"WHERE have you been, mate?" kunot-noong sita ni Hook kay North nang saluhan siya nito sa mesa. "You invited me here but you're late." Nasa Phase 1 sila ng Marahuyo Street dahil ilang buwan pa lang ang lumilipas ay nagtayo naman ng fast food restaurant si North. Tinatawag iyong Potato Upgrade at siyempre, French fries na may iba't ibang flavor ang main star ng store. Kasosyo nito sa Potato Upgrade si Adrien– isa sa mga chef mates nito. That he introduced to Melo before, if I may add. Sa dumaang anim na buwan simula nang iwasan niya si Melo, hindi na niya nakita ng personal ang babae dahil tumatakas na siya sa tuwing nararamdaman niya ito. Pero updated siya sa buhay ni Melody Rose, salamat kay North. Naging close kasi ang dalawa dahil sa "pagtutulungan". Nilalakad ni Melo si North kay S

