Chapter Three Part Two: Claudius Rassmuzen

1364 Words
Jaira's POV Sa totoo lang, hindi na bago sa aming tatlo ang away estudyante na usong-uso na eksena sa mga public school noong sekondarya kami. Sa katunayan, isa kami sa mga estudyanteng nakikipag-sparring sa labas ng school, madalas tuwing uwian, kung saan ang alikabok at tensyon ay halos nagsasayawan sa hangin. Pero lahat ng iyon ay may dahilan.. mga dahilan na matagal na naming ibinaon sa limot, itinuturing na lamang na isang bahagi ng aming nakaraan na minsan naming ginawang larangan ng digmaan. "What did you say?" sabi nung isang mukhang barbie na plakadong plakado ang kilay. Sa tantiya ko ay ibang department siya, at kung anong department man iyon ay hindi ko na inalam pa. "Ulitin ko, te? Baka masaktan ka." Paghahamon naman ni Chili dahilan para pasimple ko siyang hawiin papuntang kabilang side ko nang mas lumapit pa sa kanya ang babae at tapatan ang nang iinis niyang mga tingin. "Chili, wag mo nang patulan.." Bulong ni Pola sa kanya mula sa likuran namin. Tumango-tango ako kay Chili bilang pagsang ayon kay Pola. "Hindi ako si Chili kung hindi ko papatulan mga yan 'te! Sungal-ngalin ko kaya ng kutsarang puno ng sili yung mga bibig ng mga yan nang manahimik, noh?" "Wow, scary! Kebago-bago niyo dito, nagpapakita na agad kayo ng pagiging squammy niyo." Sabi nung isa na nuknukan ng puti at kulot ang dulo ng buhok. "Bakit? Gusto mo makatikim ng suntok ng isang squammy? Lumapit ka, para malasap mo!" Si Chili na ipinakita pa ang saradong kamao niya sa mga ito dahilan para bahagya silang mapaatras. "Oh my gosh! I find it hard to believe that people as worthless as you bitches have ended up here.." umarte siya na parang nalulungkot "Sorry ha? but this elite university is not a garbage dump. It seems you have lost your way." Parang isang kontrabida sa teleserye na sabi nung nasa unahan habang nakapamewang at pinagtatawanan kami. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko mahanap ang pagkapikon sa sa mga sinasabi nila. Nagpantig lang ang tenga ko sa pagtawag niya sa amin ng 'bitches' kahit sila naman yon. "Ay? Matapobre much?" Segunda naman ni Chili sabay ngisi sa mukha niya. Nagkrus siya ng mga braso at pinakatitigan ang mga ito na parang sinusukat kung hanggang saan ang pasensya nila. "Alam mo, imbes na mag-aksaya ka ng oras sa amin, gamitin mo na lang kaya 'yang pera mo para bumili ng bagong uniform?" Pang-iinsulto ko sa kanya habang tinitingnan ang uniform niyang halos hindi na magkasya dahil sa laki ng kanyang dibdib. Hindi ko mawari kung sadyang ipinagmamalaki niya ang kanyang dibdib o talagang tinatamad lang siyang bumili ng bagong uniform na babagay sa kanya. Narinig ko ang pigil na paghagikhik ni Pola sa likuran ko, na lalong nagpataas ng kilay ng mga 'manikang' ito. "Honey, it's called 'style'.. Ever heard of it? Oh wait, judging by your outfits... probably not. Looks like you raided a dumpster for those rags." maarte niyang tinuro ang suot naming tatlo habang umiiling-iling. "Grabe naman, pinulot daw sa basura? Hindi ba pwedeng galing ukay-ukay lang?" Nakangisi kong tanong. Hindi siya nakasagot, tila nasamid sa sariling pandidiri na gumuhit sa mukha niyang sumobra sa mamahaling foundation. Bahagya pa siyang napangiwi, animo'y nakakita ng dumi sa kanyang mamahaling sapatos. "You're brave, huh... Don't you know who I am?" Sumisigaw na ang kamalditahan sa kanyang aura habang papalapit siya sa amin, parang bagyong handang humampas pero napahinto siya sa paglapit nang lumingon ako sa paligid. "Hoy, teka muna, 'wag ngayon. Di ba may klase pa kayo? Alis na, shoo!" Sabi ko, pero hindi ko sila matingnan kasi yung tingin ko, nakadikit dun sa lalaking naglalakad papalayo. Parang wala siyang kamalay-malay na nawala na kami sa likod niya, busy siguro sa kung ano mang iniisip niya. Tuloy pa rin sa satsat ang mga barbie dolls, pero deadma na. Wala akong time makinig sa kanila. Mabilis kong hinila yung dalawa, sumunod kami dun sa lalaki. "Naku, buti nalang talaga at nakapagpigil ako. Kung hindi, baka ginawa ko na silang pawid ng bahay-kubo!" sabi ni Chili, bahagyang napapailing. "Sayang ang potential na materyales." "Shhh, Chili, tigil mo na 'yan! Baka mapahamak tayo sa ginagawa mo, eh," halos pakiusap ko sa kanya "Diba may usapan tayo? Nangako tayo sa mga sarili natin na titigil na tayo sa gulo kasi scholarship natin ang nakataya dito? Kinabukasan natin 'to, Chili, 'wag naman sana nating sayangin." "Eh ikaw rin naman ah! Pikon na pikon nga sila sa mga sinabi mo." "Kilala mo naman ako 'di ba? Papayag ba ako na bully-hin ka ng mga yon?" Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon niya, ang pag-aalangan sa kanyang mga mata. Alam kong ayaw na rin niya ng gulo, pero likas na sa kanya ang pagiging palaban, lalo na kung may pinaninindigan siya, kaya kahit ayaw niya ay hindi siya basta umaatras. "Chili? Para sa'tin 'to," dagdag ko, umaasang marinig niya ang sinasabi ng puso ko. Taray, puso! "Oo na po, sorry na," sabi niya sabay pout na parang baby. Napangiti ako at pinitik ko yung tenga niya. "Aray, ah! Grabe siya!" "Shhh! 'Wag kang mag-ingay, girl! Di tayo nagla-live selling," gatong naman ni Pola, na pilit ginagaya ang tono ng isang nanay. Dahil doon, natawa kaming dalawa ni Chili sa kanya. Napailing na lang ako, pero deep inside, natutuwa ako sa closeness naming tatlo, yung sa simpleng asaran lang ay solve na ang problema. Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami ng elevator na "You three are so sweet!" napalingon kami sa lalaking hindi namin namalayang pinapanuod na pala kami. At sobrang gwapo naman niya sa paraan ng pagtayo niya habang nakasandal sa wall na katabi ng pinto. Ultimo ang pagkuha niya panyo sa bulsa upang punasan ang pawis niya ay napakagwapo. Hindi pa rin ako makapaniwalang may ganitong nilalang. "Ay oo, pero mas sweet ako." Nagpapacute na sagot naman ni Chili dahilan para mapayuko ako. Kahit saang lugar siya mapunta ay walang hiya talaga siya. "Really?" Nakangiting tanong naman ni..teka, di ko pa nga pala alam ang pangalan niya. "Anyway, here's your room, and I think your first subject is about to start." "Salamat sa paghatid, sir." magalang na sabi naman ni Pola pero bahagya kaming napaatras nang umalis ang lalaki ito sa pagkakasandal at humakbang palapit sa amin dahilan para mapatingala kami sakanya. Sa taas niyang lagpas six feet ay talagang kailangan naming tumingala. Oo, lagpas six feet siya! "Just Claudius, please.. Unless you're about to knight me, 'Sir' is a bit much, don't you think?" Matamis ang ngiting sabi niya sabay kindat. "Tubig, please... ang init," parinig ni Chili habang nagpapaypay ng mukha gamit ang registration form niya, na nagdulot ng pamumula sa mukha ni Pola. Ako naman, hindi malaman kung saan lulugar. Grabe talaga 'tong si Chili, walang preno! "Sige na, pasok na kami. Salamat ulit, Claudius..." paalam ko, dahilan para mapatingin sa akin si Claudius. Sana hindi niya napansin yung ka-weirdohan ng mga kaibigan ko. "Anytime..." nakangiting sagot niya. Jusko, Claudius, 'itigil mo yan boy! Lalo tuloy kinikilig ang dalawa kong kaibigan na para bang may something special sa sinabi niya, kahit na normal lang naman iyon sa pandinig ko. "Anytime daw! Iiiih!" sabay na sabi ni Chili at Pola habang nakatingin sa isa't isa at magkahawak-kamay na nagtatatalon sa tuwa. Napatabingi naman ang ulo ko, senyales ng pagkalito sa inaakto nila. Ano bang meron? Ako lang ba ang hindi nakaka-gets? "Pasensya ka na sa kanila, ha? Hindi kasi uso ang ganyang hitsura mo sa palengke sa lugar namin, kaya nagulat sila, haha!" Naging peke ang tawa ko sa dulo sa kawalan ng masabi pero mas peke pa ang ang ngiti ko sa ng mga kaibigan ko. "It's okay. Nakakatuwa nga sila." Nakangiti niyang sagot. Baka akala niya, audition 'to para sa comedy bar. "Oo nga. Sige, pasok na kami." Isinenyas ko sa kanya ang entrance ng pinto. Bago pa man siya makapag-react, kinurot ko na agad ang mga tagiliran ng dalawa kong kaibigan. Si Chili halos mahimatay sa kilig, at si Pola naman nakatingin kay Claudius na para siyang isang artista. "Hoy, Baka gusto niyong bumalik sa lupa?" Nakangiwi nila akong nilingon. Magpaalam na kayo sa mukhang anghel na idol niyo. "Bye, Claudius."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD