Chapter 2 Part One: The Return

1350 Words
Aulus POV Isang oras din ang byahe bago ako nakauwi sa Mettienzo McMansion. Kay mom and dad ang luxurious mansion na to and I've been living here for six years. My parents are both multi-billionaire tycoon and they are very influential. I have everything to say that my life is perfectly perfect. I’ve never wanted anything I didn’t get. They say, ‘Money is the root of evil,’ but I don’t care. I have everything in the world because I was born wealthy. "Good evening young master! Maupo na po kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Si Carren na personal maid ko ang unang lumapit sa akin sa bungad palang ng pinto upang kunin ang hawak kong bag pero natigilan siya nang tingnan ko siya nang masama. "I didn't ask for your help, bitch." Malamig na sabi ko bago siya tabigin nang hindi manlang inisip na maaari siyang matumba "Get lost and don't bother me." "I-ipaghahanda ko po kayo ng pagkain--" "Bingi ka ba? I didn't even ask for food. Can you just mind your own f*****g business? 'cause I don't like seeing your face and other maids roaming around lalong lalo na kapag nandito ako!" "Y-yes young master, sorry--" "HEY!" Natigilan ako at marahang nilingon ang may ari ng baritonong boses na halos hindi nalalayo sa paghahalintulad sa boses ko. Parehong pareho maging ang ritmo nito and I know whose voice that is. Blangko ang mukhang hinarap ko siya at isang suntok sa sikmura ang biglang nagpaigtad sa akin. Automatikong nanghina ang mga tuhod ko dahilan para mawalan ako ng balanse at mapasandal sa pader. Nandilim ang paningin ko at ramdam ko ang hilo sa bawat paggalaw ng ulo ko. Napasigaw naman si Carren sa pagkabigla at astang tutulungan ako pero hindi na kataka-taka ang pag atras niyang bigla na animo'y may isang senyas na pumigil sakanyang tulungan ako. Bumagsak ako nang tuluyan sa sahig at doon ko ninamnam ang sakit na bumalot sa katawan ko na halos kaposin ako ng hininga sa tindi no'n! "How many f*****g times do I have to tell you to learn to respect people, no matter their status or position in life, Aulus?" A voice that is calm but filled with authority and his frustrated tone that chills my spine whenever I heard it. "I didn't realize your rudeness would grow even worse upon my return." The voice of my brother. Its been a long time since I heard his voice but nothing has change. It always feel goosebumps whenever he's around. "Y-young master Leevan, tama na po.." Si Carren na pumagitna sa pagitan naming magkapatid. Nakatingala siya kay kuya at kulang nalang ay lumuhod siya para magmakaawang tumigil na dahil batid niya ang pagnanais ni kuya na lumapit muli sa akin upang balikan ako ng isa pang suntok sa tindi ng pagkakasarado ng mga kamao niya. Gusto kong matawa dahil pakiramdam ko ay paborito niyang mag aksaya ng panahon sa akin eh wala naman akong pakielam sakanya. 'Bakit ka pa bumalik? Doon ka nalang sa US dahil doon ka nababagay!' "This is a nice welcome back, kuya! Didn't you miss me, huh?" Pang asar na sabi ko habang pilit itinatago ang sakit ng sikmura. Ang tindi ng suntok niya ang siyang dahilan kung bakit nanginginig ang kalamnan ko. "Carren.." Tawag ni kuya kay Carren nang hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. Nanlalabo ang paningin ko sa tindi ng sakit ng tiyan ko pero kitang kita ko pa rin sa mga mata niya ang matinding galit. "P-po, young master.." "Graba ba ang pinapakain niyo sa batang to at naging ganyan ang ugali niyan? I can't tolerate this kind of behavior. Nakakabastos." His typical way of speaking tagalog. Kalmado ngunit may diin ang bawat bigkas. Umasta siyang inaayos ang dulo ng long sleeve niya habang kinakagat-kagat ang pang ibabang labi. "E-eh s-sir-" Carren is speechless but trying so hard to defend me. Hindi malaman ang gagawin kung aawatin ba si kuya o dadaluhan ako. She even covered her mouth to stop herself from sobbing while looking at me, helpless. Like a mother who cannot bare to see her child in pain. "Stop defending that asshole, Carren. You're allowing that ill-mannered-brat to disrespect you and I cannot forgive you for that!" Si Carren naman ang sinamaan niya ng tingin nung bumalik ang paningin nito sakanya dahilan para mapayuko si Carren at pigil ang luha na tumingin sa akin na parang nagsasabing wag ko na subukang sumagot pa dahil siguradong tatamaan akong muli. Carren is a gullible fifty-year-old woman who takes care of me since I was a child. She always there to protect me that more than a mother can do pero wala akong ibang ginawa kundi ang i-bully siya at bastusin. Ni minsan ay hindi ko siya nirespeto at sa tuwing nakikita ko siya ay nakakaramdam ako ng galit na hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit ko nararamdaman pero ni minsan ay hindi siya nagsawang intindihin, alagaan, at hintayin ako sa magdamag para ipaghanda ako ng pagkain pag uuwi galing sa magdamagang party. Siguro dahil naiinis ako sapagkat siya ang nasa tabi ko at hindi si mommy. Naiinis ako na bakit yung hindi ko pa kadugo ang palaging nasa tabi ko sa halip na sarili kong ina. "Wow! Here we go again." Sarkastikong sabi ko. Pinipilit buohin ang garalgal na boses. Hindi makapaniwalang nakatingin sakanya "You're talking as if you were the one who raised me!" I force myself to stand up despite the struggle to balance my weight. "And what are you trying to imply with your f*****g words? That you'll only choose to respect those who raised you? Eh, gago ka pala eh!" "Matagal na ko'ng gago, at kahit anong gawin mo, hindi na yon magbabago!" May hinanakit na sabi ko sabay hawi sa kamay ni Carren na kasalukuyan na palang inaalalayan ako. "I said I don't need your f*****g help!" I was about to leave the scene when he suddenly stepped toward me and punched me on my face. Nawalan ako ng balanse at muling bumagsak sa sahig pero wala pang tatlong segundo ay mabilis siyang lumapit sa akin and he recklessly yanked my collar. Tinayo niya ako at binitbit na parang isang lantang gulay and he did it without breaking a sweat. I could feel my own blood trickling from my mouth when he flashed a calm smile while looking into my eyes. "Yeah.. I almost forgot na gago ka nga pala.. And you probably even forgot what I'm capable of.. so let's see how long you'll last being an asshole." may pagbabantang untad niya habang unti-unting sumisilay ang mala-demonyong ekspresyon niya. He's really a ruthless man and his violent restraint eyes makes me question myself what kind of person he truly is "You know me Aulus Grey!" He gritted out, stabbing his pointed finger toward my temple "Get everything I say through your head.. I spare..no.. one.. not even you, whoever you think you are!" pabato niya akong binitawan dahilan para muli akong mapasandal sa pader. "I am your older brother, and you have nothing else to do but obey me, otherwise, I'll make sure you end up in the swamp." Naglilitid ang mga ugat niya sa leeg pero nanatiling kalmado at may diin ang bawat salita niya. Tanda na may isa siyang salita at hindi lamang iyon isang banta na dapat kong katakutan. Tinapunan pa niya ako ng masamang tingin bago siya tumalikod at iniwan kami ni Carren. Mabilis naman niya akong dinaluhan pero nanatili akong nakasalampak sa sahig nang di ko namamalayan. Ramdam ko ang panghihina maging ang bigat ng paghinga ko habang pinapanuod ang paglayo ni kuya hanggang sa tuluyan siyang nawala sa paningin ko at napapaisip kung bakit ganito siya kahigpit sa akin. Tumingin ako kay Carren na kasalukuyang hinihintay akong makabawi ng kaunting lakas. Bumuntong hininga ako bago ipakita ang pilit na ngiti sa nag aalalang mukha niya pero bigo akong ipagpatuloy 'yon nang muling gumuhit ang sakit sa pisngi ko. Sa unang pagkakataon ay hinahayaan ko siyang alalayaan ako hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD