"Ayoko na!" ni Piper habang nakahilata sa damuhan sa ilalim ng mayabong na puno ng chico. Apat na araw na, apat na araw pa lang si Piper bilang “Viper” na all-around sa hacienda, pero pakiramdam niya apat na buwan na ang lumipas sa katawan niya. Nasa likod na bahagi siya ng La Huerta Estate sa malawak na taniman ng chico, bahaging hindi masyadong dinadaanan ng mga tao. Medyo tago, may lilim at higit sa lahat, may katahimikan. Walang tao since hindi pa tag chico kaya walang tauhan dun ng hancienda. Nakatingin siya sa mga dahon sa itaas, pinapanood ang liwanag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga sanga. Masakit na ang likod niya. Mabigat ang mga braso parang may buhangin sa loob ng mga tuhod niya sa sobrang pagod. “Isang linggo lang yata itatagal ko…” mahina niyang bulong sa sarili. Sa

