Chapter 1 Part One: The Punishment

2004 Words
Aulus' POV "Where the hell are you?" My voice cracked like the screen of the phone I’d death-gripped for half an hour. "Thirty-seven minutes. You’re thirty-seven minutes late, and you think I’m just staring at my watch for fun?" I hissed, speaking to someone on the line then I hung up with my most frustrated expression. I massaged my nose bridge to lessen it. 'I shouldn't have come here in the first place!' Nandito ako ngayon sa park at kanina pa talaga kating-kati ang paa kong lisanin ang nakakinis na lugar na to! This is the most disgusting place I have ever been to! That's who Cheleo Willard is. Mapang asar and I don't understand why I have to adjust for him. He really loved to keep me waiting whenever we had something important to discuss. He'd always say he was on his way, even though he was actually still lying down on his f*****g bed. Naiinis kong pinagmasdan ang lugar. Madaming maingay, madaming bata, at maraming mga couples na daig pa ang nasa music video kung maglambingan! This is fvckin' great to see, isn't it?! Ramdam ko ang pagguhit ng pandididiri sa mukha ko. 'Edi kayo na!' Saglit pa akong bumaling sa luxury watch ko upang tingnan ang oras. My patience is about to officially expired. "Hey, dude! What's up?!" "Oh, finally!" I huffed. Spotting Cheleo walking towards me "I'd already memorized the parking meter's rust pattern sa tagal mo'ng dumating!" My sarcastic two cents. "I'm sorry bro." A chuckling asshole. He tapped my shoulder and leaned against the railings I was resting on. "Why you took so long?!" Inis ko ulit siya nilingon at mabilis siyang sininghalan. This pretty boy is getting on my nerves. "Are you trying to trip me up, or just wasting my time?" "Pfft easy.." Ngumisi siya at nainis naman ako lalo "Parang kahapon lang 'sigang-dikit' tayo. Pagkatapos ngayon, ganyan ka na? You look like a retired old man dude! Smile a little bit, it won't hurt!" Mapang asar na dagdag niya tsaka humagalpak ng tawa. Napabuntong hininga ako sa asal ng hayop na to. Hindi ko siya sinagot at nababagot nalang na pinapanuod ang nakakainis na pagtawa niya. Humawak pa siya sa tiyan niya habang nakaturo sa mukha ko and I don't have any idea kung ano ba ang nakakatawa? "Baliw kang hayop ka!" Napipikon ko siyang sinigawan pero hindi siya natinag sa pagtawa. "Bukas malala ka na at wag na wag mo kong tatawagin kapag nasa mental institution ka na, gago!" Badtrip na dagdag ko na masama ang tingin sakanya. "And what's 'sigang-dikit?' its 'sanggang-dikit', i***t!" "H-ha? Hindi ba sigang-dikit yon? We're both siga na palaging magkadikit.. aren't we?" Inosenteng sabi niya sabay tawa nang malakas na parang ako pa yung may maling sinabi. "Yeah.. Alam mo, palagi kong pinagdadasal na sana gumaling ka na sa sakit mo dahil bawat araw, palala ka na nang palala." malungkot kunwaring sabi ko sabay taas ng gitnang daliri ko sa mukha niya. "H-hoy, grabi ka! Happy-happy lang tayo dito ah!" Nakangising balik naman niya. What's with him? Pretending everything's fine when it clearly isn't?! I feel that we're in the big trouble right now. 'Nakakainis! Bakit ba ako nagtitiyaga sa bwisit na to?!' Halos kainin na siya ng masamang titig ko pero wala lang iyon sakanya. "Hanunapo lods?" tumatawang tanong niya at kumunot naman ang noo ko. Tinatantiya kung ano nanaman ang trip niya. 'What's the word he's saying now?!' Napahilamos ako sa mukha at ipinakita sakanya ang pagkadismaya ko at tiningnan siya na parang nagtatanong kung bakit pa siya isinilang sa mundong 'to? Sana ay pinunas nalang siya sa tissue or kung minalas ay pinahid nalang sana siya sa pader ng tatay niya. Wala na talagang pag asa ang taong to. Kita ko ang reaksyon niya nang marealize niyang hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Saang kanto niya nanaman narinig yan? Tangina naman! "Hehe sorry. I mean, 'Ano na idol?'.." natigilan siya at tumikhim nung mas naging seryoso pa ako. Mas lalo kong hindi naintindihan "..ano na ang plano mo?" pumitik siya sa hangin at pilit na tumawa ng peke nang makita niyang hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. "A-ayon ang ibig kong sabihin.. Ano na ang plano mo?" Parang nang uutong sabi niya at pilit pinaseryoso ang mukha. Umayos pa siya ng tayo bago nag iwas ng tingin. "Ewan ko! Ano ba napag usapan niyo ni Reynold?!" Tanong ko na hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya. Gusto ko siyang sakalin hanggang mag violet siya. "Pinag usapan namin.. Hmm.. What's the score between you and your new chic, Zamarra?" Umasta siyang parang hindi ako napipikon sa tanong niya. "You know what, I really hate talking to you motherfucker!" I yelled at his dumpfounded face. Nagitla naman siya na animo'y nagtataka pa kung bakit ganito ang reaksyon ko. "Wag ka nga sumigaw! Nasa kabilang mountain ba ako?!" He yelled at me, too, but in his usual slangy way. Pilit na pilit ang dila sa pagtatagalog. We were both born in America because our fathers were close friends. When I turned five, my mother decided that I should live in the Philippines with my father. Si Cheleo naman ay nag stay pa kasama ang dad niya for another six years. We were both eleven years old when he decided to live in the Philippines with his parents. Marami silang negosyong pinapatakbo sa loob at labas ng bansa at halos bihira sila magkita ng parents niya at ganon din ako sa parents ko. Even though he grew up mostly in America, he always insist on speaking Tagalog, even the grammar is off, his tongue gets tangled, he doesn't give a damn. He loves being filipino kahit hindi halata sa itsura niya. Ako naman ay diretso ang pag iingles dahil yun ang natural na accent ko at mas na-eexpress ko ang punto ko pag ingles pero ang kaibahan namin ay diretsong-diretso ang dila ko sa pananagalog ngunit limitado lamang ang mga salitang alam ko at hindi pa plakado kung minsan pero hindi pilit katulad ng kanya. "Yeah right.. Whatever, 'Tagalog noob'!" patungkol ko sakanya. "Bawiin mo sinabi mo!" Inis na sabi niya at parang batang ngumuso. I used to call him 'Tagalog noob' or 'conyo' in other words at sa tuwing sinasabi ko 'to ay hindi niya maiwasang mapikon. "Okay, barok." pang aasar ko pa. Hindi na siya sumagot pa at tumahimik nalang kahit halata sa mukha niyang gusto niya akong bawian. "So ano ganito nalang? Pinapunta mo ko dito for nothing? Spill the bean, buddy!" pambabasag ko sa katahimikan. "You don't know?!" Gulat na tanong niya at sumandal sa mabatong dingding na sinasandalan ko habang nakapamulsa. He talks to me daily but he still doesn't know that I really hate this kind of conversation. "What's the point of asking you if I already know the answer?" Pigil ang pagkapikon na tanong ko sakanya na takang-taka naman ang hitsura. Well, that's Cheleo again. The scatterbrained of the Four Aces. "Answer my damn question, moron!" "I thought you knew it." Bakas ang inis na saad niya. 'Pero gago ba siya? Mas naiinis ako!' "What do I know about your ruse, huh? You called me to discuss important matters, so I came here." "What?! I don't get your point dude." Kumunot ang noo niya atsaka umiling iling habang nasa paligid na ang paningin. "What's with the ruse you mentioned last night?! Lasing ka ba?" Nauubos ang pasensyang tanong ko. Masyadong lutang ang isip. "Baka ikaw ang lasing?! Relax, man. This is why I called you—to sort this out, alright?" tumingin siya nang seryoso sa akin habang nakataas ng bahagya ang parehong kamay senyales ng pagsuko. "This task is specifically meant for you and once you complete this ruse, you and Reynold will be even." "Ahh.. that's why you accepted the punishment without my consent?" sarkastikong tanong ko. But he's too late to realize kung anong ginawa niya "What the hell are you really talking about? Get straight to the point." "Reynold told me na natalo ka sa sugal at sa laban mo with his members. Nung una wala akong alam na sumasali ka pa rin sa mga street fight na yan! Kaya nga akala ko alam mo na kung ano magiging kapalit ng gulong pinasok mo. Ang ending wala ka din palang ideya." Inis ngunit bakas ang pag aalalang sabi niya. Hindi ako kumibo at hinintay ang susunod niyang sasabihin pero hindi na siya nagsalita at nanataling nakatingin sakin wari ba'y hinihingi ang paliwanag ko. Wow, ang bilis ng balik at ako pa ang kailangang magpaliwanag. "As if I have a choice." Kibit balikat na sabi ko. Gusto kong isipin niya na wala akong pakielam kung ano man 'yon. Ayoko makita ang kakaibang pag aalala sa mga mata niya. "At bakit naman? Sabihin mo nga sakin, ano pa ba gusto mo mangyari? Eh halos naipusta mo na lahat ng yaman at mga mamahaling cars mo para lang sa pinaglalaban mo eh wala naman nangyayari." Bakas ang dismaya sa tono niya at nakakainis 'yon. Kailan pa siya nagkaroon ng concern sa yaman ko? As if naman na nauubos yon? "Hoy, wala akong pakielam sa yaman mo kahit saan mo iwaldas yan pero kahit ganito ako, ayoko pa rin mapahamak ka sa mga wrong doings mo! We're bestfriends kaya concern ako, okay?! Kilala mo naman si Reynold kung gaano katuso yon.." medyo simangot naman ang mukha niya ngayon. Iniwas ko paningin sakanya at malalim na bumuntong hininga atsaka malalim na nag isip. "Then what should I do? Hayaan yung Reynold na 'yon na ubusin ang members ko?" naghahamong tanong ko sakanya. Umaasa na maiintindihan niya ang lahat ng ginagawa ko dahil hindi ko naman to ginagawa para lang sa sarili kong interes. "So ayon nga, inamin mo din. Dahil sa katigasan ng ulo mo, may punishment ka! Hindi ba't napag usapan na natin to with Leevan na ititigil na natin yan dahil mana natin sa pamilya ang nakasalalay at idagdag mo pa na alanganin na ang antas ng Four Aces sa lahat ng organization na kinabibilangan ng pamilya natin. Kung lahat nalang isusugal mo, hindi malabo na mawala tayo sa linya bilang mga tagapagmana." Nakatingin sa mga mata kong saad niya dahilan para mapabuntong hininga muli ako. "Wala na nga ang mga members mo, pati ba naman ikaw? Sana naman kasi nag iisip ka muna." "As if!" palag ko "As if? You're over confident!" "I should be, punk!" "Bahala ka!" "So what's the punishment of Reynold?" Tanong ko dahilan para mas lalong magsalubong ang mga kilay niya. "Bakit, pag sinabi ko ba, gagawin mo?" parang bata ang tonong hamon niya habang nilalapit ang sarili sa akin. Bahagya ko naman siyang tinulak gamit ang siko ko sa braso niya dahil ang sagwa ng dating no'n sakin. "So this is between your ruse and Reynold's punishment? What's the difference?" Tanong ko. Batid ko ang interes niyang sagutin ang tanong ko. "Honestly, kagabi ko lang ito naisip. Yung punishment niya ang gagamitin ko to achieve my scheme against him. If you do the punishment, then that's the time you'll both stop seeing each other to fight. At kapag nangyari yon, unti unti natin babawiin ang members natin sakanya nang hindi niya nalalaman since wala na tayong connections sakanya." Natahimik ako sa galing niyang mag isip. Madalas nga lang ay hindi niya yon pinapakita dahil mas lamang ang mga katarantaduhan niya. "You have a point my asshole friend." Ngumisi ako at tinapik-tapik ang balikat niya. "So, goods na?" Nakangisi naman na tanong niya. "I never say no kapag members ko ang pinag uusapan and you know that." Dinuro ko siya sa noo dahil umasta siyang hahalikan ako. Umandar nanaman ang kakulitan niya. "So what's the punishment?" Nabubuhayang tanong ko na animo'y handa ng sumabak sa gyera. "Manghold-up ka." Ani niyang nagpagulat sa akin. Automatic na nawala ang pagkabuhay ng katawan ko dahilan para bumagsak ang mga balikat ko at mawala ang mga ngiti ko. 'You gotta be kidding me!' To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD