Jaira's POV
Hindi ko na sila hinintay at nauna na akong pumasok. Bahala silang maglaway sa labas. Pagpasok ko sa classroom, automatic na nagkaroon ng sound effect na parang nag-pause ang music. Biglang tumahimik ang paligid. Feeling ko tuloy, late na kami dumating, eh mukhang hindi pa naman kami kompleto dahil ang dami pang bakanteng upuan bagamat ramdam ko na ang agwat. Hindi sa espasyo ng mga upuan kundi sa kung sino ang naririto. Presko ang hangin dahil tatlo ang aircon, halos nakapanginig ang lamig nito. Ang mga upuan, parang gawa sa balat ng hayop, mukhang malambot at komportable. May mga screen sa bawat sulok, nagpapakita ng mga lectures. Ang mga gamit, makikinang at bago, parang hindi ginagamit ng mga ordinaryong estudyante. Para akong napadpad sa isang palasyo.
Karamihan sa mga kaklase ko, mukhang hindi problema ang pera. Sa mga branded na gamit, latest gadgets, at kung paano sila umasta, ramdam mo na iba ang mundo nila. Napatingin na lang ako sa mga bag nila na katumbas na ng tatlong taon kong sweldo sa pagtatrabaho sa isang kainan malapit sa kanto namin. Siguro nga, anak sila ng mga bigating tao. Mga negosyante, politiko, o kaya mga artista. Samantalang ako, masaya na kung may maayos na baon araw-araw.
Naramdaman ko ang paglapit nina Chili at Pola, na siyang lalong umagaw sa atensyon ng mga kaklase namin. Ang iba ay napahinto pa sa kanilang paglalaro sa cellphone para kami'y masulyapan.
"Who are they?" tanong ng isang magandang babae na may mahabang buhok at sopistikadang pananamit. Hindi siya katangkaran, ngunit ang kanyang tindig ay nagpapahiwatig ng kumpiyansa. Diretso siyang nakatingin sa aming tatlo, na para bang sinusuri ang bawat detalye ng aming pagkatao.
"Sila yata yung mga transfer students from a public school somewhere.." sagot ng isang lalaki na matangkad at tila isang nerd. May suot siyang salamin, ngunit hindi nito naitago ang kanyang natural na kagwapuhan. Ang kanyang boses ay bahagyang paos, ngunit puno ng awtoridad.
"I heard they were among the first scholars to receive scholarships from the Aces organization," dagdag pa ng isang babae na mala Heart Evangelista ang atake. Sosyal at expensive. Tila ba ang bawat isa ay may kanya-kanyang bersyon ng kwento tungkol sa amin.
Ngumiti ang babaeng may gupit panlalaki at lumapit sa amin. Sa unang tingin, malalaman mo agad na isa siyang tibo. Pero hindi maitatago ng magandang tindig at porma niya ang mala porselanang balat at natural na ganda niya. "Hi, I'm Joan Ramirez, Oan for short. I'm the class president. Welcome to Aces University." Ang kanyang ngiti ay parang sikat ng araw, pero bakas din doon ang pagka-kuryoso tungkol sa aming tatlo. Inalok niya ang kamay niya para makipag-kamay, at agad naman naming tinanggap
"Jaira," sabi ko at nginitian siya. Sana maging maganda ang experience namin dito.
"Ako si Pola," dagdag ni Pola na may kasamang matamis na ngiti. Mukhang excited siya sa bagong mga makikilala.
"I'm Chili. Nice to meet you!" magiliw na sabi ni Chili. Ang energetic talaga niya.
"Hi. Lighty George, call me whatever you want basta yung pang-sosyal lang ha." sabi nung sosyaling babae kanina. Nakalapit na pala siya nang hindi ko namamalayan. Pati sa pananalita, sopistikadang sopistikada. "So, kayo pala yung mga bagong scholars? Interesting..."
"I'm Nheo Park," sabi naman nung lalaking nerd at lumapit para makipag-kilala. "Welcome to Aces. Sana mag-enjoy kayo dito."
Bagama't may mga kaya sa buhay, batid kong malaki ang posibilidad na magkasundo kami. Sa mga ipinapakita nilang reaksyon, tila'y walang duda na magiging maganda ang aming samahan.
Napagpasyahan naming umupo sa gitna ng silid-aralan. Magkakasama kaming tatlo nina Chili at Pola, habang sina Nheo, Lighty, at Oan naman ay nasa likuran namin. Ang lamig ng aircon, para bang nagsasayawan ang mga mamahaling pabango sa hangin.
Maya-maya pa ay ang tilian ng mga babae ang pumuno sa buong hallway, tila nagmumula sa iba't ibang classroom. Parang alon ang sigaw nila na pumapantig sa mga tenga ko.
"Nandiyan na ang Four Aces!" sigaw ng isang lalaki mula sa kung saan. Agad na nag-usisa ang isipan ko. Sino naman kaya ang Four Aces na iyan?
Nakapako ang mga mata ko sa pahina ng librong kinuha ko lang mula sa bag, nang wala sa sarili kong itanong, "Anong meron?"
"Hindi ko alam... baka may artista?" natatawang sagot ni Chili. Pero ang tawa niya ay puno ng kuryosidad, hindi katulad ko, nagkukunwaring may interes.
"They're more famous than actors," biglang sabi ni Nheo mula sa likuran, kaya napalingon ako sa kanya na may pagtataka. Bakit kaya mas hype sila kaysa sa mga artista? Cringe.
Mas lumakas pa 'yung tilian, sign na nasa may pinto na 'yung dahilan ng kaguluhan sa labas ng classroom. Pero ni katiting na interes, wala akong maramdaman. 'Di na siguro bago 'to sa mga alta. For sure, anak 'yan ng isang famous celebrity.
"Make way for them!" sigaw ng isang babaeng usisera mula sa gilid.
"Sila ang Four Aces. Sila ang mga campus heartthrob at tagapagmana ng mga pinakamayayamang angkan ng mga business Tycoon sa loob at labas ng Pilipinas.." Hindi na natapos ni Oan ang sasabihin niya nang bumukas ang pinto at pumasok ang pinakahihintay ng lahat.
Sa isang iglap, tumahimik ang buong paligid. Apat na lalaki na may taglay na karisma ang bumungad sa aming mga mata. Parang mga diyos na bumaba mula sa Olympus.
Sabay-sabay silang pumasok, ang Four Aces. Apat na lalaking nagtatangkaran, naggagwapuhan, at nagpapamalas ng labis na karangyaan at kayabangan. Daig pa nila ang mga artista sa kanilang dating. Sa bawat hakbang nila, parang may dumadaloy na kuryente sa buong silid. Ang mga babae ay halos himatayin sa kilig, habang ang mga lalaki ay napapailing na lang.
"Si Aulus Grey Mettienzo ang nasa unahan... siya ang leader at nag-iisang playboy ng Four Aces." Si Oan ulit ang nagsalita, kaya napatingin ako sa lalaking nasa unahan. "Siya rin ang first heir ng angkan ng mga Mettienzo at siya lang naman ang major stock holder ng mga kilalang unibersidad dito sa Pilipinas, kasama na dito ang Aces University na pagmamay-ari ng pamilya niya."
"So, he's basically royalty in this school. No wonder why everyone's so intimidated." Sabi ni Lighty. Kumunot naman ang noo ko tsaka pailalim na tumingin sa direksyon ni Aulus.
Sa unang tingin, hindi mo aakalaing playboy siya. Mukha siyang seryoso, halos intimidating, at hindi mo iisiping madali siyang lapitan ng mga babae. Pero siguro, 'yun ang charm niya. The mysterious bad boy vibe.
"So, untouchable siya, ganon?" nakangiwing tanong ko.
"Basically," sagot ni Lighty. "Unless you want to end up as his next conquest. Marami nang nagtry, pero walang tumagal."
"Bakit naman?" tanong ko ulit.
"Because Aulus Mettienzo doesn't do relationships," sagot ni Oan. "He's all about the game. The chase. Once he gets what he wants, he moves on."
Tumango tango ako.
"And you need to be careful of him. He's a dangerous man..." dagdag pa ni Oan. "Mas mabuti kung wag mo na lang siyang titingnan, lalo na kung alam niyang tinitingnan mo siya."
"Wala siyang pinipili, babae ka man o lalaki, mahirap o kaparehas niyang mayaman. Kapag nakabangga mo siya, automatic na magiging impyerno ang buhay mo sa loob o labas man ng unibersidad na ito." Biglang singit ni Nheo
Sa tono ni Nheo, ramdam ko ang kakaibang babala. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero biglang nagsalubong ang mga kilay ko at bumalot ang kilabot sa buong katawan ko. Parang may malalim na kahulugan ang mga salita niya na hindi ko kayang maunawaan.
Pero mas hindi ko maunawaan ang kakaibang galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil sa pagkakakilala nila sa kanya o ang sariling pakiramdam ko na parang kilala ko siya? Bakit parang may koneksyon ako sa lalaking ito na ni hindi ko pa nakakausap?
Hindi kaya... may nakaraan kami? Isang nakaraan na hindi ko maalala? O baka naman sadyang may kakaiba lang sa kanya na nakakapagpalito sa akin.
Hindi ko alam ang sagot, pero sigurado ako sa isang bagay. Hindi ako basta-basta magpapatalo sa kung ano mang impyernong sinasabi ni Nheo. Kung gusto niyang maglaro, handa akong sumabay.
"Yung nasa gilid niya sa kaliwa, siya si Cheleo Williard. Mabait daw siya, pero never naman napatunayan." Si Lighty naman ang nagsalita, bakas ang pagtataray na may halong inis sa tono niya. "Bully at mahilig mang-asar. Mag-ingat ka rin diyan dahil katulad ni Aulus, delikado din siya kapag binangga mo."
Pasimple akong umirap sa hangin. Parang ang dami-daming dapat iwasan sa unibersidad na 'to. Ang daming alam.
"At wala pa'ng ni isang sumubok na kausapin 'yan dahil kadikit lagi ni Aulus, lalo na sa mga sinasalihan nilang away," dagdag pa ni Oan
"Ah, so, basically, Cheleo is Aulus's attack dog? Great. Just great sa daming eme," si Chili naman ang nagtaray sa tono niya. "Mukha naman siyang dog. Tingnan niyo, may scarf pa yung leeg. Anong style 'yan?" Pang-iinis niya na wari ay nasa harap niya lang si Cheleo, dahilan para palihim kaming magbungisngisan.
"Girl, ang harsh mo!" bulong ni Pola kay Chili, pero natatawa rin naman siya.
"Wag kang maingay. Baka marinig ka niyan, loka!" si Oan na nagpipigil na tumawa. "Baka bukas matagpuan ka na lang namin na nakabitin sa puno ng Acacia sa likod ng campus."
"Eh ano naman? Baka siya pa ibitin ko sa leeg gamit yung scarf niya!" sagot ni Chili, pero hindi mo basta mahahalata kung nagbibiro ba siya o hindi. "Tsaka, kaya ko 'yan! May black belt kaya ako sa taekwondo!"
"Black belt lang 'te, walang taekwondo." inosenteng palag naman ni Pola sakanya dahilan para matawa kami nila Oan at Nheo. Si Lighty naman mukhang hindi nagets yung sinabi ni Pola.
"Ayos ka rin noh? Tatahimik-tahimik ka lang diyan pero ang dami mo'ng alam!" segunda naman ni Chili na hindi maipinta ang mukha dahilan para magtawanan kami.
Napatingin ulit ako kay Cheleo. Sa totoo lang, gwapo at cute siya. Medyo bad boy look, pero may charm din. Para siyang isang Pomeranian. Mahilig ako sa aso pero syempre, hindi ako magpapaloko sa mga ganyang itsura. Lalo na kung attack dog siya ni Aulus.
Hindi ko naman alam saan ba nanggagaling itong inis ko kay Aulus. Parang meron sa kanyang kinaiinisan ko nang sobra. Yung ba yung paraan niya ng pagdadala ng sarili niya? Yung parang entitled siya sa lahat? O dahil ba sa takot sa kanya ang lahat? Kahit ano pa man, hindi ko maalis sa isip ko na bad news siya