CHAPTER 23

1486 Words

MATAMIS na amoy ng niluluto ang bumungad kay Jella nang maalipungatan siya mula sa pagkakatulog. Magkakahalong amoy ng vanilla, icing at binebake na kung ano. Humahalo sa pamilyar na amoy ng brewed coffee. Malayo sa madalas niyang makamulatan na amoy ng ginigisa.                     Pumihit siya patagilid sa kama at yakap pa rin ang unan na kaamoy ng paborito niyang tao sa mundo ay unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Napangiti siya at napabuntong hininga nang makita ang nakatalikod na bulto ni Derek. Nakaharap ito sa kitchen counter, abala sa pagluluto ng kung ano habang mahinang humuhuni ng awiting napakinggan lang nila kagabi. Hindi alam ng marami pero matindi tamaan ng last song syndrome ang binata. Huhunihin nito iyon hanggang mamayang gabi. Maliban na lamang kapag may narinig ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD