Namangha si Sydney sa ganda ng falls
hindi nya inaasahan na may ganito pala
kaganda na waterfalls dito sa Palawan
parang paraiso sa ganda malinaw din
ang tubig na kulay asul
"Nagustuhan mo ba? tanong ni Bryan
tumango naman si Sydney bilang tugon
"Ang ganda pala talaga dito! sambit nya
nang hindi lumilingon sa binata. kitang
kita ang saya sa mga mata ng dalaga
nagniningning Napangiti si Bryan dahil
sa nakikita nyang kasiyahan kay Sydney
Habang abala si Sydney sa paligid ay
nilatag na nya ang sapin sa damuhan
at inayos ang mga pagkain na binili nya
para sa kanila ni Sydney.
"Baby! halika kumain muna tayo malayo
ng binyahe natin kanina baka
nagugutom kana! tawag pansin nya kay
Sydney na nag eenjoy talaga sa tanawin
"Salamat ha! madami na akong utang
sayo" nahihiyang tugon nya kay Bryan
ngumiti naman si Bryan at ginagap ang
palad nito at dinala iyon sa labi nya
dinampian nya ito ng mumunting halik
"You dont have to say that my sweet Angel,"
"Oh ito tikman mo masarap to" say ah
isinubo nya ang crab stick dito
"Uumm ang sarap! bulalas ni Sydney
"Oh heto pa kain kapa damihan mo para
naman tumaba ka mukha kang patpatin
na isang ihip lang ay matutumba na!
kunwari sermon nya sa dalaga
Pagkatapos nilang kumain ay nagpasya
na silang magtampisaw sa tubig
napasinghap pa silang pareho ng
maramdaman nila ang tubig sobrang
lamig kasi ng tubig at idagdag pa ang
nakakaakit na kulay asul at sobrang
linaw, napatili si Sydney ng biglang
sabuyan ni Bryan ng tubig ang mukha
nya
"Ah.. ganun pala ha... ito rin sayo!
nagsabuyan sila ng tubig at naghabulan
nagkakarerahan din silang lumangoy
mula sa dulo ng ilog. para silang mga
bata na nagbabatuhan ng malambot na
lupa. Sumisid si Bryan at hinila sa paa
si Sydney sa gulat ni Sydney ay nagkaka
kawag ito. pero huli na para makawala
dahil nahila na sya ng tuluyan ni Bryan
sa ilalim ng tubig. magpumiglas pa sana
ito pero maagap na hinalikan ni Bryan
para doon sila huminga pareho. Kaya
hindi na sila mawawalan ng hangin sa
ilalim ng tubig nagtagal pa sila doon.
Nang umaahon sila ay kapwa sila nag
hahabol ng hininga Nahampas ni Sydney
ang braso ni Bryan tatawa tawa naman
ang loko
"What?!
"Sisid marino ka talaga! sa tinuran ni
Sydney ay mas lalong humalakhak si
Bryan. Kapwa sila napatingala ng
nagsiliparan ang mga ibon sa
himpapawid Halatang nabulabog ang
mga ito. napamura si Bryan
"Sh*t baby halika na bilisan mo!
nagmamadaling umahon sa tubig si
Bryan
"Bakit anong nangyayari Bryan? takot
na tanong ni Sydney
"Kunin mo mga gamit natin at itago,
madali ka! nagmamadali ang bawat
kilos nila. Nagulat pa sila ng may baril
na umalingawngaw sa di kalayuan kaya
si Sydney ay natataranta at nanginginig
"Bryan ano yun? natatakot ako!
"Huwag kang matakot andito ako!
tulungan mo akong iligpit lahat ito yung
walang kahit na anong bakas na
maiiwan at makikita nila". kahit na rin si
Bryan ay natatakot narin sa kaligtsan
nila ni Sydney. Nagmamadali na sila
nagsuong sa ilalim ng waterfalls dahil
doon ligtas na pagtaguan para sa kanila
Palapit na ng palapit ang mga taong may
sanhi ng pagputok. mula sa ilalim ng
bumabagsak ng tubig ay kitang kita nila.
ang mga armadong kalalakihan sa
tantya ni Bryan ay nasa anim o walo ang
mga ito pawang may mga bitbit ng
malalaking de lkalibre na baril meron
pang rifles. Nagtatawanan ang mga ito
habang may bitbit na isang malaking
baboy ramo umupo sila saglit sa isang
malaking bato at waring magpapahinga
pigil hininga si Sydney na nanginginig
"Bryan sila yung mga humahabol sakin
noon, sila yung tauhan ng parokyano ni
nanay! bulong nya kay Bryan
"Sh*t! mura ni Bryan
"Anong gagawin natin? tanong ni Sydney
"Kailangan makaalis tayo dito hindi nila
dapat tayo makita baka pag mahuli nila
tayo ay papatayin tayo! hindi malaman
ni Bryan kung ano ang gagawin.
At ang mga gunggong maisipan pa yata
nila maligo lagot na talaga sila.
"Huwag ka na maligo Lucas at aalis na
tayo! bulyaw ng isang lalaki na may
hawak na rifles
"Saglit lang naman boss! protesta pa ng
tinawag na Lucas
"Ah bahala ka maiiwan ka dito lagot ka
talaga kay bigboss! panakot ng isa pang
mukhang hippopotamus.
Nagkaroon naman ng pag asa sina
Bryan at Sydney
"Aalis na sila! sambit ni Sydney
"Oo, konting tiis nalang baby,
Nang sa wakas ay umalis na rin ang mga
lalaki ay laking pasalamat nila pero hindi
muna sila lumabas sa pinagtataguan
naghintay muna sila ng ilang saglit bago
sila lalabas mahirap na mas maganda
ang nagsisigurado. Nang masiguro na
nila na nakalayo na ay saka lang sila
naglakas ng loob lumabas. kapwa sila
nakaramdam ng ginhawa nagmadali
na sila umalis sa Lugar para makabalik
na agad sa resthouse na tinutuluyan
nila. Mabuti nalang at napakasecure
ang lugar ng kanila rest house na
tinutuluyan dahil mukha itong
malalagong damo at napapalibutan ng
mga bulaklak na kung aakalain mo ay
isang pader lang ang damo at bulaklak
pero isang gate pala na papasok sa loob
ng rest house kaya hindi basta basta
makikita ang lugar safe na safe
pagtaguan .
Pagkarating nila sa resthouse ay agad
nyang tinawagan si kevin upang
ipaalam ang tungkol sa mga armadong
kalalakihan na nakita nila sa may
waterfalls.
"Sh*t sa tingin ko bro malapit lang ang
pinagkukutaan nila sa waterfalls! wika
ni Bryan
"Malapit ko na silang matimbog bro"
may halong paggagalaiting tinig ni Kevin
"Mag iingat ka parin bro hindi sila basta
basta mauubos! pagpapaalala ni Bryan
kay Kevin
"Salamat bro, pero bago pa nila ako
mapatay ay sisiguruhin ko munang
mauubus ko silang lahat.
"Mas maganda parin ang nag iingat bro!
pag aalalang wika ni Bryan
"Salamat bro sa paalala pero kayo din
dyan mag iingat parin kahit safe ang
lugar ay baka may makakita pa sa inyo
kaya ingat kayo dyan bro!
"Don't worry bro lagi kami mag iingat!
"Okay bro! by the way putulin ko na ang
tawag at may importante lang akong
gagawin! paalam ni Kevin sa kabilang
linya