon, hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo." ikinulong ng mga palad niya ang aking mukha na dahilan para magtitigan kami. "Ilalabas muna kita dito. Ako na ang bahala sa iyo." Hinawakan niya ang isang kamay ko at tagumpay niya akong hinila hanggang sa nakalabas na kami ng Opisina.
Bago kami tuluyang makaalis ay sinabi pa niya si Tonya na sarado muna ako ngayon at hindi muna ako tatanggap ng mga kliyente. Wala naman magawa ang sekretarya ko kungdi sundin ang sinabi ni Aldrie. Tulad ng sabi ko, alam ni Tonya kung anong nangyayari sa akin kapag nailalagay na ako sa ganitong sitwasyon. Kaya madali para sa kaniya na sumang-ayon sa ginusto ni Aldrie.
Hanggang sa tagumpay akong naidala ni Aldrie sa Parking Lot. Siya ang nagbukas ng pinto ng frontseat. Inaalalayan niya akong makapasok. Sinara niya ang pinto at umikot siya sa harap hanggang sa marating niya ang driver's seat. Binuhay niya ang makina ng sasakyan saka mabilis kaming nakalayo sa building.
Tahimik lang akong nakadungaw sa bintana ng sasakyan. May lungkot man sa aking mga mata ay magandang pagkakataon na din ito para pakalmahin ang aking sarili. At nararamdaman ko na nga ang gusto kong mangyari, nagiging kalmado na ako. Thankful na din ako dahil biglang dumating si Aldrie.
"Nasabi sa akin ni Tonya na may problema kayo ng parents mo." bigla niyang sabi.
Mabilis akong bumaling sa kaniya, bakas sa mukha ko ang pagkagulat. Hindi ako makapaniwala na masasabi ni Tonya sa kaniya ang isa sa mabibigat kong problema. Nakatitig lang ako sa kaniya habang siya ay abala pa rin sa pagmamaneho at nakatingin nang diretso sa kalsada.
"I won't judge you in a way you hate your parents, my candy." he said. "Minsan talaga, unfair ang buhay. Unfair minsan ang mga magulang."
"Aldrie..."
"And I will take you to the almost perfect place for me, my candy." nakangiti niyang sambit. "I will show you what family is."
"A-anong pinagsasabi mo?" naguguluhan na ako sa mga pinagsasabi niya.
"Remember this, it takes a lot of energy to be angry. I can understand you very well. This time, hayaan mong ipapakilala kita sa pamilya na meron ako, Eliza. And I will give you time to realize everything. Hinding hindi tayo babalik dito kung papairalin mo pa rin ang galit mo."