Continuation..
Aulus' POV
"Quit with your lame jokes Cheleo." Masama ang tingin ko sakanya. "Not funny."
"Who says I'm joking?" inosenteng tanong niya habang nakaturo sa sarili. "That's part of your punishment. Akala ko ba agree ka na?"
"Nag iisip ka ba? My reputation hinges on that punishment! My name! Why you still don't get it?" Gigil na tanong ko habang minamasahe ang batok ko. "Bakit ka pumayag sa ganung kadugyot na punishment ha? What if ayoko, what will happen to my members huh?!"
"Your name, your members..You have so many excuses!" He sounds pissed. Acting as if he's already tired with my troubles pero hindi naman ako magawang iwan. Hinilot niya ang sentido.
"And you have so much to explain! You're just like kuya!" Depensa ko.
"Dahil hindi naman nagiging maganda ang resulta ng mga excuses mo! For 'your members' your ass!"
"What? this is your idea! You said what we will do, is for our members!" Pikon na sumbat ko. Umalis ako sa pagkakasandal senyales ng stress at humarap sa mga halaman.
"Pero ano ba sagot mo? Di ba sabi mo, 'I never say no kapag members ko ang pinag uusapan and you know that.' Nye..nye.." Pang gagagaya niya sa sinabi ko while showing his mocking face in front of me.
"Aish! Damn!" Untad ko at inis na lumapit sakanya para kutusan siya pero mabilis siyang lumayo sakin.
"You're keeping a secret reason for standing up for this, aren't you?" Maya maya ay tanong niya. Sumeryoso naman lalo ang mukha ko'ng tumingin sakanya pero mas seryoso ang mga mata niyang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko na wari ay hinuhuli ako. Pero hindi ko maintindihan ang tinutukoy niyang sikreto ko. Do I have a secret that I'm unaware of?
"And what do you mean?" I crossed my arm and looked at him intently.
"You know what I'm talking about. I wasn't born yesterday just to be fooled by you.. Tell me, is this about Prienna Yu? The love of your life na girlfriend na ngayon ni Reynold.. Yeah..yeah! The news was all over the campus." Kalmado ang tono niya ngunit hindi inaalis ang nanunuring tingin sa akin. He never accept my claims without doubt in a situation like this. At dinawit pa talaga niya ang pangalan ng taong ayoko marinig ni banggitin ang pangalan.
'Bwisit ka talagang tao ka!'
"I've told you repeatedly—she's not my ex-girlfriend! We're ex-lovers, okay?!" Kalmado ngunit may diin ang bawat punto ko at hindi ko maitatanggi na may kurot ang sinabi niya sa puso ko.
"Woooh! Ex-lovers, kasi ano? Wala kayong label, ganon nanaman sasabihin mo?" Pang asar na tanong niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang asarin ako o sinasabi niya lang to para ipa-realize sa akin ang status namin ni Prienna.
"Ano ba dapat? Our relationship were never formal, and we will never be official." Ramdam ko ang pait sa mga salitang binitiwan ko pero pinili kong itago yon dahil ayokong isipin niya na nasasaktan pa rin ako kahit ako naman ang may gusto na maghiwalay kami ng landas ng babaeng minahal ko mahigit isang taon na ang nakakalipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi ko mawari sa sarili ko kung mahal ko pa ba siya o dala lang ito ng natapakan kong ego nung malaman kong sila na ng mortal ko'ng kaaway. Si Reynold
'Sana nga ay ego lang ito, dahil kung hindi ay hindi ako makapapayag na basta nalang ako matatalo nang dahil lang sa pagibig.'
"So tama nga ako, this is all about Prienna Yu!" Malakas siyang tumawa. "Bitter ka kaya paulit ulit mo ginagantihan si Reynold kahit wala ka namang dahilan." Pumitik pitik pa siya sa hangin na para bang sinasabi niya na tumama siya sa hinala niya. Sa kabilang banda ay hindi ko rin masasabi na tama siya dahil totoo naman ang dahilan ko na gusto kong mabawi ang members ko kay Reynold.
'Dahil kapag tuluyang nakuha ni Reynold sa akin ang loyalty ng mga members ko, tiyak na magiging sagabal iyon para sa inheritance ko. Hindi lang basta loyalty ng mga members ko ang mawawala, kundi pati na rin ang tiwala ni dad.'
"Hindi ka makasagot diyan? Tama ako di ba?" Pang aasar niya na nagpabalik ng isip ko sa realidad.
"Tang ina ka! Tumigil ka na dahil hindi nakakatuwa mga sinasabi mo! It's not about her, and I don't need to hide something okay?!" Sa kabila ng mga naiisip ko ay naging natural pa rin ang tono ko maliban nalang sa pagsalubong ng mga kilay ko.
"Sus! Ikaw pa? Para ka namang bago niyan! Sa akin ka pa talaga naglihim?" Nakawing sabi niya na may kakaibang gesture na hindi ko maintindihan. Parang nangtataboy ng langaw ang parehong kamay niya. "Akala mo talaga eh noh.."
"Akala na ano ha?!" Lumapit ako sa kanya para abutin ang ulo niya pero tumatawa siyang umiwas.
"Akala mo naka move on na, bitter pa pala."
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at baka humaba lang ang usapan. Knowing Cheleo Williard, hindi siya titigil hangga't wala siyang nakukuhang sagot sa akin na tutugma sa hinala niya. He's an asshole.
"So what's the purpose of this punishment? For a f*****g embarrassment?" animong nandidiri kong tanong. I know Reynold. I know he would do everything para lang magkalamat ang pangalan ko at masira nang tuluyan ang Four Aces "Ganyan na ba siya kadesperado na sirain ang pangalan ko?" Tumawa ako nang peke "I'm Aulus Grey Mettienzo for heaven's sake! Hindi ba siya napapagod? I am not a Mettienzo for nothing.. I am one of the successors in Aces Clan and my name precedes as the next heir! He gotta be kiddin' me if he really think that I would dare to put my name into embarrassment."
"Oo nga, eh ano magagawa ko? Ipupusta mo na ba maging ang iniingatan nating Four Aces? Eto yung sinasabi ko sayo, eh! Ang tigas kasi ng ulo mo! Sa tingin mo may magagawa yang pangalan mo pag nagkandaletse-letse na lahat? And if your parents finds out, you're definitely in big trouble."
"Pwede ba? Can you stop blaming me?!" I sighed, hiding my frustration. "You're not helping!"
"If I were you, gagawin ko nalang ang punishment kaysa kung ano pa ang ipagawa niya sayo at makarating to sa mga parents natin! Hindi naman siguro malalaman ng iba, unless pupuntahan mo si Reynold para gumanti nanaman." Nakasimangot na sabi niya habang nakatingin sa ibang direksyon na nagpapahiwatig ng pagiging seryoso niya. Its sounds like a threat to me.
Napahilamos ako sa mukha bago bumuntong hininga.
"Fine! I'll do it! But I don't know how!" Pagalit na sabi ko. I don't have a choice and this is bullshit!
"Neither I. Maybe just treat it as a prank." He smile widely while staring at me. He can switch his mood that quick, yeah.
"As if that's so easy, huh? I'm not into pranks!"
"Use your head dumbass! You're a Mettienzo!" He sounds sarcastic but his devilish smile never fades! "Or maybe, I'll just call your brother Leevan to clean up this mess you made so it will be easy for you to get out of this crap!"
"No!" Automatic na namilog ang mga mata ko sa sinabi niya! "I-I'll do it, okay?!"
"Ge."
"What?"
"Ang sabi ko, 'Sige..'" Tumatawang anas niya at marahang tinulak ako palabas ng terrace.
Ramdam ko ang pagbagsak ng mga balikat ko habang salubong ang mga kilay na ginala-gala ang paningin sa buong park. I never imagine na gagawin ko ang ganitong klase na trip. Bumuntong hininga ako nang wala akong makitang target at mukhang mahihirapan pa akong maghanap. Napanganga pa ako nang bahagya dahil hindi ko inaasahang mas maganda pala ang park na to kapag takip-silim na at bukas na ang mga naggagandahang lanterns.
Sa kalilibot ng mga mata ko ay may nahagip ang paningin ko, isang babaeng naglalakad. Kumunot noo ko at sinundan siya ng tingin at batid kong bagsak ang mga balikat niya dahil sa slouch posture niya. Tinungo niya ang fountain kung saan iilan na lamang ang mga taong dumadaan.
'This park is seems made for couples. Why is she alone?'
I shrugged off my thoughts. Ano ba'ng pakielam ko?!
Bahagyang pinasingkit ko pa ang mga mata ko para lalo siyang makita nang makaramdam ako ng kakaibang kaba and I don't know why. The surroundings felt eerily off. Hindi naman ako naniniwala sa mga multo pero very unusual ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Everything seemed to slow down nang makita ko ang babae na nanlulumong umupo sa fountain as if she's so tired after a long day and I know she's crying dahil sa paggalaw ng mga balikat niya. My eyes automatically locked onto her, unable to look away.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kinaroroonan niya but I stopped suddenly when I heard her sobbing.
'She's really crying at this f*****g place. What an ugly coincidence?'
Gusto kong maawa sakanya but the word 'pity' is not in my vocabulary. I never pity someone lalo kung sa ganitong dahilan. I can't say that she's my target but my legs carried me to her instinctively.
Nakatayo na ako sa harap niya at batid kong hindi pa niya ako napapansin dahil abala pa rin siya sa pagsinghot at pagpahid ng likod ng palad niya sa mukha niya na basang basa na ng mga luha. Bahagya akong yumuko para silipin ang mukha niya pero natatakpan iyon ng mahaba, medyo blonde, at magulong buhok niya. Simpleng checkered top ang suot niya na sa tingin ko ay nagsisilbing pang ibabaw niya dahil nililipad pa ang laylayan nito papunta sa likod niya dahilan para makita ko ang puting pang ilalim niya. I admitted that she's beautiful despite of being so simple. Ramdam ko ang kaba bagamat presko akong nakatayo sa harap niya at nakapamulsa habang pinapanuod siya. I looked at my expensive watch to check the time when suddenly...
Literal na namilog ang mga mata ko nang mabilis siyang tumayo at hinarap ako!
'The hell?! How can she move that fast?'
Bahagya akong natigilan dahil hindi ko na makita ang anumang bakas ng pag iyak sa mukha niya! Napaisip tuloy ako kung siya ba yung umiiyak sa harap ko kanina dahil parang wala akong mabakas na kahinaan ngayon sa aura niya!
To be continued...