“I'll get back to you…” bulong ni Sanjo kay Siobeh habang nakataas pa ang kamay sa batok at nagpe-perform. Umiinda-indayog pa ang katawan habang bumubulong. Napangiti naman si Siobeh sabay kagat ng ibabang labi. Sino nga ba ang mag-aakala na magku-krus ulit wng landas nila ng lalaking kahit na niyurakan ang kanyang pagkatao, ngayon ay kaharap niyang muli. Hindi niya inaasahan na magbabago ang isip ng lalaking inutusan ni Sanjo na idispatsa siya. Alam niya na galit na galit sa kanya si Sanjo dahil totoo naman na nag-utos siya upang gahasain ang nobya nitong si Marigold. Kalaunan niya lang napagtanto na si Marigold at Kylie ay iisa kaya mas lalong naninibugho siya sa dalaga. Hindi niya rin akalain na masisira ang pagkakaibigan nila ni Paulyn na siyang inaasahan niya ngunit tukuyan na siy

