"IF YOU'RE gonna pout all day, you should have just accepted Hook Rushton's proposal, Melody Rose," sabi sa kanya ni Jooe habang abala ito sa pagbabasa sa pakete ng hawak nitong pasta. "Hindi naman totoong s*x lang ang gusto mo sa kanya, 'di ba?" Bumuga lang si Melo ng hangin habang nakapalumbaba at nakatukod ang mga siko sa handle ng grocery cart na nasa harapan niya. "I like Hook, yes. Pero kung hindi niya maalis ang marka sa katawan ko, hindi na lang ako makikipag-date sa kanya. He will only get hurt when I die." Ngayon niya naintindihan ang naging desisyon ni Hook noon na saktan siya para siya na ang mismong lumayo rito. Kasi sa pagkakataong 'yon, sinadya niyang sabihin sa lalaki na s*x lang ang habol niya rito para ito naman ang masaktan at ma-turn off sa kanya. Kung mag-de-date ka

