Jaira's POV (continuation)
"You're quite pretty, you can be one of my... 'toys'..." Ngumisi siya at mas inilapit pa ang mukha sa mukha ko. Sa hindi inaasahan ay nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko pinahalata.
"Who says I'm joking? No woman can resist me... except, apparently, the ones I actually want to..'taste'... Care to break the curse?"
Dahil doon, babawiin ko sana ang sarili ko mula sa pagkakahawak niya, pero mas malakas siya, kaya lalo akong napalapit sa kanya. Mabilis kong iniharang ang mga kamay ko sa pagitan namin, halos dumikit na ang palad ko sa dibdib niya, para hindi niya ako tuluyang madikitan. "A-ano ba?! Feeling mo, nakakatawa ka?" Nagpupumiglas ako, kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. "Bitawan mo nga ako!"
Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang pagbungisngis ni Cheleo, pero ang nakapagtataka ay bakit tila walang reaksyon si Claudius? Hindi ba niya ako ililigtas sa bwakanang s**t na to?
"Bitiwan mo 'ko," mariing sabi ko habang nilalabanan ang mga titig niya. Ang mga titig niyang parang humihigop sa akin. "Bingi ka ba? Ang sabi ko bitiwan mo ko." Pag ulit ko pero tumawa lang siya. Sa paraan ng pagtawa niya, ramdam kong hindi niya susundin ang sinabi ko. Gagong tunay!
"Make me..." naghahamong sagot niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa batok ko. Ramdam ko na ang pananakit noon kasabay ng pag-init ng ulo ko. 'Feeling ata ng gagong to nakikiusap ako sakanya..'
"Hindi kita pinakikiusapang bitiwan ako dahil wala kang karapatang gawin anuman ang gustohin mong gawin sa kapwa mo." kalmado ngunit ramdam ko ang galit sa sinabi ko. Nagpipigil na sapakin ang mukha niya.
"Who told you that you had a say? I always get what I want! And I certainly don't consider you my 'kapwa'. I am Aulus Grey Mettienzo, and I live in this world without any regard for others!"
"Share mo lang?" pang-iinis ko, dahilan para mag-iba ang timpla ng mukha niya. Oops, napikon yata!
"Hahahahahaha!" Bagamat bago sa pandinig ko ang tawa na 'yon, alam kong kay Cheleo ang boses na 'yon. Isa pa to'ng walang magawa sa buhay!
"What did you say?!" pikon na tanong niya at hindi na siya nakuntentong hawak niya ang batok ko gamit ang isang kamay dahil talagang ginamit na niya ang isa niyang kamay para hawakan ang panga ko.
"Totoo naman eh! Anong paki ko kung sino ka? Proud ka pa talaga na may negative attitude ka?!" Bulyaw ko sa kanya, halos mapatid ang litid ko sa leeg. Ramdam ko na rin ang sakit ng panga ko dahil bumabaon ang mga daliri niya roon.
"You've got a lot of nerve, don't you? Well, starting now, you better cherish every second of your life, because you're going to regret crossing me!" Mas lalong naging mala-demonyo ang ngiti niya, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding galit na para akong matutunaw sa nagbabagang tingin niya, kulang na lang ay umusok ako. Parang kaya niya akong gawing abo sa isang sulyap lang. At sa totoo lang, alam kong kaya niyang gawin iyon.
"Hindi ako natatakot sa iyo." Mariin ko siyang tinulak, dahilan para mapabitaw siya sa akin at bahagya siyang mapaatras. Pasimple kong ninamnam ang sakit ng batok ko habang nakatingin nang masama sa kanya. Kung pwede lang sana ay gantihan ko siya ng isang malutong na sampal, ay ginawa ko na. Pero hangga't maaari ay ayoko ng gulo.
"You should fear me!" mabilis siyang lumapit sa akin at dinuro ang noo ko.
"Aray! Ano ba problema mo?" angal ko at umastang sasapakin siya pero umasta rin siyang susugurin ako pero napahinto kaming pareho nang pumagitan sa aming dalawa si Claudius.
"Stop! Both of you!" Sabi ni Claudius habang nagbabanta ang mga titig sa aming dalawa. Bahagya naman niyang itinulak pabalik si Aulus sa kaninang pwesto niya. "This is the first day of class, in case you both forgot."
Bigla akong nakaramdam ng hiya hindi lang sa sarili ko kundi sa mga taong nasa paligid ko. Halos makalimutan ko na kung bakit nga ba ako nandito sa university na ito-para makapagtapos at umiwas sa gulo. Pero heto na naman ako, at muntik nang makipag basag-ulo. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Ang tanga-tanga mo talaga, eh.
"Eh yan po kasing kaibigan niyo, kung ano-ano pinagsasabi sa kaibigan ko! Napakayabang pa!" Pagtatanggol sa akin ni Chili, na halos mapunit na ang lalamunan sa pagtatanggol. Nginisihan naman ako ni Aulus na parang sinasabi niyang hindi pa kami tapos. Napayuko ako. "Ganyan ba siya mag welcome sa mga bagong students dito?"
"Huwag kang makialam dito, baka gusto mong isunod kita sa listahan ko?" Segunda naman ni Aulus dahilan muli akong mag angat ng tingin sa kanya. Halos lumuwa ang mga mata niya sa galit habang nakatitig kay Chili. Sinenyasan ko naman si Chili na tumahimik, ngunit sadyang matigas ang ulo ng huwarang kaibigan ko at hindi ako pinansin. Alam kong kaya niya 'to, pero ayokong madamay pa siya sa gulo ko.
"Nakalista na ang pangalan ko sa mga tindahan sa kanto namin, huwag mo akong takutin ng mga palista-listahan mo diyan, huy!" ani naman niya, umiirap-irap pa siya sa ere dahilan para pasimple ko'ng tampalin ang noo ko. "Akala mo naman kung sino siya para takutin ako. Baka hindi niya alam na mas marami pa akong atraso sa mga tindahan kaysa sa kanya," bulong pa niya, na mas lalong nagpakunot-noo kay Aulus, pero nanatili ang masamang tingin nito sa amin. Jusko, Chili, 'wag mo nang dagdagan.
"Chili, tama na..." pakiusap ni Pola, kitang-kita ang pag-aalala sa mukha. Kung kaya lang niya siguro kaming ilayo sa gulo, ginawa na niya.
"Guys, chill lang. Magkakapatid tayong lahat dito. Hindi dapat tayo nag-aaway-away," pigil ang ngiting sabi ni Oan habang pumapagitna katabi ni Claudius, sabay sulyap sa akin "Pasensya ka na..." mahina pero sapat para marinig ko ang sinabi niya.
Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti sakanya "Okay lang..Hindi mo naman kailangang magsorry para sa baliw na yan.." Mahinang sabi ko naman kay Oan. "Atsaka okay lang ako.."
"Anong okay-" Hindi ko na pinatapos si Chili at tinakpan agad ang bibig niya. Mahabagin, bigyan mo ako ng pasensya, please po.
"Tama na nga sabi, eh..." bawi ko habang sapilitang pinauupo si Chili dahil ayaw niyang magpaawat. Kailangan ko na yatang magpatawag ng exorcist dahil mukhang sinasaniban na naman siya. Kailangan ko na po ng pari, ngayon na!
Umupo na ako, sumunod din si Pola. Si Chili naman, nakabusangot pa rin bagamat nakaupo na. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagnanais na gumanti kay Aulus, pero napipigilan siya ng mga tingin ni Claudius na nagbabantay na parang bodyguard, handang awatin ang kaibigan niyang magwala, at pigilan ang kaibigan kong magpakabayani. Daig pa namin ang drama sa hapon, bwisit. Si Cheleo naman ay nakangisi pa rin at mukhang aliw na aliw sa nangyayari, parang baliw. Samantala, si Brucewell ay animo'y nasa ibang mundo at parang walang naririnig. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang naka-dekwatrong pambabae at naka-krus ang mga braso.
Nakapagtataka naman ang biglang pagtahimik ni Aulus. Kung iisipin, kanina lang ay parang bulldozer na walang gustong tantanan, pero ngayon, para siyang na-reset-biglang naging kalmado at parang walang nangyari. Ano kaya'ng nangyari at biglang nag-iba ang ihip ng hangin? May nakita ba siyang multo? O baka naman may nakalimutang gamot na ininom? May nalaman 'to..