Chapter 2: Part Three: The Brothers' Rival

1720 Words
Continuation.. Aulus' POV "I'm sure nakarating sakanya lahat ng katarantaduhan mo kaya ganyan ang nangyari sayo. Hindi na ko magtataka, sa dami ng kalokohan mo, baka hindi na kumasya sa utak ni Leevan." "Ano naman pakielam niya do'n? I didn't even care about his monkey businesses." depensa ko. "Eh alam mo naman yung kuya mo di ba? Gusto niya bago ka pamanahan ng parents niyo, matino ka na. Why don't you start changing your lifestyle?" kaswal na suhestiyon niya. "Babaguhin ko lifestyle ko para lang sa approval niya? What do you call that? A business proposal?" "Bakit kasi hindi mo nalang siya sundin kung para naman sa ikabubuti mo." Halos pareho lang sila ng sinabi ni Carren pero hindi ko pa rin maintindihan. Ganon ba talaga ako kakomplikado? "I still don't get why does he care about my f*****g life and the people around me don't understand that I don't want to obey him." "Just change bro.. Just even for your own sake." Suhestiyon niya. "I already changed because of him and this is me now. He left me to study abroad for his chosen career, at ako naiwang mag isa. Ni wala akong matakbuhan sa tuwing pinapagalitan ako ni dad. Si mom hindi ko naman maasahan dahil lagi siyang busy." Pigil na pigil ko ang sariling malungkot sa katotohanang sa bibig ko mismo nanggaling ang mga salitang ako mismo ay ayaw kong sabihin. "Bro, naiintindihan kita. Pero hindi mo ba naisip na ginawa niya yon para din sayo. He cares because you're his brother." "Don't take his side." masama ang tingin na iginawad ko sakanya dahilan para mas sumeryoso siya. "I'm not taking his side, I'm just telling the truth. He wasn't like this before. Remember, you two were really close when we were kids." "That's exactly my point. Back then, he didn't have responsibilities in our family business. But ever since Dad entrusted everything to him, he changed a lot. He's not the same brother who used to be on my side anymore." "Kaya nagtatampo ka?" Pang uusisa niya pero umiling ako. "No. Iba ang tampo sa disappointment at dissapointment ang nararamdaman ko. Ginawa niya yon dahil ayaw niyang madissapoint si Dad kapalit no'n ang dissapointment ko sakanya bilang kuya. And that answered everything. When I got that f*****g answer to my questions, I never bothered him anymore. He chose his inheritance, wealth, power, and trust of my parents over me kaya wala siyang karapatan pakielaman pa ang buhay ko. Akala siguro niya isa rin ako sa mga tauhan niya na pwede niyang pasunurin at kontrolin." Bumigat ang dibdib ko sa paglabas ko ng sama ng loob kaya laking pasasalamat ko na dumating na yung inorder namin. Nakayuko lang ako habang pinapanuod si Claudius na binubuksan ang mamahaling wine sa babasaging table at salinan ng alak ang baso ko. "I can't blame you. I'm sorry kung pinangunahan kita." Sinserong usal niya bago inabot sa akin ang baso ng alak na nakangiti ko namang tinanggap. "Hindi rin naman kita masisisi. Alam kong mahirap para sa iyo na isipin na hindi na siya yung taong nakilala mo. Kilala mo talaga siya dahil kayo ang mag-bestfriend simula pa noong mga bata tayo dahil kayo ang magkaedad, at sabi mo nga na kayong dalawa ang nagkakaintindihan. Kami naman ni Cheleo, at Brucewell ay magkakaedad at magkakasundo sa maraming bagay." nakangiting inalala ko pa ang mga panahong magkakasama pa kaming lima at walang halos iniisip kundi ang maglaro. A wave of nostalgia washed over me and it feels so great remembering those days. "Ngayon, isa na siyang high-profile at kilalang elite-businessman. Napaka-powerful at talagang matalino. Siya ang tunay na polymath ng angkan ng Mettienzo." Nakangiting usal ni Claudius na kasalukuyang nilalaro ang yelo paikot sa baso ng alak na hawak niya. "Yeah right." pag sang ayon ko dahil totoong napakatalino ni kuya sa lahat ng antas ng kaalaman. Hindi na rin ako magtataka kung bakit sakanya ipinagkatiwala ni dad ang lahat. Mga bagay na kahit kailan ay hindi ko nakuhang kainggitan bagkus ay mas kinainisan ko pa sa mga sarili kong dahilan. "Anyway, how's your task with Reynold?" He can really change the subject that quick pero automatic na nag iba ang timpla ng mood ko sa tanong niya. Kung babalakin niyang itanong ang tungkol sa punishment na yon ay hindi ko naman alam kung sasabihin ko ba ang totoo. "Nakakainis pero okay naman. Nagawa ko." "Bakit naman nakakainis?" Umiling siya habang tumatawa. Senyales na interesado nanaman siyang malaman ang nangyari. "Tanginang punishment yan, pinag holdap ako. Ang babaw." Iritang sabi ko at kinuha ang tinidor sa side ng inorder naming pagkain at tumikim ng kaunti. "What? Are you serious?" Expected ko na na magugulat siya sa sasabihin ko. Ganon kababaw si Reynold. "Mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong ko na ikinatawa niyang bigla. "Why? What's funny?" "What you did is funny." Hawak ang tiyan na sagot niya habang tuloy-tuloy sa pagtawa. "I can't believe you can do such thing." "As if naman na ginusto ko yon? Do I have a choice? My Four Aces members are the ones who placed as the bet." kinuha ko ang bote ng alak at nagsalin sa baso ko nang mas marami kumpara sa kaninang inilagay niya. while he took a sip of his drink, a smile formed on his lips. "Reynold placed your members as the bet because he knows they are your weakness." he placed his drinks beside him while looking at me. "Wait, give me a second, I'm not drunk enough to tell you all of this shit." "Get drunk then." Muli naman siyang tumawa. "Basta bawal ang maoy ah?" "What?" my forehead creased. "Yuck. Where did you learned that word?" I asked in disbelief. "Narinig ko lang somewhere." Umiling iling siya sa sariling kalokohan bago muling nagsalin ng alak sa sariling baso. "So how's Prienna? Alam ba niya na nakabalik na si Leevan?" Maya maya ay tanong niya. "Siguro alam na niya." I simply nodded while trying to erase the sudden loneliness on my face. "I'm sure she missed him a lot." "Something tells me I'm not done being disappointed tonight. Nang aasar ka ba?" Tanong ko na nag pailing sa kanya bagamat bakas ang pag pipigil niyang tumawa "Bakit ko pa gagawin yon, eh marinig mo pa nga lang pangalan ni Prienna nag iiba na agad ang mood mo." "Ofcourse. You know how much she means to me." Sarkastikong sabi ko. "And you also know how Leevan means to her." Natahimik ako bigla at hindi nakapagsalita nang ilang segundo dahil sa diretsahang pagkakasabi niya ng katotohanan sa mismong mukha ko. Walang preno at walang tamang timing. 'Kabadtrip naman to!' Mabigat ang naging buntong hininga ko bago siya sinamaan ng tingin. "Thank you!" I raised my middle finger at him. "That was a delightful string of insults. I think I'll just cleanse my heart with this f*****g bottle of expensive wine. Care to join my pity party? Baka nakukulangan ka pa." Sarkastikong sabi ko sabay abot sa kanya ng bote ng wine. "The great Aulus is affected. We both know na sa huli ikaw pa rin ang minahal niya. You were so in love with each other way back then." Tinanggap niya ang wine at nagsalin sa baso naming dalawa. "She just learned to love me dahil alam niyang wala siyang pag asa kay kuya and that hits different now." "Because Leevan loves someone else. And you chose to love Prienna unconditionally." "Na sana ay hindi ko nalang ginawa. I hate her." "Ang sabihin mo natapakan lang ang ego mo dahil sa huli, hindi pa rin ikaw ang pinili. She's with Reynold right now." "Tsh, paki ko." "I know you still care." "She chose me, remember? She chose to be with me for three years at kailan pa ako nagkaroon ng paki kapag tapos ko nang pakinabangan? She's nothing but a trash to my eyes at mas naging madumi pa siya sa paningin ko ngayong sila na ng hayop na yon. And if Reynold think he can surpass me dahil sila na ni Prienna, nagkakamali siya." sarkastiko akong ngumisi bago nilagok ang natitirang alak sa baso ko. "Don't tell me you're going to retaliate against Reynold again. Take a break bro, ako yung napapagod sa ginagawa mo eh." he said, as if he was extremely tired. "Hindi pa ako tapos sa kanya. Ngayon pa kung kailan nagawa ko ang punishment niya? Sa tingin niya makapapayag ako na hanggang dito na lang? No way! Bibigyan ko muna sila ng pahinga dahil hindi ako papayag na matatalo ako dahil lang sa bwisit na punishment na 'yan. Bibigyan ko siya ng ganti na kahit kailan ay hinding hindi niya malilimutan." "At anong susunod na mangyayari? Bro, alam kong may gagawing masama si Leevan kapag nalaman niya 'yan." "Edi gawin niya. Ako ba ang masisira sa pangingielam niya?" "Kahit na. Isipin mo din yung pangalang iniingatan ng pamilya mo lalo kapag nalaman nila 'to." Pagak akong tumawa. Hindi makapaniwala. "As if they care, bro." Iiling-iling ako habang natatawa. "They do care. You're just deliberately turning a blind eye." "Shut up. You don't know everything." Nagtuloy-tuloy ang ginagawa namin hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Halos kapwa kami lasing na, pero ang nag-iisang si Claudius ay nanatili sa kanyang kaswal na postura. Hindi mababanaag ang kalasingan sa kanyang ayos at natural na kilos. "The room is spinning." I mumbled. Hinahayaan ang aking paningin na maglibot sa ganda ng mamahaling kisami na wari'y inukit para maging perpekto. Pilit kong inalis sa isip ko ang lahat ng nangyari sa maghapon. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko'ng mahilo nang tuluyan. "Beautiful stars.." "Pfft! Those are just ceiling lights." Dinig kong sabi ni Claudius. Batid ko'ng tumatawa siya kaya namumungay man ang mga mata ay pilit ko siyang tiningnan. "Shut the f**k up! Y-you.. sounds like a dying frog!" hindi ko alam kung diretso pa ba ang pananalita ko dahil maski sariling boses ko ay hindi ko marinig. Idagdag pa na nagiging dalawa siya sa paningin ko. "You know how dangerous a drunk werewolf is." "And who is that f*****g werewolf, huh? Me? Awooooh!" Pagkatapos ng ilang mga salitang binigkas ko ay hindi ko na alam ang mga sumunod kong sinabi dahil nandilim na ang paningin ko kasabay ng pagbigat ng mga talukap ko. End of chapter 2..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD