TINUNGGA ni Melo ang lamang vodka ng hawak niyang baso. Kasama niya sina Jooe at Sori sa mesa sa corner ng first floor ng Pahimakas. Sa totoo lang, medyo madilim na nga ang puwesto nila (at sinadya niya 'yon) pero mukhang may na-attract pa rin siyang mga lalaki. Ramdam kasi niya ang mga matang nakatingin sa kanya– lalo na sa katawan niya. I know I look hot in my skimpy red dress and it's okay to look... just stay where you are. She wouldn't react this way if she had not been shot by Dante's stupid arrow. Of course, she loved attention and didn't mind mingling with men who wanted to get to know her as long as they were single and available. Pero dahil sa epekto ng marka sa katawan niya, alam niyang babastusin lang siya ng mga lalaking lalapit sa kanya. Maraming nangyari sa kanya ng araw na

