Chapter Three | Part Six: Trouble

1063 Words
Jaira's POV (Continuation..) Kaya naman, pinagmasdan ko'ng mabuti si Aulus. Sinusuri ko ang bawat galaw niya, ang bawat ekspresyon sa kanyang mukha. Kailangan kong malaman kung ano ang binabalak niya. Kailangan kong maging handa sa anumang mangyari. Hindi ako pwedeng magpadala sa kanyang pananahimik. Kailangan kong maging alerto. Kailangan kong protektahan ang sarili ko at ang mga kaibigan ko. Sa maikling oras na naka encounter ako ng katulad niya, tila kabisado ko na agad ang galaw ng bituka niya. Parang script sa isang pelikula na alam mo na agad ang susunod na mangyayari. "The f*****g show is over! Go to hell and mind your own business!" sigaw ni Aulus sa mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng pinto, at sa mga kaklase naming mukhang sabik na sabik sa susunod na kabanata. Mabilis silang nagsialisan, nagtatakbuhan pabalik sa kanilang upuan sa takot nilang baka sila ang pagbuntunan ng galit ng prinsipeng pinagkaitan ng korona. Masyadong pabida. Maya maya pa ay nag umpisa na ang klase. Naging maganda naman ang flow kahit na may nangyaring hindi maganda kanina. Isang row ang pagitan ng row namin sa row nila Aulus. Katabi niya si Cheleo sa left side niya at si Brucewell naman sa right side niya. Napapagitnaan din ako ni Pola at Chili. Nagtuloy-tuloy ang klase hanggang sa sa wakas, tumunog na ang bell-hudyat na lunch time na! "Hay salamat, makakakain na rin! Tomguts na 'ko," sabi ni Chili habang hinihimas-himas ang tiyan niya na parang ilang araw nang hindi nakakain. Nakaupo pa rin siya at pinagmamasdan akong isa-isang isalansan ang mga gamit ko sa bag. "Grabe, gutom na gutom na talaga ako! Ano ba'ng gusto niyong kainin?" "Saan naman kayo kakain?" tanong ni Oan na grabe kung makangiti sa amin. "Sa labas na lang siguro kami bibili. May mga karinderya naman doon sa labasan," nakangiting sagot ko habang sinusukbit ang bag ko sa balikat ko at tumingin kay Pola at Chili na excited na at ako nalang ang inaantay "Tara na, baka maubusan pa tayo ng ulam.." "Ha? Bakit sa labas? May cafeteria naman dito, tsaka ang layo pa ng lalakarin niyo bago makarating sa labasan." Pigil ni Oan sa kamay ko na ikinagulat ko sa higpit ng hawak niya. Agad ko naman itong tiningnan, dahilan para gulat siyang bitawan ako. "A-ayy, haha. Sorry." Nakaramdam ako ng pagtataka dahil kakaiba ang lamig ng kamay niya. Parang galing sa freezer at kataka-taka rin ang panginginig nito. "Okay lang," sagot ko na may halong pagtataka. "Okay ka lang ba?" tanong ko na mas ikinagulat niya. Parang nakakita ng multo. Pero agad naman niyang binawi 'yon at pilit na ngumiti. "O-oo naman... Bakit mo naman natanong 'yan?" Kumamot siya sa batok, senyales na hindi siya komportable sa mga mata kong nakatitig sa kanya. "Wala lang..." sagot ko, biglang nawalan ng sasabihin. May napapansin kasi ako sa kanya na hindi ko alam kung dapat ko bang itanong. Baka ma-offend ko siya, o kaya naman, magulat. May tinatago ba siya? "Ah, okay," sagot niya, pero halata pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ako kumbinsido. "Sige, labas na kami," sabi ko at hindi na ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon niya. Ayaw ko nang mas ma-curious sa kinikilos niya, kahit na ramdam kong nag-aalangan pa siya kung pipigilan ako o hindi. Bahala na si Curious sakanya Nauna na akong naglakad palabas ng room. Nakasunod naman sa akin si Pola at Chili na mukhang nagkakatuwaan sa kanilang pinag uusapan. Sa paglalakad namin, pagkalabas ng gate ng university, biglang may mga kalalakihang humarang sa amin. Sino kaya 'tong mga 'to? Napahinto kami at nagtatakang napatingin sa kanila. Lahat sila ay naka-itim at parang mga estudyanteng patapon ang mga buhay. Mukhang gulo ang sadya nila. "Ano 'yan, men in black low budget?" tanong ni Chili na siyang nagpalundag kay Pola na nagtago sa likod ko. "Anong low budget sinasabi mo diyan?" natatawang tanong ko sa kanya. May sayad talaga. "Ayan oh, tingnan mo kung umasta, kala mo mga artistang gumaganap na gangster sa mga teleserye, pero ang papanget, at trying hard maging cool." sagot niya na may halong pang-iinsulto. Napangiwi ako bigla. Heto na naman siya at parang may sariling definition sa mga bagay-bagay. "Sino kayo? Kami ba ang kailangan niyo?" tanong ko sa men-in-black-low-budget. Seryoso ba 'tong mga 'to? Lumingon-lingon ako sa paligid, dahil baka extra na pala kami sa pelikula nang hindi namin alam at may mga nakatutok na camera na pala sa amin. Sana all may cameo. "Girl, hindi maganda kutob ko sa mga 'yan, ah? Ang papangit nila tapos may masasamang balak pa? Jusko naman, di na naawa sa mga sarili!" bulong ni Chili sa akin na batid kong hindi na kayang magbiro pa sa sitwasyon namin ngayon. Napalunok kami nang palibutan nila kami habang tumatawa sila. "Mga kuya, baka naman pwede kaming magpa-picture? Ang gagwapo niyo kasi," sabi niya sa men-in-black na may halong pang-aasar. Chili, 'wag kang ganyan. "Mga kuya, wag niyo kaming saktan, please..." si Pola na parang maiiyak na sa takot. Nakaramdam ako ng awa sakanya senyales na hindi na maganda to'ng nangyayari. "Huwag kang mag-alala, miss. Hindi kami nangangain," sagot ng isang lalaki na may nakakalokong ngiti dahilan para mag igting ang mga panga ko. "Kung mangangain kayo, sana naman sa buffet. Libreng kain pa," sagot ko na may halong pagbibiro. Baka sakaling magbago pa isip nila at ilibre nalang kami sa isang buffet. Sakto wala pa kaming lunch. "Sayang naman, hindi kami nanlilibre ng buffet," sagot ng lalaki na nakangisi. Muntik pa akong masuka sa pangit ng pagbigkas niya sa salitang 'buffet' Gayumpaman ay hindi ko maitatangging kinakabahan ako sa pakay ng mga lalaking ito. "Sino ba kayo?" Tanong ko habang pilit isinisiksik si Pola sa likod ko na nanginginig na. "Sabihin niyo, ano ba'ng kailangan niyo?!" Narinig ko naman ang bungisngisan nila at nagtinginan pa sa isa't isa. Mukhang may binabalak silang hindi maganda at determinado nang sugurin kami pero naghahanap sila ng timing. Automatikong nakaramdam ako ng kaba dahil mukhang alam ko na kami o isa sa amin ang puntirya nila at hindi ito basta trip lang. "Hindi naman 'kayo' ang kailangan namin, miss," sabi ng isa na may nakakalokong ngiti. So, sino? "Ikaw lang." Ako lang? "Anong kailangan niyo sa'kin?" tanong ko na pilit pinapakalma ang sistema. Ayokong magalit dahil baka hindi ko nanaman makilala ang sarili ko at kung anong magawa ko sa mga taong ito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD