CHAPTER 15

1368 Words

HULI na nang mapagtanto ni Jella ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag pumasok siya sa isang Home Depot na may kasamang lalaki. Sa bedroom section sila unang dinala ng staff na nag-a-assist. Ipinakita ang mga double bed na matitibay daw. Bagay na bagay para sa mga ‘bagong kasal’ na katulad daw nila.                Tumawa si Derek. Tumiim ang mga labi niya at tinapunan ito ng matalim na tingin. Pagkatapos ay binalingan niya ang staff. “Hindi kami bagong kasal. At may kama na ako. Can we check out other sections please?”                Humingi ng tawad ang staff at mabilis silang dinala sa living room section. Nang sulyapan niya si Derek ay napapangiti pa rin ito na para bang may naiisip na nakakaaliw.                “Bakit ka nakangiti?” hindi nakatiis na tanong ni Jella.           

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD