"QUEEN JO has arrived!" natatawang sabi ni Melo nang pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya si Jooe na may dalang isang box ng pizza at isang bucket ng fried chicken. "All hail the queen who brought yummy food!"
"Sure," nonchalant na sagot ni Jooe sa kanya nang hindi nagbabago ang icy expression, saka ito pumasok sa loob ng bahay. "I need booze, ladies."
Hindi siya na-offend sa reaksyon nito dahil natural na sa babae ang pagiging intimidating. Na-amuse pa nga siya dahil hanggang ngayon, na-a-amaze pa rin siya sa malakas nitong personality. There was a reason she called her 'Queen Jo' after all.
Plus, Jooe Zamora looks like a beauty queen to me.
Bukod sa matangkad at balingkinitan, maganda rin ang posture ni Jooe lalo na kapag naglalakad. She walked like she owned the street. Kapag nagsasalita naman ito, hindi puwedeng hindi ito pansinin. Her firm voice and oozing confidence commanded attention.
But physically, I sort of envy her sunkissed skin.
Morena si Jooe at pantay ang kulay ng makinis nitong balat. She loved her natural tan and it looked really good on her.
"Nandito na ang booze!" masayang deklara naman ni Sori na may dalang tray na may tatlong green bottle ng soju. "Pasensiya na mga unni, pero soju na lang ang natira sa cupboard ko since hindi naman ako nag-i-stock ng ibang alak."
"Ohh, your Filipino has improved a lot, Baby Sori. Good job."
"Maraming salamat, Jooe unni."
Nilapag ni Jooe ang mga dala nitong pagkain sa center table, saka nito niyakap si Sori– na kalalapag lang din ng mga soju sa mesa– na natawa lang sa ginawa ng unni nito. No one could resist the Koreana's cuteness– not even the ice queen herself.
Napangiti na lang si Melo habang iiling-iling, saka niya sinara ang pinto at naki-join sa mga kaibigan niyang nasa sala. Pagkatapos panggigilan ni Jooe si Sori, pinakawalan na nito ang Koreana. "I thought you couldn't make it tonight, Jo."
Thirty years old na si Jooe pero kahit medyo malaki ang age gap nila, hindi pa rin ito pumayag na tawagin niyang 'ate' dahil mas lalo raw itong magmumukhang matanda. Si Sori lang ang hindi nito natiis dahil alam nila kung gaano kahalaga ang seniority sa Korean culture. Hindi niya makakalimutan kung pa'no namutla at na-fluster ang Koreana nang sabihin ni Jooe dito na tawagin na lang ito sa pangalan. Lumaki rin kasi sa Filipino culture si Sori kaya nasanay din ito na tawaging 'ate', 'kuya', etc. ang mga mas nakakatanda dito.
Pero bilang pagrespeto sa kagustuhan ni Jooe, sinubukan pa rin ni Sori na tawagin ang babae sa first name lang nito. Napansin naman ni Jooe na uncomfortable si Sori kaya ito na mismo ang nagbigay ng permission sa Koreanan na tawagin ito sa kung ano ito komportable.
Yep, Sori has power over Jo– the same way she does over me.
"I walked out on my bosses. It's Friday night and no one can stop me from leaving work early," sagot ni Jooe habang hinuhubad ang blazer na suot, sabay hagis niyon sa sofa. Pagkatapos, in-unhook nito ang bra sa ilalim ng sleeveless blouse, saka iyon hinila sa strap palabas sa manggas. Hinagis lang din nito ang bra sa sofa. She looked relieved after that, then she plopped herself on the huge couch. "Finally," sabi nito, sabay hila sa ponytail nito. Sumabog ang mahaba, tuwid, at itim nitong buhok. "Nakahinga rin ang boobs ko."
Sabay silang natawa ni Sori dahil sa mga sinabi nito. Pagkatapos, umupo sa sahig ang Koreana para buksan ang mga bote ng soju. Umupo naman siya sa tapat nito para buksan na ang box ng pizza at bucket ng fried chicken. Sakto dahil hindi pa sila nag-di-dinner.
"Obviously, you had a bad day," pagsisimula ni Melo nang makakuha na siya ng slice ng pizza, saka siya sumandal sa trunk ng sofa. Dahil sa posisyon niya, kinailangan pa niyang tumingala para lingunin si Jooe na nakatukod ang siko sa armrest habang nakapalumbaba. "Puwede ba naming malaman kung ano ang nangyari sa work mo?"
"The politics in our office is getting ridiculous," iiling-iling na sagot ng babae. "One of our big bosses suddenly quit the company– the burning bridges kind. In short, she just disappeared after handing out her resignation letter. So, siyempre, sa'min napunta ang responsibilities niya. Biglaan ang pag-alis niya kaya nahihirapan kaming humanap ng kapalit niya. I'm in charge of filling up her position for the meantime– which means my workload has doubled up– but my superior is taking his sweet time in finding a replacement."
Junior executive si Jooe sa isang malaking global and firm kaya hindi naman nakakapagtaka na ma-burn out ito sa laki ng responsibilidad nito sa kompanya.
"That sounds like a pain," komento niya, saka niya kinain ang hawak na pizza slice.
Nag-pout si Sori na halatang nakikisimpatya sa kaibigan nila, saka ito tumayo at umupo sa tabi ni Jooe. "Heto, Jooe unni," sabi nito sa malambing na boses, saka inabot dito ang bote ng soju. "Inom ka muna para ma-relax ka."
Kinuha ni Jooe ang bote mula rito. "Thanks, Baby Sori."
Ngumiti lang ang Koreana, saka ito bumalik sa harap ng coffee table para kumain naman ng fried chicken na gustong-gusto nitong ka-partner ng soju.
Uminom muna ng soju ang corporate woman bago ito tumingin sa kanya. "So, Melo. Nagtext sa'kin si Sori kanina. She told me what happened this morning."
"For the first time after many months, I found a guy who's not a pervert and yes, I'm genuinely attracted to him– but he's not intrested in me," pagkumpirma niya. "What a waste."
"But that can't be possible, Melo."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean, Jo?"
"Dante's mark attracts the worst kind of men so for the past months, you've only met douchebags," paliwanag ni Jooe sa seryosong boses. "He made it so it would be hard for you to meet a decent guy who could help you erase the tattoo he left on you. But according to Baby Sori, hindi ka raw binastos ni Hook Rushton kanina. Unlike ng mga lalaking nakikilala mo na nawawala agad sa sarili kapag nakikita ka. Which means that this Hook guy might be "the one.""
"That's true and I've thought about it as well," tumatango-tangong pagsang-ayon niya. "Pero minsan, matagal ang effect ng mark, 'di ba? Baka sa umpisa lang disente si Hook Rushton."
Sa pagdaan ng mga buwan, na-fi-figure out na nila ang epekto ng iniwang marka ni Dante sa katawan niya. In-a-attract niyon ang "worst kind of men" kaya nagiging lapitin siya ng mga manyak at bastos na lalaki. Pero nitong nakaraan lang, may bago silang na-discover.
A few weeks ago, Sori's older male cousin went to the Philippines to visit her. Disente at magalang si Jun-Ho at sigurado siyang hindi nito pinepeke lang ang pagiging gentleman. Inakala nga niya noon na ito na ang 'the one' kaya kahit hindi naman siya gaanong attracted sa lalaki, pumayag pa rin siyang makipag-date dito.
But on their third date, he started to act strange and say lewd things to her that he didn't do during their previous dates. But she still gave him the benefit of doubt. So, she still went to meet him when he asked her out. 'Yon nga lang, naging mapilit na si Jun-Ho. Sinubukan niyang daanin sa maayos na usapan ang pagsaway sa pagiging agresibo nito dahil pinsan ito ni Sori. Pero nang sumagad na ang pambabastos nito, nasampal na niya ito. Parang nagising ang lalaki sa ginawa niya at nag-apologize naman. Pinatawad niya ito dahil mukhang hindi talaga nito alam ang nagawa. Pero hindi na niya ito kinausap at hinarap hanggang sa bumalik na ito sa Korea. Thankfully, Sori understood and didn't get mad at her for hurting her cousin.
"You have a point, Melo," pagsang-ayon sa kanya ni Jooe pagkatapos ng ilang minuto nitong pag-iisip. "Like what we've figured out recently, Dante's mark seems to bring out the worst in a man near you. Kapag tumatagal ang interaction mo sa isang guy, nagiging apektado sila sa epekto ng tattoo mo. It's like Dante's mark is manipulating men to break you."
Kinuha at tinungga niya muna ang soju niya dahil aminin man niya o hindi, nakakatakot ang masamang plano na 'yon ni Dante. "He wants to ruin me, huh?" komento niya habang iiling-iling. "He still wants to ruin me as if he hasn't already done that."
"Exactly," sabi naman ni Sori na nakangiti at sobrang bright pa rin ng innocent face habang nakatingin sa kanya. Mas lalo itong nagmukhang cute dahil sa chicken drumstick na hawak. "Kinailangan pang mag-iwan ni Dante-ssi ng marka sa'yo kasi hindi ka niya nagawang wasakin noon, Melo uuni."
Aww, she was touched.
"Agreed," mabilis na pagsang-ayon naman ni Jooe. "He's playing god but he still wasn't powerful enough to break you, so he had to leave a mark that would manipulate other men to finish the job he wasn't able to accomplish. That coward." Naging madilim ang anyo nito. "I'll kick his butt once I get a hold of him. I haven't met him yet but I already dislike him." Binuka nito ang isang kamay na biglang nagkaro'n ng gintong liwanag. Pagkatapos, mula sa palad nito ay may lumabas na parang hologram ng isang golden arrow na sing liit lang ng pinky ng babae. "He broke the golden rule of our kind– we are not supposed to bestow punishments on mortals."
Kinilabutan si Melo dahil naalala niyang gano'ng arrow din ang nilabas ni Dante mula sa palad nito no'ng araw na bigyan siya nito ng marka.
Dante and Jooe are really the same kind...
"Sometimes I almost forget that you're godlike, too, Jooe."
Wala pang isang taon simula nang makilala niya si Jooe. Niligtas siya nito noong muntik na siyang mapahamak dahil sa iniwang marka ni Dante. Kung hindi dahil sa babae, baka may masama nang nangyari sa kanya noon.
Inangat ni Melo ang kaliwang pupulsuhan niya at tinitigan ang barely visible na tattoo do'n. There was a small, horizontal arrow pointing west inked on her inner wrist. That was Jooe's mark and only the two of them could see it. "Thank you for saving me back then, Jo," sincere na sabi niya, saka siya nag-angat ng tingin sa babae para bigyan ito ng grateful smile. "And thank you for giving me a mark that reduces the effect of Dante's mark on men."
Bago niya nakilala si Jooe, sobrang aggressive ng mga lalaking malapit sa kanya at tinatablan ng marka ni Dante. Pero nabawasan ang epekto niyon dahil sa marka ng kaibigan niya.
"My mark only serves as a temporary solution, Melo," sabi ng babae sa boses na puno ng simpatya para sa kanya. "We still need to erase Dante's mark on you. Hindi tatagal ang mga ordinaryong mortal na gaya mo dahil hinihigop ng tattoo na iniwan niya sa'yo ang life force mo. Usually, tumatagal lang ng one year ang mga taong pinaparusahan ng mga tulad namin. It has been nine months since he punished you, Melo. You might die soon."
Napainom lang uli siya ng soju sa takot.
"Hindi ako papayag na mawala si Melo unni!" paiyak naman na sabi ni Sori kaya sabay silang napatingin dito. "Kung kinakailangan kong kidnap-in si Hook oppa for you, gagawin ko. Lalo na kung siya na talaga ang permanent solution natin."
"Thank you, Sori," nakangiting sabi niya. "But I don't want you to be a criminal for me."
"Plus, it won't work if the other party is intoxicated or forced to do the act," dagdag naman ni Jooe. "Both parties should have genuine consent before they have s*x or else, it won't work." Tinuro siya nito. "Melo must be truly satisfied after the deed because the level of her pleasure will determine whether the tattoo will be erased or not. And her partner must be skilled, too. It would be much better if his s*x drive would match Melo's. The longer and frequent they do it, the more life energy he could give her. Kailangan naman ni Melo ng life energy kapalit ng life force na nahigop sa kanya ng tattoo..." Bigla nitong sinara ang palad na para bang may naalala. "Ah, isa pa pala 'yon sa mga reason kung bakit kailangan mong magmadali, Melo."
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "What do you mean?" Ngayon lang nila napag-usapan ang tungkol sa magiging epekto ng pakikipag-s*x niya dahil nag-focus sila noon sa paghahanap sa magiging partner niya. "Saka ano nga pala ang difference ng life force at life energy?"
"Technically, wala namang pinagkaiba ang life force at life energy pero recently, pinaghiwalay namin sila para hindi masyadong confusing. So kapag sinabing life force, it pertains to yours. Kapag life energy naman, it pertains to your partner's," paliwanag nito. "Anyway, Melo, the more life force you lose, the more life energy you'll need once you find your partner."
Tumango-tango siya, sabay singhap nang ma-realize na niya kung ano ang biglang ikinatakot ni Jooe kanina. "Jo, kapag maraming life force ang nawala sa'kin at dumating 'yong time na kailanganin ko ng life energy, does it mean, mahihigop ko ang lahat ng life energy ng partner ko sa s*x? If that happens, then, posible din ba na mamamatay siya dahil sa'kin?"
"Parang succubus?" gulat na tanong naman ni Sori. "Magiging succubus na ba si Melo unni?" Kumunot ang noo nito na para bang hindi na ito nasasabayan pa ang usapan nilang tatlo. It was understandable since this little cinnamon roll was innocent. "Saka bakit s*x ang kailangang solution para mabura ang marka ni Dante-ssi kay Melo unni? I'm lost here."
Hindi nila inii-specify ni Jooe noon kay Sori na s*x partner ang kailangan niya at hindi romantic partner dahil kahit adult na ito, masyado pa rin itong inosente sa mga gano'ng bagay.
And we'd like to protect her innocence, thank you very much.
Pero na-carried away sila ngayon ni Jooe sa usapan kaya nakalimutan nilang hindi nga pala nila nilinaw kay Sori noon ang exact solution para mabura ang marka ni Dante.
Yep, I need to find a decent guy that I will be drawn to– and of course, he has to be mutually attracted to me. Then, we have to have mind-blowing s*x to erase Dante's mark. But I just learned that I also need my future partner's life energy to replace the life force I'm losing right now because of the tattoo.
"Hindi ba puwedeng kiss na lang from your true love ang makabura sa marka ni Dante?" naka-pout na tanong pa ni Sori. "Parang sa Disney movies."
Melo and Jooe laughed softly out of amusement. Mukhang hindi naman na-offend si Sori sa reaksyon nila. Para ngang mas lalo pa itong naguluhan.
Meron pa talagang ganito ka-pure na tao sa mundo– so Sori must be protected at all cost.
"Sori, are you familiar with the Greek mythology?" tanong ni Melo dito nang huminto na siya sa pagtawa. "To be precise, familiar ka ba sa Erotes– the group of winged-gods associated with love and s****l intercourse?"
Nakasimangot na umiling si Sori. "Hindi masyado. Pero alam ko na maraming mga god and goddess sa Greek mythology... jamkkanman!" It meant 'wait' in Hangul. Nanlaki ang singkit nitong mga mata na para bang may na-realize ito. Pagkatapos, tumingin ito kay Jooe na puno ng admiration. "Jooe unni, may godlike ability ka pero hindi niyo naman ako sinasali ni Melo unni sa discussion niyo noon kasi ang sabi niyo, masyado akong inosente para maintindihan kung ano ka. Ang alam ko lang, hindi ka ordinary human pero hindi ako masyadong nag-focus do'n kasi ang mas mahalaga sa'kin, mabait ka at pino-protect mo si Melo unni. Saka ayokong maging nosy kasi natatakot ako na baka bigla ka na lang magtago kapag masyado kitang kinulit about your superhuman ability. Pero ngayon, super curious na ko." Naningkit naman ang mga mata nito sa corporate woman. "Jooe unni, Greek goddess ka ba?"
"I'm not a goddess," iiling-iling na tanggi ni Jooe. "But I have Pothos' Arrow– the winged-god of yearning and wanting."
"And Dante has Himeros' Arrow– the winged-god of desire and unrequited love," nakangiting dagdag naman ni Melo. Pagkatapos, nagpapalipat-lipat siya ng tingin kina Jooe at Sori. "Ladies, should we go somewhere with more booze since it seems like we still have a lot more to talk about tonight, right?"