Continuation...
Aulus' POV
WTF?!'
Nakatingin lang siya sa akin at bakas ang pagtataka at inis sa mukha niya! Mas lalong hindi ako nakapagsalita nang lumitaw ang mamula mulang pisngi niya at ang matangos na ilong niyang sumisinghot nang hawiin ng malakas na hangin ang buhok niya papunta sa kanyang likod.
"Anong ginagawa mo'ng talipandas ka? Kilala ba kita?" Ang boses niya na parang hindi pambabae sapagkat matikas ang dulo ng bawat salita.
Pinagpag niya ang suot na kupas na pantalon sa likod at matapang na hinarap ako. Tumingin siya sa mga mata ko na puno ng pagtatanong. I guess she don't know who I am because no one dares to look at me like that, I swear. But it doesn't bother me dahil alam ko sa sarili ko na, na siya ang perfect target ko dahil hindi naman niya ako kilala. Hindi ako mangangamba na ipagkakalat niya anuman ang gawin ko sakanya dito ngayon.
"Tinatanong kita. Anong ginagawa mo? Pinapanuod mo ba ako? Magsalita ka gunggong!" Medyo lumakas na ang boses niya pero batid ko ang pag garalgal no'n dahil hindi maayos ang tono sa pandinig ko.
'At, ano daw? Did she just called me gunggong?'
"Did you just call me 'gunggong'? Do you want to die now so your suffering can finally end?" maangas na tanong ko pero hindi bakas sa ekspresyon niya ang pagkatinag. I guess she really don't know who I am. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig lang nang masama sa akin na parang ang dami niyang iniisip tungkol sa akin.
Nilabanan ko ang masamang titig niya but my forehead creased when I saw the small amount of tears starting to fall from her eyes pero kunot ang noo niyang pinahid ito.
"You stupid lady, give me your bag." Sa wakas ay nasambit ko. Sinikap kong hindi mautal at nang mapansin ko ang cheap tote bag niya sa balikat niya ay mabilis ko sana itong hahablutin, ngunit natigilan ako nang mabilis niyang kinuha ito at pabatong ibinigay sa akin! What the hell?! Sa gulat ay hindi agad ako nakapag react at namalayan ko nalang na yakap ko na sa dibdib ko ang bag niya.
"Oh! Sayo na!" Malalim ang tinig na sabi niya at mabilis akong tinalikuran! Sunod sunod akong napamura sa utak ko dahil hindi ganito ang inaasahan ko!
Napahawak ako sa bahaging dibdib ko na tinamaan ng bag dahil ngayon ko lang namalayan na masakit yung ginawa niya! Tuloy-tuloy siyang naglakad palayo sakin pero sinundan ko siya. "You, b***h! You'll pay for this!" Pikon na sabi ko at muli naman akong nagulat nang mabilis niya akong lingonin. Bahagya pa akong napaatras nang magtama ang mga mata namin at nakita ko ang luhaan niyang mga mata. She's crying uncontrollably and I couldn't bear the anguish in her gaze as she stepped forward towards me.
"Ano?! Kulang pa?! Ano pa gusto mo? Eto?!" Mabilis niyang tinanggal ang kwintas mula sa leeg niya at ibinigay sa akin ngunit mas lalo akong nagtaka sa sarili ko nang tanggapin ko rin ito!
'Why I am doing this? Stupid!'
"Eto pa!?" She also took off her ring and gave it to me! "Tapos eto pa?!" Hinubad din niya ang kahuli hulihang gamit sa katawan na sa tingin ko ay isang gold bracelet at pabatong ibinigay sa akin.
Hanggang sa unti unti kong nakita ang tuluyang paghagulgol niya ng parang isang batang inagawan ng kendi at hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagpapanic ng hitsura niya.
"A-ano?! Kulang pa rin?! Anong g-gusto mo pati sarili ko ibigay ko sayo?! H-hindi naman pwede yon!" Sigaw niya at animo'y nanunumbat at ako yung taong sinasabihan niya "Sabihin mo naman sakin, a-ano ba'ng kulang?! Saan b-ba ako n-nagkulang ha?!"
'What the hell?!'
"Miss--" I tried to stop her pero mas lalong lumakas ang iyak niya and I realized that she's really making a scene here at this f*****g place! If this is a real coincidence, I want to disappear right now! "Can you stop crying?! You're so annoying! Don't you feel ashamed? People are staring at us!"
Napalingon ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay maraming mata na ang nanunuod sa amin, and this is not good!
"Hala si ate umiiyak!"
"Wag na kayong tumingin dahil normal yan sa mag jowa na nag aaway."
"Baka nahuling nagcheat?"
"Baka nagbreak na sila.."
"Hindi, baka closure yan.."
"Baka kabit siya ni pogi or nahuli niyang may kabit si pogi."
"Kawawa naman si ate. Baka niloko yan ni kuyang pogi kaya ganyan."
"Hays, mga lalaki talaga manloloko!"
"Oo nga! Hindi mo talaga makikita sa hitsura na cheater sila. Sabagay, gwapo naman kasi talaga si kuya oh!"
"Ano ka ba, sa panahon ngayon kahit chaka nagloloko, yung ganyan pa kayang kagwapo?"
I shrugged, doing my best to wash away the crude words they'd used against me from my mind. Pasimpleng iniwas ko ang mukha ko sa direksyon nila sa takot na baka makilala nila ako. Their accusations are so outrageous
'Jowa? closure? Manloloko? And what is kabit and chaka?! Aarrgh!'
Inis akong tumingin sakanila dahil sa mga sinasabi nila. How dare these narrow-minded people judge others purely through their own biased lens? She's definitely not my type! Stupid people!
"Ganyan naman kayo di ba?! Binigay na lahat kulang pa rin!" Nakadurong sabi pa niya sa akin at wala talaga akong maintindihan sa nangyayari! Paano ba'ng napunta sa ganito ang dapat na plano ko?! Bullshit.
Binitiwan ko ang mga gamit na hawak ko at inis na tumitig sa kanya. Sa nakikita ko kasi ay mukhang wala siya sa sarili. Takas ba sa mental to at napadpad lang dito? I don't know and I don't have a f*****g plan to know because who the f**k cares?!
"Can you stop crying?! I don't know who the f**k you are! Why the hell you keep blurting out some words I don't know?!" I yelled on her face. "Can we just--"
"Ano?! Pwede bang makipaghiwalay? Pagkatapos niyong kunin ang lahat hiwalay na?! Hayop ka!" malakas na sigaw niya na nagpatigil sa akin.
'Did she just called me hayop?'
"Shut your f*****g trap." Marahan ngunit gigil na sabi ko sa mukha niya dahilan para manlambot ang ekspresyon niya at lumamlam ang mga mata. "Look, I don't know who you are and I don't give a damn about what you're going through! And one more bad word from you, I won't hesitate to slit your throat!" pasigaw na dagdag ko dahilan para siya'y lalong manlumo.
"Narinig ko na yan.." parang wala sa sariling sambit niya habang nakatingin sa mga mata ko. Ang sakit sa mga mata niyang parang natuyo nalang sa luha ang tanging nakikita ko sa mukha niya. Binalewala ko iyon dahil wala akong maramdamang awa para sa kanya.
I took the wallet from my pocket and pulled out some money. I didn't bother counting it because the amount is never matter to me. I slipped it into the pocket of her coat and give her a reassuring look to convey that we will never cross paths again. Hindi niya yon tiningnan dahil nanatiling nakapako ang mga mata niya sa mga mata ko.
"That money is more than enough for the value of your trash." Pang iinsulto ko at isinenyas ang bag niya. "Now, get lost--" hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay mabilis na niya akong tinalikuran at nagpalakad palayo. "Bastos.." Nagulat man ay nakahinga rin ako nang maluwag. Daig ko pa nabunutan ng tinik sa lalamunan habang pinapanuod ang paglayo niya.
She almost drained my energy that I almost forgot that I'm still standing while watching her walking away from me like we're a couple who just broke up and now separating our ways.
'What the hell I am thinking?!'
I felt a sudden weirdness to myself but she's more completely effin' weird.
Luminga-linga pa ako but I only see couples playing and walking around. Where the hell did she go? Bukas na halos ang lahat ng lanterns at kung titingnan ay mangilan-ngilan nalang ang tao ang narito. Halos ilang minuto na ang naubos sa pagtayo ko at hindi ko manlang naramdamdaman ang pangangalay. Pabagsak akong umupo atsaka tumingin sa mamahaling relo ko. Passed six o'clock na ng gabi at mukhang wala pa akong balak umuwi. Pakiramdam ko pagod ako pero di ko naman pwedeng tawaging pagod nga ang nararamdaman ko. Ewan, naguguluhan ako.
Tiningnan ko ang hawak kong bag na pagmamay ari nung babaeng baliw at nginisihan iyon. I didn't expect that this would be so easy.
'Pero nasaan na kaya yon? Bakit hindi manlang niya naisip na balikan ang gamit niya?'
I shrugged
'Bakit ba naghahanap pa ako?! Tsh! Kung tutuusin ay hindi ko naman siya responsibilidad! O baka nga baliw talaga yun?! Sino ba naman ang tangang gagawa ng ganon?! Kusang binigay ang gamit sa holdaper? Expected ko pa naman na ipaglalaban niya nang patayan ang gamit niya pero kataka-takang bag lang ang kinuha ko eh, lahat na binigay niya! At tinanong pa kung pati sarili niya ay ibibigay niya?! Ano siya, babaeng bayaran?! Baliw nga talaga!'
"Dude!"
Nilingon ko ang pamilyar na boses ni Cheleo. Parang bata siyang tumatakbo sa direksyon ko.
"How's the 'punishment'?" nakangising tanong niya pagkalapit.
"Easy as pie." preskong sabi ko sabay tayo at pagpag ng pants ko. "Madilim na. Let's go."
"So ano, wala ba'ng kwento diyan?" Pangungulit niya while blocking my way. Nginisihan ko lang siya habang umiiling.
"Your lips called. They need a break." Kaswal na sabi ko sabay hawi sakanya na para siyang isang kurtinang nakaharang sa daan.
"Ay hala siya.. Ang damot!"
Nagpauna na akong maglakad dahil bigla akong nakaramdam ng pagod. Panay parin ang pangungulit niya hanggang sa makasakay kami sa kani-kaniyang sasakyan namin.
To be continued...