CHAPTER 21

1265 Words

MALI si Jella nang akala na may iba nang kinakasama si Derek sa bago nitong tirahan. Napagtanto niyang imposible iyon nang makita niya ang iba pang residente ng gusaling tinirihan nito sa araw ng charity event kung saan siya isinama ng binata dalawang linggo pagkatapos nilang mag-ayos ng condo niya. Sa Tahanang Walang Hagdan sila nagpunta. Isang facility para sa mga Persons With Disability.                Puro lalaki ang mga kapitbahay ni Derek. Walo sa mga iyon ay may kasamang babae na nalaman niyang kung hindi asawa ay mga fiancée o kasintahan. Isa sa mga babaeng kasama ay si Janine Visperas na nobya pala ni Draco Faustino na isang sikat na painter. Kilala niya ang lalaki dahil fan siya ng art works nito. Kaya naman pala kilala ni Derek ang babae.                Katunayan ay mga kilal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD