Bandang 2pm na ng makarating na sila sa NAIA Terminal 3, ilang minuto pa nang tuluyang matapos ang mahabang paalam ng pamilya La Huerta. Katakot-takot ang bilin ng Mommy nila sa kanilang magkakapatid dahil lang aalis ang ina at maiiwan silang magkakapatid. Ang buong pamilya nila ay naroon sa airport para ihatid si Joven, na nakahiga sa medical stretcher habang inaasikaso ng hospital transport team na sasama sa flight papuntang New York. Tahimik ang paligid sa bahaging iyon ng airport. Hindi dahil walang tao maraming pasahero at staff ang naglalakad kundi dahil mabigat ang hangin sa pagitan ng magkakapatid. Sa tabi ng stretcher ay nakatayo ang kanilang mga magulang. Si Lyza na, halatang nagpupumiglas pigilan ang luha habang hinahaplos ang buhok ng anak na walang malay. Samantalang si Jared

