Chapter 4 Part Three | The Devil's Deal

1918 Words
Jaira's POV (continuation..) "Ano ba kayo? Pwede ba, huwag niyo ngang banggitin 'yung taong 'yon," kalmado kong sinabi, pero ramdam ko ang pagguhit ng inis sa mukha ko. "Hindi na nga kami nag-uusap, ang tagal-tagal na at halos ilang taon na ang lumipas, tapos bigla niyo na lang babanggitin." Tinalikuran ko sila at mabibigat ang hakbang na naglakad papuntang bench malapit sa gate ng university. Maingat kong nilapag ang tuta sa bench katabi ko, para bang ito na lang ang kaisa-isang bagay na hindi ako kayang saktan. Kinuha ko sa bag ang tinapay na binili ko sa bakery kanina, pinira-piraso, at dahan-dahang pinakain sa tuta. May maliit din akong lalagyan ng tubig na laging nasa bag ko, nilagyan ko ng kaunti at inilapag malapit sa kanya. "Nagbibiro lang naman kami eh. Tsaka, bakit ba kasi affected ka? Move on na ba talaga?!" tanong ni Chili na nakasunod pala sa akin. "Move on? Ang dali-daling sabihin, pero ang hirap gawin, lalo na kung ang dahilan ay yung taong akala mo mamahalin ka, pero gagagohin ka lang pala," halos pabulong kong sagot, hindi inaalis ang tingin sa tuta na mukhang sarap na sarap sa tinapay. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, at kahit anong pigil ko, may mga nagbabadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. 'Ang sakit pa rin kung iisipin..' halos hindi ko na mapigilang sabihin sa isip ko, habang pilit na binubura ang mukha ng lalaking minahal ko sa isipan ko. Yung lalaking matagal ko nang hinihintay. Pero sadyang ganito na siguro ang ending naming dalawa. Biglaang nawala, parang bula. Walang pasabi, walang kahit anong clue. Para akong iniwan sa ere, nagtatanong kung saan ako nagkulang, kung bakit kailangan niya akong iwanan na parang walang nangyari. Yung dating sayang nararamdaman ko nung kasama ko pa siya, napalitan ng isang malaking 'Bakit niya ako iniwan?', isang tanong na baka hindi na masagot kahit kailan. Ang sakit lang kasi, parang hindi ako naging worth it para sa kanya. Sa sobrang lalim ng lungkot na nararamdaman ko, halos malunod na ako, kaya naman nagpasya na akong tumayo at binitbit yung tuta. "Tara na, baka ma-late pa tayo sa susunod na klase," "Teka, saan mo balak dalhin 'yan?" tanong ni Chili habang tinitingnan yung tuta na may pagtataka. "Sa loob ng school," sagot ko. Umiling naman si Pola, halatang nag-aalala. "No pets allowed, Jai," paalala ni Pola na ikinadismaya ko. "Ay, oo nga pala," malungkot kong sabi at nag-isip ng paraan. Nagkatinginan kaming tatlo, naghahanap ng solusyon sa problema. "Sige, dito ka muna sa bag ko," sabi ko sabay lagay nang marahan ng tuta sa loob ng bag. "Wag kang maingay ha, promise mo 'yan," bilin ko pa sa tuta at bahagyang sinara yung zipper ng bag para makahinga siya. "Nababaliw ka na ba? Baka mapahamak tayo niyan kapag nag-ingay 'yan sa loob," sabi ni Chili na nakakunot ang noo. "Edi magpanggap ka na ikaw yung tumahol. Sabihin mo kinakagat ka ng lamok," nakangising sagot ko sa kanya, dahilan para mapangisi rin siya. "Wow, ang galing mo talaga noh? Ginawa mo pa akong aso. Talino mo sa part na yan, girl," sarkastikong sabi niya sabay akbay kay Pola na bumubungisngis na sa kakatawa. Sabay-sabay kaming naglakad pabalik sa campus, pero bago pa man kami makapasok sa classroom, may humarang na naman sa amin sa hallway. 'Jusko, ano na naman 'to? 'Anong trip yan? Abangers?' Pasimple akong tumawa dahil sa itsura nilang tatlo na mukhang sinadya pa kaming abangan. Kung para sa iba ay cool silang tingnan, para naman sa akin ay hindi. Sa paningin ko, para silang mga traffic enforcer sa EDSA in a 'Privileged Trio Punks' version-yung tipong huhulihin ka kahit wala kang violation. "Umay naman... katatapos lang kumain, magugutom na naman ako sa pag-aaksaya ng oras para harapin ang mga nilalang na 'to, magkano ba ang TF niyo?" bulong ko habang kinakamot ang sintido ko na parang nag-iisip ng mathematical equation, na mukhang narinig ni Chili dahil pasimple din siyang tumawa. Yumuko ako saglit para humugot ng hininga, at nang iangat ko ang ulo ko, nagtama ang paningin namin ni Aulus. Seryosong-seryoso ang mukha niya na parang humaharap sa isang hearing sa korte, habang nakapamulsa at diretsong nakatingin sa akin na parang ako ang nasasakdal. Eme! Gumawi naman ang tingin ko kay Cheleo na may pang-asar na ngiti na para bang alam ang lahat ng sikreto ko. Naka sideview na nakasandal siya sa pader at nakakrus ang braso na parang artista. At si Brucewell, na mukhang hindi gusto ang ginagawa. Para bang mas gusto nalang niyang matulog kaysa makita ang pagmumukha naming tatlo. Nakakrus din ang mga braso niya habang bagot na bagot na pinagpapalitan ng tingin ang mukha naming magkakaibigan, na para bang kami ang pinakapangit na tanawin sa buong campus. Seriously? Napataas ang kilay ko at pasimpleng tinago ang backpack ko sa likod ko. 'Hindi kaya, yung tuta yung sadya nila? Mariin akong napapikit sa naisip! Damn it, Jai. Bakit ba ang malas ng first day mo? Parang sinumpa!' Kasasabi ko lang na iiwasan namin siya, pero heto siya ngayon sa harap namin at mukhang trip na naman gumawa ng eksena. 'Pambihira!' Hindi ako papayag na basta na lang niya kaming pagtripan. Inayos ko ang sarili ko at huminga nang malalim. "Anong kailangan niyo?" diretsahang tanong ko na may kalmadong boses. "Kung wala kayong magandang sasabihin, baka pwede niyo na kaming padaanin?" Mahina siyang tumawa si Aulus na parang isang baliw, isang tunog na pwedeng magpataas ng balahibo ng sinuman pero hindi ako nagpatinag. Humakbang siya palapit sa akin at bahagyang yumuko, dahilan para magpantay ang mga mukha namin. 'Feeling ata nito nakaka-attract yung ginagawa niyang paglapit-lapit nang ganyan. Isa kang malaking hangal!' Sa sobrang lapit niya, halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya. "Ano na naman ba 'to?" boryong tanong ko habang nilalabanan ang mga mata niyang punong-puno ng inis, at pagkadisgusto sa pagkatao ko. Pakiramdam ko ay ang laki ng galit niya na isinilang ako sa mundo, at nakakatawang isipin na nag aaksaya siya ng oras sa akin. "Ano?" tanong ko pa, pero sa halip na sumagot ay nag iba ang ekspresyon niya. Ngumisi siya at mayabang na umayos ng tayo dahilan para tumangkad nanaman siya sa paningin ko. Anong binabalak ng gagong 'to? "You and you... Get inside..now." utos niya habang nakaturo kina Chili at Pola. Ang awtoridad sa boses niya ay talaga namang nakakainis sa pandinig. "At sino ka naman para sundin namin?" mataray na tanong ni Chili sakanya, dahilan para hawakan ko ang braso ng kaibigan ko senyales ng pagpapaalala sa napag-usapan namin kanina. Operation: Iwasan si Aulus! "Haays! Okay, fine... Eh paano ka?" taas ang kilay na tanong niya sa akin, halatang nag-aalala kaya naman binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing okay lang ako. Wala naman siyang nagawa dahilan para nakasimangot siyang tumingin sa tatlong pinakapangit na tao sa paningin namin at inirapan sila. "Wow, ang taray. I like that," dinig kong pang-aasar ni Cheleo sa kanya, na lalong nagpasimangot sakanya. "Talaga, like mo? Kwento mo sa pagong, panget!" "Woah! Angas! Gusto ko yan..gusto ko yan!" "Please, wag na kayong gumawa ng gulo..." may pagmamakaawang sambit ni Pola habang nakatingin sa tatlong hangal. Ramdam ko ang kaba niya sa bawat tingin niya. "As if we have time for that?" nakangiwing sagot naman sa kanya ni Brucewell, na para bang mas importante pa ang oras nila kaysa sa abalang ginagawa nila sa amin. Aba matindi! "Baka may sasabihin lang," sabi ko kay Chili, sabay sulyap kay Aulus. "Okay lang ako..." dagdag ko sabay tingin kay Pola Bumagsak yung mga balikat ni Chili at bumuntong-hininga na parang sumusuko tapos padabog na naglakad papasok sa room. Pero bago pa man siya tuluyang makapasok ay sinadya pa niyang banggain si Cheleo, na tumatawa lang at sinundan siya ng tingin na parang nang-aasar pa. Sumunod din si Pola, pero bago siya pumasok, tumingin muna siya kay Brucewell na parang hangin siyang dinedma. Nang makapasok ang mga kaibigan ko ay nagsalita ako sa mahina ngunit sa madiing paraan "Anong maipaglilingkod ko, mga mahal na prinsipe?" pinagkrus ko ang mga braso at sarkastikong tiningnan ang nakakabanas na mukha ni Aulus. "Sabihin mo na! Wala akong oras para sa mga kalokohan niyo, mag-uumpisa na ang klase!" Gulat akong napaatras habang nanlalaki ang mga mata nang sunod-sunod siyang humakbang palapit sa akin. Bago pa man ako makaiwas, naitulak na niya ako sa pader at ikinulong sa mga braso niya, nakalapat ang parehong siko niya sa pader sa magkabilang gilid ng ulo ko. 'Shet, bakit ang bilis niya?!' Hindi ako makagalaw sa pagkagulat. Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko at ang bilis ng t***k ng puso ko na halos marinig ko na. "Ano ba'ng ginagawa mo?" Inis kong tanong, halos mapunit na ang lalamunan ko sa inis. Pero ang sagot niya lang ay isang ngisi-isang nakakapangilabot na ngisi. Umawang ang dibdib ko. Para akong naipit sa pader nang mapansin kong nagpapalit-palit ang tingin niya sa mga mata ko, pababa sa labi ko, na para bang may binabalak siya na hindi ko gugustuhin. "Umalis ka nga sa harapan ko! Ano feeling mo nakakakilig ka?" "That's it! That's one of the things that makes me absolutely furious every time I look at you! You're so disrespectful, and you don't even have a clue who you're dealing with!" Mahina ngunit madiing sabi niya sa mukha ko. Kitang-kita ko na ngayon ang galit sa mga mata niya, pero hindi ako nagpapatinag. 'Hindi ako magpapatinag sa'yo, Aulus. Kahit gumawa ka pa ng kababalaghan diyan!' "Bakit ikaw? May respeto ka ba sa iba? Kung gusto mo'ng respetuhin ka, respetuhin mo rin kami! Pare-parehas lang tayong tao, Aulus!" Tumindig ako at tinitigan siya nang diretso sa mga mata. 'Hindi ako katulad ng iba na kaya mo lang takutin. "I've never seen people like you as anything more than garbage..." Nanlilisik ang mga mata niyang punong-puno ng panghahamak. Kung makatingin siya, akala mo kaya niya akong paliyabin gamit lamang ang kanyang mga mata. "Hindi ko na problema 'yon! Lumayas ka sa harapan ko at padaanin mo 'ko!" Puno ng pagbabanta ang boses ko, at akmang itutulak siya paalis sa harapan ko nang bigla niyang hablutin ang pulsuhan ko at ibitin ito sa ere. Napaigtad ako sa sakit dahil napupwersa ang braso ko "Aray! Ang sakit! Bitiwan mo ako!" "Talagang masasaktan ka! I'll never baby someone like you!" Tiningnan niya ang kabuoan ko na animong diring-diri "You think you're brave, huh? Well, let's see how far that bravery gets you..." Nakangisi sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko. Malakas ang pakiramdam ko'ng may binabalak siyang masama. Nataranta ako nang hilahin niya ako palabas ng hallway. "Ano ba?! Bitawan mo ako, hayop ka!" Bulyaw ko sa pagmumukha niya, desperadong makawala sa mga bisig niya na parang bakal na pumipigil sa akin. Pero hindi man lang siya natinag, para bang isa lamang akong muskitong pilit na lumalaban sa isang elepante. "Gago ka talaga, ano? Anong ginawa ko sa'yo, para gawin mo sa akin to, ha? Tigilan mo na 'to!" Inis na sabi ko pero imbes na sagot ang matanggap ko, ay isang malamig na tingin naman ang iginawad niya sa akin. Pagkatapos, walang emosyon siyang tumingin sa dalawang indiong nakasunod sa amin, na para bang naghihintay ng utos. 'Talagang wala man lang silang gagawin? Mga duwag! Mga walang bayag!' Gusto kong sumigaw, gusto kong humingi ng tulong, pero ang tanging nagawa ko lang ay ang magpatuloy sa pagpupumiglas, umaasa sa isang himala na sana'y may dumating at iligtas ako mula sa baliw na lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD