Jaira's POV (continuation..)
"Ano bang meron kay Aulus?" tanong ko sa kanila at interesadong tumingin naman sila sa akin "Bakit takot na takot sa kanya ang lahat?" Hala 'te, mang usisa ba?
"It's not just about his family's power," sagot ni Lighty. "He's... different. He has this way of looking at you that makes you feel like he knows everything about you. And he's not afraid to use that against you."
"Yeah," dagdag ni Oan. "He's like a predator. He can sense your weaknesses and exploit them."
Tumango-tango kami nila Pola at Chili, sabay naghiyawan na naman yung mga babae. Kumaway-kaway ulit si Cheleo at may sinabing salita na hindi ko maintindihan. Isang salita na feeling ko alien language.
"Akalain mo 'yon, hindi lang mukhang tuta, bulol pa," komento ni Chili. Nagtawanan naman sina Nheo at Oan. Ako, napapailing na lang.
"Uy, guys, tama na nga 'yan," saway ko sa kanila. "Baka marinig kayo, yari tayo." Pero deep inside, curious din ako kung anong sinabi nung Cheleo.
"Eh kasi naman, girl, tignan mo 'yon, parang nag-i-speak in tongues," sagot ni Chili, hindi pa rin maka-get over.
"Pero infairness, bagay sa kanya yung scarf," biglang sabi ko.
"Uy, crush mo?" pang-aasar ni Pola.
"Sinasabi ko lang," depensa ko at ngitian siya.
"Hindi mo pwedeng maging crush 'yan!" Sabat ni Chili na palihim na inginuso si Cheleo na kasalukuyang kumakaway-kaway sa mga babae na parang isang kandidato.
"Bakit? Selos ka?" Pang-iinis ko sa kanya.
"Eme mo lang ba 'yan? Corny ah?" nakangiwing balik naman niya.
"Oh eh ano sinasabat-sabat mo diyan?"
"Hindi mo pwedeng maging crush 'yan kasi ayon yung totoong crush mo oh!" sabay nguso sa harapan.
Napalingon ako bigla. At doon, nakita ko si Aulus na nakatingin sa akin. Ang mga mata niya ay parang humihigop sa kaluluwa ko. Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo nang biglang tumahimik ang paligid.
"Hala, nakatingin siya sa'yo!" bulong ni Pola, na para bang nakakita ng multo.
"Shhh!" saway ko sa kanya. Ayokong makaagaw ng atensyon. Bwisit naman kasi 'tong si Chili, kung anu-ano ang pinagsasabi.
"Hoy, hindi si Aulus ang tinutukoy ko'ng crush mo! Si Claudius yung tinutukoy ko!" Ang yamot na si Chili ang bumulong, dahilan para mapatingin akong muli sa harap. Bwisit naman, rumebat pa talaga!
Nagtama ang mga mata namin ni Claudius, at kumaway siya sa akin, dahilan para makarinig kami ng sari-saring reaksyon mula sa mga babae sa paligid.
"Siya si Chef Claudius Rassmuzen. Ang third heir of the Rassmuzens at kabilang din siya sa Four Aces," pagpapakilala ni Nheo na nagpabilog ng mga mata ko.
Siya? Isa rin siya sa Four Aces? Bakit parang impossible? Hindi siya katulad ng mga kasama niya. Mayroon siyang kakaibang aura na sobrang positive. Hindi siya mayabang, mukhang hindi rin siya playboy at takaw-gulo.
"He's genuinely a green flag, you know? Like, the real deal.." Si Lighty na mukhang kilig na kilig... pero kahit ganun, ramdam mo pa rin yung pagiging classy niya. Parang kahit kinikilig siya, hindi pa rin niya kayang basta-basta magpaka-fan girl. May poise pa rin. "He's just... so refined."
"Refined? Eh di ba nga, part siya ng Four Aces? Akala ko puro trouble 'yang mga 'yan?" tanong ni Chili.
"Well, Claudius is different," sagot ni Oan. "He's the sophisticated kind of trouble. Yung tipong mapapa-face palm ka na lang sa mga kalokohan niya, pero at the same time, maiisip mo na 'ang talino naman niya para gawin 'yun.'"
"He's a chaotic genius." Komento naman ni Nheo. "And also a Master Chef, too early for his age.."
Literal na napanganga kami nila Pola at Chili sa nalaman namin.
"Exactly!" sagot ni Oan, sabay kindat.
"He's also the brains of the Aces group," dagdag ni Oan. "He's the one who keeps them out of serious trouble... usually."
Napaisip ako. Isang chef na nagbabalanse sa pagiging green flag at pagiging parte ng isang grupo ng mga trouble-makers? Paano kaya 'yon?
"And introducing, Brucewell Divez," sabi ni Nheo, "Ang Elite Hacker ng Aces group. My idol.."
"So, isa rin siya sa Four Aces?" tanong ni Chili, parang walang ganang magtanong.
"Nope. Aulus' trusted friend," sagot ni Nheo.
"Ah, okay. Gwapo rin ah?" nakangising sabi ni Chili.
"Pero iba talaga ang dating niya kay Claudius. Si Brucewell kasi, may pagka-snob. He works for the elites, pero ang priority niya talaga ay ang Mettienzo family. Hindi rin siya mayaman, galing din sa normal na pamilya, pero grabe na ang pinagbago ng buhay niya dahil sa laki ng binabayad sa kanya ng mga Mettienzo. Salamat sa magandang serbisyo niya," Maaksyong dagdag pa ni Oan.
"Wait, so milyon-milyon ang kinikita niya?" tanong ko, nanlalaki ang mga mata. Panaka-naka ang tingin ko sa apat na mga prinsipe dahil baka mahalata nilang pinag uusapan namin sila. Sa ngayon ay abala sila sa pag uusap-usap. Hindi naman ako tsismosa pero parang gusto ko ang kwento nila. Hindi dahil interasado ako kundi dahil hindi pangkaraniwan ang kwentong ito.
Tumango si Lighty "More than millions. Imagine, siya ang nag-iisip at nagpapatupad ng lahat ng security measures nila. He's basically irreplaceable."
"Kaya pala todo ang suporta ng Mettienzo sa kanya," sabi ni Chili, tumango-tango. "Loyalty is a must sa kanila."
Tumango din ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.
"Pero teka, kung ganun kalaki ang influence niya sa Mettienzo, bakit hindi siya nagtatayo ng sarili niyang empire?" tanong ko ulit. "With his skills, kaya niyang maging billionaire on his own."
Nagkatinginan sina Oan at Chili. "That's the million-dollar question," sabi ni Oan. "Maybe he values loyalty more than wealth? Or maybe he has a hidden agenda that we don't know about?"
"He is really mysterious. There's no background information to check, and all we know is that he comes from an average family."
"Hmm," sabi ko, napaisip. May tinatago man siya o wala, sino ba kami para alamin yon?
"Kaya nga," sabi ni Chili. "Mas interesting pa siya kaysa kay Claudius, in some ways. Crush ko na siya." Nakangiting dagdag niya. Ipinatong niya ang baba sa kamay niya at prenteng tumingin kay Brucewell na kasalukuyang naglalakad papunta sa napili niyang upuan. Tahimik nga siya at parang walang pakielam.
"Brucewell developed the security system for the Mettienzo Group." Biglang nagsalita si Nheo na bakas sa tono ang labis na paghanga.
"That's why all the organizations that are against them are afraid to mess with them, because of how intense their security is. And Brucewell is the one behind it."
Napa-isip ako. Kaya pala ganun katindi ang proteksyon ng mga elites. May connection pala lahat.
"Pero bakit hindi siya part ng Four Aces?" tanong ko.
"Interested, 'te?" pang aasar ni Chili pero hindi ko siya pinansin.
Nagkibit-balikat si Nheo. "I'm not really sure. Maybe he prefers to work behind the scenes? Or perhaps he has his own agenda? Either way, he's still my idol. A total enigma."
Magtatanong pa sana ako nang biglang may apat na lalaki na tumambad sa harap namin. Agad namang napunta sa kanila yung atensyon namin. Dahan-dahan kong inangat yung tingin ko, tapos-boom!-nagtama yung mga mata namin nung lalaking nasa unahan. Nakarinig ako ng sari-saring reaksyon sa paligid. Kung ano-ano ang mga komento nila. Konting kibot ng mga idol nila, may reactors agad. OA
"Are you talking about us?" tanong niya, hindi ko ramdam ang kaba ko sa tono niya, pero kabaliktaran naman yung mga tao sa paligid namin na parang anytime ay sasabog sila sa tensyon. Sila ang kinakabahan na hindi ko maintindihan dahil wala naman akong nararamdamang kaba sa lalaking ito. Pakiramdam ko ay siya ang may atraso sa akin at hindi ko siya aatrasan. "Do you know what I hate most is being talked about by newbies, who don't know anything? Don't you know who I am?" puno ng kayabangang tanong niya. Nilingon ko sina Oan, Nheo, at Lighty pero wala silang reaksyon.
"She's doomed!"
"Sino ba 'yang babaeng 'yan? Ang tapang, ah!"
"Lagot siya!"
"Si Aulus pa talaga naka-encounter niya!"
Napakurap ako. Ano bang sinasabi ng mga 'to? Ano 'to, eksena sa pelikula? Ang corny ah? Naguguluhan ako kaya tinuro ko yung sarili ko sabay lingon sa mga kaibigan ko. Halata sa mga mukha nila na wala rin silang magawa bukod kay Chili na mukhang handang makipagbardagulan para sa'kin. Bakas naman sa mukha ni Pola ang matinding pag-aalala. "Ako ba... ako ba yung kausap mo?" halos pabulong kong tanong. Tumaas ang perpektong kilay niya.
"Ginagago mo ba ako?" Wait, seryoso ba 'to? Nagmumura agad? "Sayo ako nakatingin, hindi ba? Malamang ikaw ang kausap ko, kaya sagutin mo ako nang maayos dahil kapag naubos ang pasensya ko, kayang-kaya kita itapon pabalik sa basurahang pinanggalingan mo." Tiim ang bagang niya habang sinasabi 'yon, pero kalmado pa rin yung aura niya. Weird. Hindi ko naman maintindihan kung saan nanggaling yung inis niya.
"Inaano ko ba siya? Parang tanga.." bulong ko sa sarili ko.
"What the hell?!" bulalas niya kaya pasimple akong napatakip sa bibig gamit ang kamay ko. Oops! Walangya, narinig pala! Epic fail!
"Hindi naman kayo yung pinag-uusapan namin. Nagkataon lang na may tinatanong ako sa kanila tungkol sa university na 'to." Sagot ko at hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang tindig ni Claudius. Para siyang aliw na aliw habang pinapanuod ako. Nasa likuran siya katabi ni Cheleo.
"Liar..." Hindi makapaniwalang sabi niya. Ang arogante at puno ng pagmamalaking reaksyon niya ang nagpataas ng kilay ko. Ano daw?
"Hindi ko naman ikamamatay kung ayaw mong maniwala..." Prenteng sabi ko sabay tayo at hinarap siya. Kahit malaki ang agwat ng height naming dalawa, pinantayan ko ang level ng tindig niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko ugaling pumatol sa mga katulad niya, pero parang may nag-uudyok sa akin na galitin siya, kahit hindi ko alam kung paano siya magalit. Maski ang matakot, hindi ko din ramdam. Weird. Ang alam ko lang, naiinis ako sa kanya. Sobrang inis!
"Did you just talk back? Ang lakas ng loob mo..." Nakangising pinagkrus niya ang mga braso at mayabang na tinitigan ako. "Tell me your name, lady..." Pagkatapos ay marahas niyang hinigit ang batok ko palapit sa mukha niya, dahilan para mapayuko siya at magpantay ang mukha naming dalawa. Halos two inches na lang ang layo ng mga mukha namin, kaya naamoy ko ang amoy mint niyang hininga. "Alam mo ba na ni isang beses, wala pang nagtangkang sumagot sa akin nang ganyan?" Parang siyang demonyong nakangiti ngayon na may mapanuksong tingin. Nagtiim ang mga bagang ko nang ilapit niya ang labi sa gilid ng mukha ko at bumulong na animo'y nang-aakit, "Gusto mo bang isunod kita sa listahan ng mga taong tahimik na ngayon, huh?" Ang mainit niyang hininga sa tainga ko ay nagbigay ng matinding kilabot sa aking katawan. Wag kang magkakamali, pagsisisihan mo yan boy "Or maybe, you'd prefer I make you quiet in a more pleasurable way..." Binalik niya ang ngayo'y mapanukso niyang tingin sa akin, tapos bumaba 'yon sa leeg ko papunta sa mga labi ko. Sige gawin mo! Subukan mo nang makita mo hinahanap mo'ng gago ka! Pilit ko'ng iniiwas ang mukha ko sa bawat titig niya pero hindi ko makuha ang timing sa tindi ng pagkakahawak niya sa batok ko.
Lagot!