Chapter 2: Part Two: The Mettienzo Brothers

1790 Words
Continuation... Aulus' POV Ramdam ko pa rin ang panghihina ng mga tuhod at panginginig ng mga kalamnan ko pero ni minsan ay hindi ko naisatinig ang sakit na nararamdaman ko. At alam kong hindi ito pisikal na sakit na nakasanayan ko mula pagkabata sa tuwing may nakakaaway ako. Isang sakit na hindi ko maipaliwanag. Kung minsan ay nagtataka pa ako sa sarili ko kung manhid na ba ako o sadyang gusto ko lang asarin ang kapatid ko. "Sinabi na kasing wag ka ng sumagot pa sa kuya mo, ang tigas ng ulo mo, ayan! Nabalikan ka pa tuloy." Sermon ni Carren nang maiupo niya ako sa malambot kong kama. "Maghintay ka riyan at kukuha lang ako ng yelo." Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa sahig. Hindi nagtagal ay bumalik siya dala ang first aid at icepack. Masama ang tingin na iginawad ko sakanya dahilan para mapahinto siya sa ginagawa. "Ano nanaman yang tingin mo'ng yan? Baka nakakalimutan mo na sanay na ako sa mga ganyang tinginan mo at hindi ako natatakot sayo." Parang kinakausap niya ang sarili habang tinatanggal ang sapatos at medyas ko. "Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya gano'n kahigpit sa akin. Masyadong pabida, at nakuha pa niyang pagbantaan ako, akala siguro niya natatakot ako sakanya." Nakasimangot na sabi ko patungkol kay kuya at inis na inagaw kay Carren ang icepack at dinampi ito sa gilid ng labi ko. "Concern lang sayo ang kuya mo. Sana naiisip mo rin na lahat ng ginagawa niya ay para lang din sayo. Sa ikabubuti mo.." puno ng pang unawang si Carren na kasalukuyang nililigpit ang mga ginamit niya. "You're on his side again, Carren. Ako na nga to'ng sinaktan niya, tapos siya pa rin ang tama? Kung sabagay, he's always your favorite." Sarkastikong sabi ko at parang hapong-hapo naman siyang hinarap ako bagamat hindi ko naman alintana sa mukha niya ang pagod. "Alam mo Aulus, kahit kailan wala akong kinampihan sa inyong magkapatid katulad ng palagi mo'ng sinasabi. Pero ang kuya mo, wala siyang intensyon na saktan ka.. Oo mali na sinaktan ka niya ng pisikal pero sa dami ng balitang nakarating sakanya sa loob ng tatlong taon na nasa sa US siya, hindi mo siya matatawag na kuya at kapatid kung palalampasin lang niya ang mga kalokohan mo.." Kung ganon ay nakarating pala sakanya lahat ng ginawa ko. Hindi malabong makarating sakanya yon sa dami ng tauhan niya dito sa pinas na nagsilbing mga mata niya para pabantayan ako. Pero kahit na! Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangan pa niyang makielam samantalang may sarili naman siyang buhay at mukha namang hiniwalay na niya ang mundo niya sa mundo ko mula nung pinalitan niya si dad bilang tagapamahala sa mga negosyo namin sa loob at labas ng bansa. Sumobra na nga siya sa talino at yaman at halos nasa kanya na ang lahat, pati ang tiwala ni dad at mom pero nakukuha pa rin niyang pakielaman ang buhay ko. 'Ibang klase ka talaga Leevan.. Hindi ka na nakuntento!' "Kailan pa siya nakabalik?" Maya maya ay tanong ko kay Carren. "Dalawang linggo na ang nakakalipas pero kaninang hapon lang siya nakauwi dito sa mansyon.." "Bakit pa siya bumalik? He's too busy to mind other's businesses here. Bubwisitin lang ako niyan at magdamag sesermonan! Sasabihin ko kay dad na paalisin siya dito." Nakadekwatrong sabi ko sabay hagis ng icepack sa maliit na planggana na kasalukuyang hawak ni Carren. Binalewala ko naman ang inis sa itsura niya sa ginawa ko. "Kayo ba talagang magkapatid ay hindi na magkakasundo?" tanong niya na umaasang mag iiba ang sagot ko sa usual na sagot ko sa tuwing tatanongin niya ako tungkol sa alitan namin ni kuya. Umiling ako at pabagsak na humiga sa kama. 'Napakawalang kwentang tanong..' "I'm tired Carren. Wag mo na ko tanongin lalo kung tungkol yan sa kapatid ko dahil alam mo na ang sagot ko. Get out." malamig na sabi ko at rinig ko naman ang pagbuntong hininga niya pero hindi ko siya pinansin. Ipinikit ko ang mga mata at muling nagmulat nang maramdaman kong ako nalang mag isa sa kwarto Kinuha ko ang phone ko at nag dial ng number Calling Claudius Rassmuzen.. [Hello? Claudius speaking..] as usual ay pormal nanaman ang bungad niya. "What's with the formality?" I asked in a bored tone. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya "It feels like I'm talking to a colleague, not a friend." [What's got your goat? Did something happen?] "Yeah, but I don't have time to talk about that on the phone. I just want to drink and talk." [ At this hour?] "Let's just meet at your bar." [Yeah, see you!] Hindi ko na siya sinagot at mabilis na tinungo ang shower room. At exactly ten o'clock ay tapos na ako. Mabilis kong tinungo ang kotse ko at umalis and after fifteen minutes ay narating ko na ang isa sa mga exclusive cocktail bar sa buong Pilipinas na pagmamay ari ng isa sa matalik kong kaibigan. "Hey..hey.." Sinalubong ako ni Claudius na mukhang sinadya akong hintayin sa entrance palang ng bagong bukas niyang bar "Welcome to Gold of Aces!" He gave a fist bump and smiled genuinely. That's Claudius Rassmuzen, the 'Mr. Nice Guy' of Four Aces. He has a playful aura but also heartfelt gestures that's why he is loved by many. I let my gaze wander around the entire bar, and I couldn't help but be utterly amazed. From its sophisticated design to its premium amenities, this isn't a merely high-end establishment. It transcends the very definition of luxury. Perfect "This bar is so cool." Papuri ko pa habang naglalakad kami papuntang private area that exclusives for VIPs. Inakbayan ako ni Cladius at iginiya papasok ng VIP lounge. "Great ambiance.." "Thank you. Well, Armageddon is really a skilled high-end interior architect." He said it proudly, without sounding boastful. "Good evening gentlemen!" isang chic ang sumalubong sa amin sa loob ng VIP lounge na may dalang menu. "Whew!" I couldn't help but whistle admiringly when I saw her perfect curves. "Hi, Celeste!" Si Claudius na lumapit sa akin at nakangiting inakbayan ako "This is my best of friend, Aulus." pagpapakilala pa niya sa akin bagamat batid kong kilala ako ng waitress niya. Hindi naman ako artista, isang modelo o influencer, pero dahil ako si Aulus, ay kilala ako ng marami "And Aulus, this is Celeste, one of my professional staffs here and she's also my right-hand woman. If you need anything, just call her." "Hi sir Aulus! It's nice to meet you and welcome to Gold of Aces!" magiliw na sabi ni Celeste at nginitian ako. "Hi, beautiful." Kaswal na tugon ko sabay kindat. Halatang nagulat siya sa ginawa ko dahilan para pasimple akong siniko ni Claudius na pinili kong wag nalang pansinin. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mabilis na pamumula ng mga pisngi ni Celeste at biglang pagiging conscious sa kilos niya. This is the effect I have on women, and it's etched into my name. 'Yeah, the one and only Aulus Grey Mettienzo..' Tinanggap ko ang menu nang hindi inaalis ang mga mata sa perpektong mukha niya dahilan para mas lalo siyang makaramdam ng pagkailang. The truth is, I can't explain the satisfaction I get when I know a woman is uncomfortable around me. It's like a game to me, watching them become self-conscious, and it brings me pleasure. "Have a seat gentlemen.." Iginiya kami ni Celeste paupo sa couch. "Thank you." Anas ni Claudius na naunang umupo. Pasimple niya akong sinamaan ng tingin pero hindi ko pa rin iyon pinansin at naupo nalang habang nakatingin kay Celeste na nakatayo lang sa gilid namin. "This is our Curated Beverage menu, w-we offer..uhmm.. personalized drinks based on your preferences and y-you can also choose on our top-shelf liquors imported from Spain and Europe." She sound so nervous but still act professional and I want to laugh out loud. "Give me the most expensive Spanish wine." I asked without taking my eyes off her nang hindi rin tumitingin sa menu. "And t-this is also our Gourmet menu. We offer food based on your preferred diet-" "The hell with these menus when you're the perfect choice I want to taste?" My teasing question triggered her to stop from talking at nasundan 'yon ng pagkagulat. From the corner of my eye, I caught the shift in Cladius' expression. I know he's getting mad. "Kidding, just give me the most expensive one." pigil ang ngiting dagdag ko. "A minute..sir.." she said in her most casual tone but couldn't hide the stammer in her voice and she's obviously moving in panic. "You're seriously crazy, you know." Claudius said plainly then I chuckled from the way he stared at me while shaking his head in disbelief. "She's a complete package chic. What's the score?" mapanuksong tanong ko at kumunot naman ang noo niya. "What the hell are you talking about?!" he asked uncomfortably, trying to brush some unwanted words on his mind. "Come on.. para ka namang bago niyan." I frankly said at napailing naman siya ulit. Isinandal niya ang likod sa malambot na sandalan ng couch bago ako seryosong nilingon. "Hindi ako katulad mo." "So, she's not your type?" Nakangising pang uusisa ko. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ng coat ko at sumama lalo ang tingin niya sa akin nang kumuha ako ng isa at sinindihan yon. "Maybe.." Parang walang interes na sagot niya sabay kuha ng sigarilyo sa bibig ko at walang pakundangang tinapon ito sa mamahaling sahig. Tinapakan niya ito hanggang sa mawala ang usok at sindi nito. "What the hell?" I bit back an annoyed question. "You probably already know how much I can't stand the stench of cigarette smoke." He flashed the seriousness on his face bago muling sumandal sa couch na parang walang nangyari. "Anong problema mo?" Kaswal na tanong ko. "Ako dapat ang magtanong sayo niyan. What the hell is your problem at pati staff ko ay pinagtitripan mo?" Umalis siya mula sa pagkakasandal at hinarap ako nang mas seryoso. Saglit akong napaisip at bumuntong hininga. Ayoko sanang sagutin siya dahil ayoko lalong madagdagan ang galit ko at mas gugustuhin kong uminom nalang para panandaliang makalimot sa nangyari pero naisip ko din na wala naman masama kung iku-kwento ko ang nangyari dahil kaibigan ko naman siya. "Well, Leevan has returned from US, and our sweet reunion didn't go well." ramdam ko ang pagguhit ng inis sa mukha ko nang sabihin ko ang mga salitang hindi ko naman na sana nais banggitin pa. "Ah.. So siya pala ang gumawa sayo niyan.." Pigil ang tawang sinenyas niya ang pasa sa gilid ng labi ko. "Deserved." Dagdag niya na lalong nagpasalubong ng mga kilay ko. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD